BAGO PA LANG ANG SUBDIVISION. HALATANG KALILIPAT PA LANG NG MGA RESIDENTE. Ang ibang bahay, mukhang lilipatan pa lang at ino=overtime ng mga karpintero ang mga modifications sa loob. Hindi tatatlo ang nakita ni Cade na mga bakod at gate na ginagawa pa lang.
Subdivision iyon para sa mga middle class, karamihan, OFWs. Kilala ang developer at may ideya naman si Cade maski paano kung magkano ang halaga ng townhouses at single detatched units.
Nakaka-curious lang paano naa-afford ni Miss Vera ang mortgage. Sa PAG-IBIG siguro, and maybe she took out the loan for thirty years, that would make her monthly payment only around five to six thousand.
Pero may kotse ring binabayaran ang guidance counselor. Hindi naman ganoon kamahal ang Wigo, nasa kalahating milyon lang. Still, nasa five or six thousand rin ang hulog doon buwan-buwan kung sa apat na taon babayaran. Mayroon pa iyong insurance.
Hindi kilala ang Hillcrest bilang mataas magpasweldo sa mga guro at empleyado. Ipagpalagay nang nasa bente mil ang take home pay ni Miss Vera kada buwan, kalahati na nun, mapupunta sa hulog sa bahay at kotse. Paano pa ang utility bills? Pagkain? Gas at iba pang miscellaneous expenses?
Baka sobrang tipid ni Miss Vera.
Baka may iba pang source of income, dahil kung wala, it must be stressful. Alam niya. Kung hindi nga lang kailangan niyang tutukan ng husto si Angela, hindi niya igi-give-up ang pagtuturo ng football sa mga private clubs. Di hamak na mas malaki ang kinikita niya doon kaysa mag-coach. Paano kung nagkataong wala silang negosyo? Makakahanap at makakahanap siya ng pagkakakitaan, pero hindi niya mababantayan si Angela.
And he was just procrastinating, kaya kung anu-ano ang naiisip niya. Truth was, he wasn't sure how to approach the guidance counselor without giving away his suspicion.
Naisip niya si Geraldine. How did she do it? Leading him on, with him none the wiser of what she was really thinking? Samantalang siya, pakiramdam niya, kapag nakaharap niya si Miss Vera, malalaman agad nito na pinagsususpetsahan niya ito.
O baka praning lang siya?
Dahil hindi pa niya nagagawa ang ganito sa tanang buhay niya.
Pero tatanungin lang naman niya kung pwedeng makausap si Prudence...
Yeah, right.
Kung hindi niya nakitang naka-disguise ang guidance counselor.
Dumating doon si Cade mga bente minutos na ang nakakalipas. Hindi agad siya bumaba ng kotse dahil wala ang Wigo ni Miss Vera. Baka hindi pa umuuwi. Nagpasya siyang maghintay ng hanggang trenta minutos. Kapag hindi pa rin dumating ang babae, uuwi na muna siya.
Pero mga limang minuto sa paghihintay niya, dumating ang Wigo. Makitid lang ang harapan ng townhouse at hindi pa iyon sementado. Tinambakan lang ni Miss Vera ng mga graba para hindi maputik. Isinampa nito doon ang Wigo, halos dumikit na ang nguso ng sasakyan sa bahay.
Cade felt like a creep, nasa loob ng kotse niya, nakamasid buhat lang sa tapat ng townhouse.
Bumaba ang driver ng Wigo. Bababa na rin sana si Cade pero hindi pala si Miss Vera ang driver.
Hanggang balikat na buhok ng babaing bumaba sa Wigo, sobrang kinang at..bouncy. May heavy bangs. Naka-shades na takip na ang kalahati ng mukha kahit palubog na ang araw. A curvy woman. Big boobs. Big butt. Faded jeans at tight fitting top ang suot.
And then the woman turned somewhat, hinubad ang shades and Cade realized, it was Miss Vera.
Kaya pala mukhang fake ang boobs at butt.
Bakit ito naka-disguise?
And so, he was stuck in his car, unsure of what to do. And it was getting dark.
May traysikel na lumiko sa kinaroroonan ni Cade, huminto sa apat na townhouses. Napamulagat si Cade nang makita ang bumabang pasahero. Si Geraldine.
Just like that. Nag-abot ito ng bayad sa driver at lumapit na sa townhouse kung saan nakaparada ang Wigo. Umandar na palayo ang traysikel.
Ibinaba ni Cade ang bintana niya at napasutsot si Cade ng hindi oras. He was afraid his woice would be too loud and Miss Vera would hear. Hindi lumingon si Geraldine, mukhang naghahanap ng doorbell. Inulit ni Cade ang sutsot.
Luminga na si Geraldine. Nangunot ang noo habang sinisimpat ang kotse ni Cade.
Lumapit ito sa kanya, "Ano'ng ginagawa mo dito?" Asik nito. Mukhang galing sa school. Pencil cut ang paldang gray, very tight. Tight fitting rin ang pang-itaas na naka-tuck-in sa palda. Powder blue na T-shirt. Maroon ang sapatos, matulis at makintab pero hindi kataasan ang takong.
"What about you?" Balik tanong niya.
"Kakausapin ko si Prud---teka lang, alam mo na si Miss Vera ang may-ari ng Wigo?! Ni hindi mo binanggit kagabi?"
"Uh, I just learned this morning."
"Sinungaling ka!" Sumbat nito. "Iniimbestigahan mo rin s'ya at hindi mo sinabi sa 'kin dahil ayaw mong mapahiya."
"I'm not---"
"Wag ka na tumanggi. Ano;ng ginagawa mo dito, aber? Nakaparada ka d'yan, daig mo pang pulis na nagsu-surveilance--"
"I just got here . Bababa pa lang ako--" he lied some more.
"Asuuus! Kung kararating mo lang, dapat magkasabay tayo. Di ba? Di ba?"
"Okay, fine. I need to speak with Prudence but I saw her, in disguise."
"Si Prudence?"
"Miss Vera. She was wearing a wig. And fake ... uh, boobs."
Napatingin sa sariling dibdib si Geraldine, "We call it wonder bra, mister."
"Hers was too big. And her butt--"
"Disguise na 'yon? Baka gusto lang n'yang magmukhang sexy."
"Naka-shades pa s'ya, madilim na. And why the wig?"
"Sure ka?" Medyo lumumanay ang tono ni Geraldine.
"Yup. That's why I'm stuck here. Thinking."
"Bakit s'ya magdi-disguise kung wala s'yang itinatago?"
"Exactly!"
"Okay." Wika ni Geraldine, tumuwid, "Let's say---"
Natigilan sia pareho dahil biglang bumukas ang front door, lumabas si Miss Vera. Nakita agad sila pagpihit nito mula sa pinto. Gulat na gulat ang anyo pero nakangiti..nakatawa, "Oh, my!"

YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...