PUMASOK si Geraldine sa CR, "Si Cade?" Tanong niya kay Nora na nagma-mop doon.
"Kasalubong ko ngayon-ngayon lang, papunta na daw sa oval."
"Hindi mo pa hinatid dun?"
"Ayaw, eh. Pero nandun sa oval si Tabo, mahaba na ang damo. Binilin ko naman si Coach kanina pa." hardinero ng school si Tabo.
"Good." Tango ni Geraldine. "Thanks, Nora."
"Wag kang mag-alala, Miss G, safe na safe dito sa school si Coach."
"Sana kahit saan. May kilala ka ba na pupuwedeng bodyguard?" Magtatanong pa siya sa mga security agency kaso hindi pa siya makahanap ng oras. Sinabihan niya si Cade kanina na mag-inquire through phone, ewan niya kung sinunod siya.
"Magtatanong ako dun sa amin."
"Sige. Ahhmm, pag nakita mo mamaya, pakisabi nasa library ako, sumunod na lang dun, ha."
"Yes, Miss G."
Lumabas na siya ng banyo, tumuloy sa library kung saan naghihintay si Missy. Sinabihan na niya ito kanina na gusto niya itong kausapin tungkol sa kwento nitong isinulat.
Nasa dulo ng mesang pinakamalayo sa pinto si Missy. Nagbabasa. Tahimik siyang naupo sa tabi nito.
"Missy."
"Miss."
"Look at me. I need to tell you something." Aniya sa teenager na morose. Bahagya lang itong nag-angat ng tingin. "Missy, una, 'wag mo sanang isipin na kinakampihan ko si Angela. Mali ang ginawa n'yang pagpapahiya sa 'yo. Kinausap ko na s'ya tungkol dun." And maybe Angela was working on an apology. Maybe. Ayaw niyang pilitin dahil hindi siya naniniwala sa forced apology. Hindi apology kung napilitan lang ang hihingi niyon. "Nangako s'ya na hindi na n'ya uulitin." Sabi pa niya. "Pero ang ginawa mo, mali rin, Missy. Totoong nangopya ka at kung ipagpapatuloy mo 'yun, hindi mo rin maiiwasan na mapahiya in the future.
"What you can do is improve your ability. Maraming paraan. Nabasa ko ang first part ng kwento mo at maganda naman. Original ang idea mo. Napaisip nga ako kung saan mo nakuha ang idea..ano ang inspiration mo dun."
Napayuko si Missy, itinago ang ngiti. The girl really had an inferiority complex at isa lamang si Geraldine guro, hindi psychologist. Ang kaya lang niyang gawin ay mag-encourage kung kailangan.
"Let's talk about it. Your inspiration. Para makita natin kung ano'ng genre ang hilig mo. Then we can look for people who can help you improve."
"I get inspiration from other books and movies--"
"What about real life?" Mas interesado siya doon. "Mga tao na hinahangaan mo?"
"Miss Vera. Cos she's really nice to us."
Tango si Geraldine. Just as she thought.
"So how do you feel now? Sa nangyari kay Miss Vera. Do you hate me dahil ako at si Cade ang nagpahuli sa kanila nung master n'ya? Nag-alala kasi kami kay Prudence."
"No, Miss." Iling ni Missy.
"What about Cade? Galit ka ba sa kanya, hindi lang dahil kay Miss Vera? Dahil na rin kay Angela?"
Hindi sumagot si Missy. Yumuko na lang ulit sa binabasa kahit halata namang hindi nagbabasa.
Binago ni Geraldine ang tactic, "Ano pala ang ending ng kwento mo? Bitin, eh. Nandun pa lang ako sa pinatay 'yung isang vampire village, isa lang ang nakaligtas." That gave her chills.
"Wala pa po. Susulatin ko pa lang po."
"Pero siempre , may idea ka na kung ano ang ending nun. Give me a hint. Matutuluyan bang maghari 'yung vampire king? Mamamatay ba 'yung samurai vampire na may anak na isinumpa?"
Biglang tumingin ng deretso sa kanya si Missy, "Yes, Miss."
Pinigil ni Geraldine mapasinghap. Pinigil rin niya mapakurap, "Sino ang papatay sa kanya?"
Isinilid na ni Missy sa bag ang libro, "He'll die like everyone and no one will know who killed him." Isinukbit nito ang backpack. "Bye, Miss."
Shit.
And she could not go to the police...not yet.
Kinalkal ni Geraldine sa bag niya ang printed copy ng nobela ni Missy. Binasa ulit niya mula umpisa.
Ang unang biktima sa nobela ay ihinagis sa mataas na burol. Lasog-lasog ang katawan.
Kasunod niyon ang pag-massacre sa mga bampira sa isang village. Isa lang ang nakaligtas pero nagtatago na sa ghost galaxy.
Ang sunod na papatayin, ang samurai vampire na tinatawag ang anak.
"Where the hell is that cunt?" ang huling pangungusap sa printouts.
Geraldine froze. Then cursed herself for not realizing it at once. That one sentence. That last dialogue.
Iyon lang ang tumakbo na siya palabas, kinakapa ang cell phone sa bag.
"Angela!" Kada classroom, sinisilip niya, tinatawag ang dalagita.
"Not here, Miss." Sagot ng mga estudyanteng nasa classrooms pa. And Cade was not answering his phone.
YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...
