Untitled Part 39

816 35 2
                                        


HINDI pa man lubusang humihinto ang traysikel, bumaba na si Geraldine. Kamuntik na siyang masubsob, pahagis na lang niyang ibinigay ang buong singkwenta pesos sa driver. Tumakbo na siya sa townhouse ni Vera. Kinalampag niya ang pinto.

"Miss G." sabi nito nang pagbuksan siya. Naka-training pants at jacket. Nakasapatos rin.

"Vera, I need your help. Alam ko na kung sino ang killers."

"Killers?"

"Oo. Sina Missy! Pinatay nila si Miss Igarte! Pati pamilya ni Janus para sa 'yo!"

"What?"

"Sinabi mo sa kanila ang nangyari sa kapatid mo--"

"Y-Yes, I might have, to show them that I know how it is, to be bullied...so I can get them to open up...why? Are you even sure? Paano mo nasabi?"

"Sa nobela ni Missy. It's all there. They want to please you.Naghihiganti sila para sa 'yo at para na rin sa sarili nila. Mas kilala mo sila, Vera. Please think. They have Angela. Saan nila puwedeng dalhin si Angie? Ano ang nalalaman mo tungkol sa kanila?"

"Okay, okay..let me think--"

"Please, hurry. Baka kung ano na ang gawin nila kay Angela. May lugar ba sila na pinupuntahan maliban dun sa likod ng chapel?"

Nameywang si Vera, pumihit nang ilang beses. Nag-iisip.

"Please--" udyok ni Geraldine sa babae.

"have you called the police?" Tanong nito.

"Uh, n-not yet, busy 'yung hotline."

"May pinagawa akong video sa kanila dati, kina Missy. Doon daw nila kinunan sa lumang warehouse malapit kina Missy."

"Alam mo kung saan?"

"Alam ko kung saan nakatira si Missy. Magtanong na lang tayo doon...I'll just get my keys, dalhin na natin ang kotse."

"Thanks. Bilisan mo, please."

Pagtalikod ni Vera, nagtype ng message sa hawak na cell phone si Geraldine: WAREHOUSE....

"Let's go!" Sabi ni Vera.

Dali-daling tinapos ni Geraldine ang pagte-text, "Hindi sinasagot ni Cade ang cell phone n'ya. Kanina busy, ngayon naman--"

"I'm sure he's fine." Lumabas na si Vera, isinara ang pinto. Sinenyasan si Geraldine na sumakay na sa kotse.

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now