CHAPTER TWO
BUT DAD! EVERYONE'S GOING TO THE WAKE TONIGHT! I NEED TO GO!"
By 'everyone', Angie meant 'all my friends'. Kanina pa ito nangungulit, nagdadabog, naglilligalig.
"Prudence is my friend, daddy. She needs me." Paawa naman ang tono ni Angie.
Manipulative, sa loob-loob ni Cade. Sa mga ganoong pagkakataon, hindi niya maiwasang maalala ang sanggol na mukhang anghel--tiny upturned nose, lips shaped like a heart. Kaya nga nila pinangalanang Angela. She was an angel, simple as that.
But even an angel could not save his and Chistine's relationship. Tatlong buwan matapos isilang ang kanilang anak, nag-alsa-balutan si Christine, dala si Angela.
Christine blamed him for not being patient enough to deal with her post partum depression.
Pero hindi pa naman buntis si Christine, ganoon na kaligalig--praning, demanding, sobrang sensitive, selfish, vain. Nakahanap lang ng excuse sa hormonal imbalance.
Hindi niya nakita si Angela matapos iyon. Pero panay ang hingi ni Christine ng child support. Cade had to resort to the lowest of low. Hindi siya nagpadala ng pera hanggang walang 'proof of life'. Sabik na sabik siya sa anak.
Minasama iyon ni Christine. Lahat nang masasakit na salita at insult, natanggap niya. But in the end, video lang ni Angela ang ibinigay sa kanya bilang 'proof of life'. Ubra na nga naman iyon. Hindi naman niya sinabing gusto niyang makita sa personal ang bata. Lalo lang siyang nanabik sa anak.
"She's not your friend, Angie. They're not your friends." Mariin niyang wika sa anak. "Lagi ka nilang pinapahamak. Kada kibot, inaaway ka. Kinukuha ang mga gamit mo. Hindi kaibigan ang mga ganun, Angie."
Five years old na si Angela nang bigla na lang itong dalhin ni Christine kay Cade. Pupunta daw Macau, walang mapapag-iwanan kay Angela. Ang lolo at lola ay pareho nang mahina at may sakit.
Sa katuwaan ni Cade na makasama ang anak sa loob ng ilang araw, pinatawad niya si Christine then and there. He wished her luck, happiness, lahat na.
Hindi bumalik si Christine after five days para sunduin si Angela. Not that Cade wanted to give his daughter back. Mahirap lang ang pakiramdam na naka-hang. Huminto ang buhay niya. Ang masaklap doon, he just joined Azkals. Araw-araw ang training, Rain or shine. Iniiwan niya si Angela sa kapatid niyang babae pero may trabaho rin iyon, maghapong wala sa bahay. Kasambahay lang din ang nag-aalaga sa mga anak.
Hindi niya makontak si Christine. Ang mga kaibigan nito, wala daw alam. That o ayaw lang magsalita dahil kampi kay Christine, naniniwalang abusive siya kaya siya nilayasan.
"It's not like that!" Dabog ni Angela. "We're just....oh! We're friends! You won't understand cos you're old!"
The weeks turned into months. Natapos ang summer vacation. Kailangan na ni Cade magdesisyon kung i-enrol na niya si Angela sa panibagong preschool. Masyadong malayo sa kanya ang pinasukan nito. Pero paano kung biglang sumulpot si Christine at kunin ang anak?
Eventually, inenrol na rin niya. Doon sa school na pinapasukan ng mga anak ng kapatid niya. Para kasama na sa ihahatid at susunduin. Tumigil na siya sa pagtatangkang hagilapin si Christine. Nag-focus na siya sa training. The Asian cup was coming, kailangan nilang umangat sa ranking, to qualify.
"Alright." Aniya sa anak. "Kung gusto mo talagang pumunta, sige. Pupunta tayo ngayon."
Laglag ang panga ni Angela. Tama ang kutob ni Cade. Hindi pakikiramay ang pakay ni Angela. Gusto lang makasama ang mga so-called friends at gumawa ng godknowswhat.

YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...