COACH, HAVE U HEARD?" Tanong agad ni Augie the Goalie pagdating sa 'oval', grassy field sa likuran ng main campus.
"Heard what?" Ibinaba ni Cade sa damuhan ang kanyang backpack. Sabado ng umaga, may training sila.
Ang kasama ni Augie ang sumagot. Si Kenzo, "Massacre, Coach. D'yan lang sa may tapat." Itinuro nito ang dako ng gymnasium.
"Ano'ng massacre? S-Sino ang pinatay?" Si Miss G ang nasa isip niya, pero nag-iisa naman sa dorm ang babae, hndi iyon massacre na matatawag kung si Geradine ang biktima. "Massacre? Madaming pinatay?"
"Tatlo, Coach." Sagot ni Kenzo, short, squat, really, really fast. At mukhang South American--kulot na mestisuhin pero hindi maputi. Mukha talagang futbolista.
"Pamilya ni Janus, Coach." Segunda ni Augie. Matangkad at maskulado nang chinito. Hinubad na nito ang regular eyeglasses, may dinudukot sa bag. "'yung tropa ni Angie, Coach." Sa pagbanggit ng pangalan ni Angie, huli na agad ni Cade na crush nito ang anak niya.
"I know him." Sagot ni Cade. Sa katunayan, si Janus ang pinag-awayan na naman nila ni Angela nang nakaraang gabi. He was suddenly filled with disgust, the gravity of what he was hearing was lost on him.
Then he did a double take, "Wait...what?" Bulalas niya. "Are you sure?"
"Si Janus lang ang nakaligtas dahil wala s'ya kanila." Sabi pa ni Kenzo.
"A-Anong oras nangyari?" Tanong niya. Nagdatingan na rin ang ibang players, humahangos.
"Guys! You heard?" Tanong ni Marky. Not so talented, pero may grit. Cade had to give that to the kid. Hindi ito marunong sumuko.
"Yeah." Sagot ni Augie.
"It's awful, man!"
Inulit ni Cade ang tanong niya, "Ano'ng oras daw nangyari?" He was tempted to get his phone out, to see if he had messages regarding that.
"Madaling araw na daw, Coach. Pagdating daw ni Janus, bukas ang gate nila at pinto. Tas, 'yun."
"Pinagbabaril daw." Sabat ni Allain, another talented athlete. Natural. Pero impatient, laging umaangal sa ibang aspect ng training. Ang gusto ay sumabak na agad sa laro. "Nanay, tatay, kapatid na bunso. Grade five pa lang po 'yun, Coach."
"Patay rin ang bata?"
"Sa ulo at likod daw po ang tama."
Kinilabutan si Cade. Who woud do that to a kid? A ten year-old?
"A-Ano raw motibo? Magnanakaw, pinasok sila?"
"Wala naman daw nawawala." Sagot ni Augie, isinusuot na ang salamin na panlaro---goggle type.
"Where's Janus now?" Bago pa may nakasagot, tumunog na ang cell phone ni Cade. "Alright, stretching na kayo then thirty minutes--" sumenyas siya ng paikot sa oval. Marky groaned. Walang panahon sa endurance training gayong iyon ang pinaka-importante sa lahat nang sports.
Kanya-kanya nang inat ang mga manlalaro. Mayroon pang hindi dumarating. Kinuha ni Cade sa bag ang cell phone.
"Angie." Aniya sa anak, nagsimula na rin siyang mag-stretch ng mga binti.
"Dad--" Mahina ang tinig ni Angela at parang umiiyak.
"Yes, sweetheart. I just heard. I'm so sorry--"
YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...
