Untitled Part 38

691 31 1
                                    


TAMBAK ANG MISSED CALLS AT MESSAGES SA CELL PHONE NI CADE. FOR SOMEONE who was afraid of commitment, Geraldine was being uncharacteristically thoughtful...and yeah, he was more worried about that than his own safety.

Iginala niya ang paningin sa oval. It was the usual scene after training. Papadilim pa lang. His players were cooling down by scrolling through their social media pages, others were engaged in a discussion. It was all normal. Mahirap paniwalaan na may gustong pumatay sa kanya at mas lalo siyang hirap isipin na mapapatay siya.

Nagpasya siyang basahin na muna ang text messages bago mag-return call kay Geraldine.

Lima ang messages. Parepareho ang nilalaman, mula sa unknown number:

FATHERS, DO NOT....

"Oh, shit." Tila biglang lumatag na ang dilim. "Angie...oh, God! Angela!" Tinawagan niya ito. Hindi sumasagot. Umahon ang panic sa dibdib niya at nagtatakbo na siya palayo sa oval. Hinabol siya ng mga players.

"Coach!"

"Angela! Hanapin n'yo si Angela!" Utos niya habang tumatakbo pa rin at tinatawag ang anak. Part of him knew it was futile. Halos wala nang estudyante. Ang mga naroroon na lang ay ang mga varsity ng iba-ibang sports na karaniwan nang ginagabi sa training. Sa isa sa mga gusali, may bandang nagpa-practice rin, maingay ang drums at electric guitar.

Gayunpaman, patuloy si Cade a pagtawag sa anak at sa pagtatanong sa kada makakasalubong kung nakita ng mga iyon si Angela, as if lahat nang estudyante doon, kilala ang anak niya.

Kasusuling, bumangga siya sa isang binatilyo. Kamuntik na itong matumba dahil payat.

"I'm sorry--" aniya. Napansin ang ID nito, kakulay ng kay Angela ang tali. Dilaw. Ibig sabihin, grade ten rin. Color-coded ang mga ID sa Hillcrest. Nabasa na rin niya ang pangalan ng bata sa ID: Storm --something. "Have you seen Angela?" Tanong niya. "You know her, right?"

"Y-Yes, Sir."

"Where is she?"

"Uh, I saw her with Janus. They left."

"Janus?! Are you sure?" Pumapasok na ba ulit si Janus? Hindi niya nabalitaan iyon.

Sunod-sunod ang tango ng binatilyo.

"Ngayon lang? O kanina pa?" Gusto na niyang yugyugin ang balikat ng binatilyo.

"Ten minutes?" Parang hindi pa ito sigurado.

"Saan daw pupunta? Narinig mo ba?"

"I'm not sure, maybe..his house?"

"His house? Not his aunt's house?"

"His house. I think."

"Thank you!" Pumulas na si Cade papunta sa parking area. Sinubukan ulit niyang tawagan si Angela. Hindi pa rin ito sumasagot.

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now