SA beach sila nagpahatid sa golf cart. Ibinaba sila sa may hagdang bato at bumaba na lang sila doon. Tahimik at sila lang ang tao sa tabing-dagat...may dalawa palang joggers. Pero nang malampasan sila, sila na lang ulit ang tao.
"Doon ang beach club." Turo ni Cade sa direksyong pinuntahan ng dalawang joggers.
"Paano pag nakita tayo ni Vera?"
"Ahmm, sasabihin natin...wait, come here." Hinawakan siya nI Cade sa siko, dinala siya sa gift shop sa tabi ng bar na nakataas pa ang mga upuan sa mesa, may naglilinis lang sa counter. "Bili tayong swimsuits para kunwari nagsi-swimming tayo, nagkataon lang na nandito rin s'ya." Bulong ni Cade.
"Okay." Pumasok na sila sa gift shop, nagtingin-tingin , "Hindi pala okay, Cade." Ani Geraldine.
"Huh?"
"Ang mahal ng swimsuits!" One-thousand pesos pataas ang mga presyo. "Isandaan lang 'to sa Divisoria."
"De pumunta ka sa Divisoria. Lugi ka pa sa ipapawis mo." Katuwiran ni Cade. "Ako na magbabayad."
"Dapat lang. Kaso, nanghihinayang ako, eh."
"Okay lang. Nandito na tayo, eh." Bumili rin ito ng shorts na panligo at dalawang pares ng gomang tsinelas--two-hundred fifty pesos at three-hundred fifty respectively. Mas mahal ang panlalaki.
Naghiwalay sila sa changing rooms. Garish purple at itim na lang ang kulay ng mailot sa shop, she chose the latter. It was a classic--semi high cut, v-neck, low back. Inayos lang niya ang lapat sa katawan at lumabas na.
Naghihintay na si Cade, "Oh, wow!" Sabi nito pagkakita sa kanya. Suot na ang stripes na board shorts, blue and gray. Topless.
Napangiti si Geraldine, exactly my thoughts, about him. His arms and chest muscles nice and tight but he didn't have that tapered waist of bodybuilders. His girth was wider but his stomach was flat. Wala lang nung mga pandesal na overrated kung siya ang tatanungin.
"Thanks." Aniya. "Now what?" Bitbit nila ang mga hinubad na damit.
"Let's find that cabana."
Bumaba sila sa beach. Ikatlo sa right side ang cabana nila. Parang bahay-kubo dahil pawid na may net ang bubong, kawayan ang sahig pero walang mga dinding, bagkus ay telang puti ang tambil sa mga gilid. Nakapatong ang lounging mattress sa sahig, puti rin ang cover. May mga square at cylindrical na unan.
Ipinatong nila doon ang mga gamit.
Sumampa na rin si Geraldine sa kama, "Dito muna ako habang nagmamasid-masid ka banda dun." Turo niya sa gawi ng beach club.
"Ba't ako lang?" Dismayadong-dismayado ang anyo ni Cade, iyong tipong mapapaisip ka sa totoo nitong motibo. "Dapat tayong dalawa, tas maligo na rin rin tayo."
Natawa siya, "Halatang-halata ka naman na may iba pang binabalak, eh."
"Of course not." Tanggi nito. Labas sa ilong. "Mas hindi lang halata na nag-iimbestiga kung naglalakad-lakad lang tayo kunwari...swimming-swimming, walang pakialam sa mundo. Kunwari." Then he grinned, "Ano naman ang binabalak ko sa palagay mo?"
"Ay, naku, kung ano man 'yan, hindi puwede. Walang magbabantay ng gamit natin dito. Gusto mong manakawan?"
"Wala namang kukuha n'yan."
![](https://img.wattpad.com/cover/127716994-288-k750865.jpg)
YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...