NASA likurang sulok ang maliit na silid na pinasok nina Geraldine at Vera. Naroroon si Angela, nakagapos sa isang upuan. Tinututukan ni Missy ng baril. Susugurin n asana niya pero humarang ang isang lalaki, nasa trenta ang edad, stocky at walang emosyon. Kinuha ang mga kamay niya, pinigilan siyang makagalaw.
"It's like this, Miss." Sabi ni Missy. "We're not really the killers. The vampire priest was killed by his own daughter. And the village survivor? He survived cos he was the killer."
"Paano n'yo nagawang ipapatay kay Prudence ang mama n'ya?" Tanong niya.
"We know all her secrets."
The missing tablet Cade returned to the guidance office, Geraldine realized. Hindi talaga si Angela ang kumuha. Iyon ang rason napaaway si Prudence bago napatay si Miss Igarte. Planado ang lahat. At hindi iyon magagawa ng mga kabataang kagaya nina Missy kung walang gabay.
Nilinga niya si Vera, "I knew it was you." Sabi niya. Napakurap sa gulat ang babae, halatang kinabahan at naging unsure. "I knew." Ulit ni Geraldine. Totoong wala ito sa mga crime scenes pero ito ang mastermind ng lahat. Vera manipulated these lonely, troubled kids to drive others to kill their loved ones. "Gusto ko lang malaman kung saan n'yo dinala si Angela." Nagkunwari siyang nagpapatulong kay Vera. "Sa bibig mo na rin nanggaling, hindi ko lang agad na-realize. Sabi mo, these kids needed a PUSH to the right direction, they need to channel their anger, na tinuturuan mo silang gumanti sa ibang paraan. I thought you meant by being productive and smart, getting good grades. Sabi mo pa tungkol dun sa mga sumalbahe sa kapatid mo, kung kaya mong patayin pati mga kaluluwa nila, gagawin mo. Kaso hindi. " at may ganoong dialogue rin iyon ng vampire king sa nobela ni Missy. Kaya narealize niya ang totoong nangyari.
"You are lost, I will show you the way. You are angry and you want to kill...but it's the soul you must kill not the physical body."
Kay Vera narinig ni Missy ang mga iyon. Ginamit sa kwento. Ang hindi lang alam ni Geraldine ay ang paraan mismo ng 'pagpatay sa mga kaluluwa' nina Janus at Prudence. Akala niya talaga, sina Missy ang killers. Pinatay ang mga mahal sa buhay ng mga biktima para magdusa sina Prudence at Janus habangbuhay.
Hindi niya nahulaan, ni naisip man lang na sina Janus at Prudence mismo ang salarin.
At ngayon, gusto nang mga itong masaksihan ni Angela ang pagbabaril ni Cade sa sarili. For surely, hindi papayag si Cade na mapatay ang anak. Hindi rin kaya ng lalaki na pumatay.
Cade would kill himself. Nakikita ni Geraldine iyon sa screen. Walang maisip na paraan si Cade. Malikot ang mga mata sa pag-iisip, but he knew it was hopeless. One wrong move and Missy will shoot Angie.
At siya, she'd probably be shot also. Kung sino kina Vera at Missy ang papatay sa kanya, hindi niya alam. Missy got the gun, pero malay ba niya kung may baril rin si Vera sa bulsa ng jacket.
"Missy--" aniya sa dalagita, "Don't do this. I will help you, you're a minor, you won't go to jail. You just have to tell the truth. Hindi mo ito kagustuhan, you were just brainwashed--"
"No, Miss. We all agreed to do this."
"There's nothing you can do, Geraldine." Sabi ni Vera. "Just....watch. Sayang ano? Bagay kayo. Kaso lang, a father like him? No, your future child does not deserve someone like him. Gusto mo bang kagaya n'yang si Angela ang kalabasan ng anak mo? Mayabang. Walang pakundangan mang-api ng kapwa. Dahil hindi marunong magpalaki ng anak ang lalaking 'yan!" Dinuro nito ang screen ng laptop sa mesa.
"He's not bad! Just kill me!" Iyak ni Angela. "Ako naman ang may kasalanan sa 'yo, Missy, eh! Ako na lang patayin mo!"
"Ano sa palagay mo ang ginagawa namin? Pinapatay ka namin, Angela. Mamamatay ang kaluluwa mo."
Pumalag si Geraldine sa may hawak sa kanya. Malakas talaga. Apakan kaya niya ang paa? But truth be told, she was afraid to move. Baka magulat si Missy, biglang barilin si Angela.
What she...what all of them needed was time. Kaunting sandali lang. Ilang minuto....

YOU ARE READING
Hudunnit Series
Roman d'amourA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...