chapter three
NO KID DESERVES TO LOSE A PARENT. MASKI ADOPTIVE PARENT AT KASING TANDA NG nakaburol.
Iyon ang pumasok sa isip ni Cade nang makaharap niya si Prudence. Malayo sa Prudence na nakilala niya bilang so-called friend ni Angie.
"Condolence." He murmured and offered his hand to the girl. Prudence took it limply. Clammy pa ang palad. Nakalugay ang buhok, tumatakip na sa mukha. From what he could see, she looked pale and gaunt.
And angry. Defense mechanism siguro laban sa lungkot.
Saglit lang itong nag-angat ng tingin pero sapat na para makita niya ang lungkot sa namamaga at namumulang mga mata. He'd heard things about Miss Igarte, mula kay Angela mismo, sa mga players niya at sa mga gurong nakakausap niya. Not good things. Hindi simpleng istrikta lang ang librarian. She was mean. She got a kick out of hurting others. Nagulat siya nang malamang may ampon ito at kaibigan pa ni Angie. Para kay Cade, katunayan na nga iyon ng cruelty. Sixteen na rin si Prudence, ibig sabihin, nasa otsenta na si Miss Igarte nang ampunin ang bata. How could someone that old think she could still be a parent? At ano ang resulta? A troubled kid.
Pero sa nakikita niyang lungkot at dalamhati kay Prudence, maybe...maybe Miss Igarte was different as a parent. Prudence loved her adoptive mother. At wala siyang karapatang manghusga. He was barely out of his teens when Angie was conceived. Christine was older at twenty-four. Same result. Troubled kid.
Ibinaling niya ang atensyon sa katabi ni Prudence, "Condolence ." Aniya sa babaing nakatali ang buhok, maputi, walang make-up at mukhang pagod na rin ang mga mata. She could be pretty, kung hindi siguro nangangalumata. Kagaya kay Prudence, he offered his hand too.
Parang naguluhan ang babae.
Siniko ni Angie si Cade, "Dad, she's Miss G."
"Miss G?" Then he remembered, "Oh, I'm sorry." Aniya kay Miss G, the sub teacher with perpetual PMS, ayon kay Angie. Sana daw, bumalik na iyong totoong English teacher, because this Miss G was not fit to be a teacher.
Tumayo si Miss G, "It's okay, Mister..ahmm..San Luis. Pleased to meet you." Ito naman ang naglahad ng kamay.
"Uh, Cade." Nakipagkamay siya sa babae. Her handshake was firm and not clammy. Hindi rin malambot ang palad. Just smooth. Warm. "Pleased to meet you too."
"Ahhmm, have a seat." Wika ni Miss G , in-encourage si Angela na maupo sa tabi ni Prudence.
Pero tumayo rin si Prudence, bumulong ng 'excuse me', at iniwan na sila doon. Tumuloy sa maiksing hallway sa left side ng chapel at pumasok sa isang silid.
Parang nagkibit-balikat si Miss G at lumapit na lang sa ataul. Naupo si Cade, sinabihan rin niyang maupo si Angela. Alumpihit ito, panay ang sulyap sa hawak na cell phone.
Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ni Cade sa upuan, nakarinig na siya ng komosyon sa likuran.
"They're here, Dad." Wika ni Angela.
Lumingin si Cade. Apat na kabataan ang dumating. Tatlong lalaki, isang babae.
"Uh, I'll just---" Cade gestured towards the coffin. Pero pumulas na si Angela papunta sa mga kaibigan. Lumapit na lang si Cade sa ataul. It was white. Salamin ang entire length ng ibabaw. Walang mga ribbons na may pangalan ng mga naulila sa takip. Ang mga bulaklak ay iyon lamang galing sa funeral parlor. Sa bandang kanan ay may stand kung saan nakalagay ang picture ni Miss Igarte noong medyo bata pa pero senior citizen na rin. Medyo matambok pa ang pisngi sa larawan. Mukha iyong ID picture na pinalaki.

YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...