Chapter 11

1.5K 66 11
                                        

chapter eleven

OKAY, OKAY, OKAY!" ANG LAKAS NG BOSES AT NAKATAAS PA ANG DALAWANG kamay ni Candy, naglakad pa na akala mo ay napakaluwag ng lalakaran, hindi two by two meters na sahig.

Kaya bumunggo ito kay Cade, sabay binackhand na rin ang abs niya, "So, hindi s'ya magnanakaw. Imbes ay isa siyang imbestigador at ikaw ang suspek!" Inulit nitong hampasin ang tiyan niya, "Multiple murder suspect."

"Nakakadalawa ka na." Aniya sa kapatid.

Lumapit at sumabat na ang kanilang mama, "Pakakawalan na natin?" Hinaltak na naman nito ang waistband ng walking shorts.

"Para may belt ka na ulit." Sagot ni Candy dito.

Tumingin si Cade kay Geraldine, "But she's convinced I'm the killer. Magsusumbong s'ya sa mga pulis, which is a good thing, since mapapatunayan ko na inosente ako. Pero maaabala ako...at pa'no kung seryosohin s'ya ng mga pulis, kasuhan na ako at ikulong?"

Napa-tsk-tsk si Candy, "May sabit ka sa crosstitch ni Mama. Totoo ba 'yun? Yung verse, nire-recite ng luka-luka na diumano ay saksi sa masscra?"

"Malay ko." Sagot ni Cade.

His mother addressed Geraldine, "Pero hija, hindi killer ang anak ko. Nagkakamali ka. Kung kriminal si Cade, ako ang unang makakaramdam. Ako ang ina, eh."

"Sorry po, pero biased po ang mga nanay." Sagot ni Geraldine. "Sila po kadalasan ang huling maniniwala na salbahe ang mga anak nila."

"Ano ba kasi ang ginagawa mo sa mga scenes of the crimes?" Tanong ni Candy.

"I've told her." Sagot ni Cade. "That Friday night, nagpunta ako kina Janus dahil may nagtimbre sa 'kin na nandun si Angela. Totoo naman, nandun nga. Kinalampag ko ang bintana, pinauwi ko. Galit ako, oo. Pinagalitan ko s'ya pati si Janus. Wala pa dun ang parents n'ya. Mga nine lang 'yun." Nakita niyang umayos ng posisyon sa sahig si Geraldine, iniikot ang leeg. Hindi naman ito nabibigti sa tali, but she was obviously uncomfortable.

Cade sighed. Umiskwat siya sa harap ni Geraldine, "Kakalagan kita, but please don't be so drastic. Let's think this through. I understand your position but believe me, I didn't kill those people." Hinanap na niya ang buhol ng tali.

"Nandun ka sa building nung mahulog dun si Miss Igarte." Sabi nito. "Hindi mo masabi kung bakit."

"I--I was there to return something to the Guidance office." Hindi niya makalas ang buhol sa leeg ni Geraldine. Tsinek niya ang nasa doorknob. Mas mahigpit.

Nahulaan naman agad ng kanyang mama ang iniisip niya, "Don't cut it." Wika nito.

"May isososli ka lang, hindi mo masabi?" Sabi naman nI Geraldine.

"It was a tablet. Kay Prudence. Tumatanggi si Angela na kinuha n'ya. May naglagay daw sa gym bag n'ya , hindi n'ya maibigay kay Prudence dahil nang-away na 'yung isa ng kung sino dahil dun. Pero--kutob ko, kinuha talaga ni Angela --could be a frank or she has started to take things again. Naisip ko na sa guidance isoli at nakiusap na rin ako kay Miss Vera kung puwedeng 'wag nang madagdagan ang demerit ni Angela dahil isa na lang masususpend na s'ya. Ahhm, dinalhan ko din ng cake si Miss Vera."

Nanlaki ang mga mata ni Geraldine, "Sinuhulan mo?" Parang mas malaking kasalanan iyon kaysa pagpatay sa kapwa. "Bawal 'yon!"

"I know. Kaya maaga ako dun, iniiwasan kong may makakita sa 'kin--"

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now