CHAPTER FOUR

1.8K 58 1
                                        

chapter four

IBINAGSAK NI ANGELA ANG PINTO NG KOTSE PAGBABA. YANIG NA NAMAN SI CADE sa loob. Ano na naman ang kasalanan niya? Kagabi pa siya pinagdadabugan pero hindi iniimikan.

Dahil ba umuwi sila nang maaga buhat sa burol ng librarian? But it was Angie's fault. Ayaw magpasaway sa pag-iingay, parang nananadya pa. She and her friends were mocking the teacher and they were not even discreet about it.

Hiyang-hiya si Cade. Anak niya ang pasimuno. Kaya kahit enjoy pa siyang kausapin si Miss G, nagdecide siyang umuwi na. Tinanong niya tungkol sa ginawa dito ng librarian. Hindi raw iyon totoo. 'Exadge' lang daw ang nagkwento sa kanya. Kinausap lang daw ito ni Miss Igarte kung ano ang pinag-awayan nito at ni Prudence.

Ano nga ba?

Ayaw nang magsalita ni Angela. Sinimangutan na si Cade. Dinedma.

Buntonghininga na lang.

He drove off as Angie approached the electronic gate. Hindi makakatakas si Angela. Kailangan nitong i-swipe ang ID sa entrance at sasabihin ng computer kay Cade via sms na nasa loob na ng campus ang anak niya. Kapag nasa bahay na ulit siya pero wala pa siyang natatanggap na comfirmation, he would call the school.

The system wasn't perfect. Glitches were known to happen. Systems upgrade was in the works. For the meantime, walang papantay sa pakikisama sa mga taong dapat pakisamahan ng mga magulang na tulad niya.

The school security guards. The maintenance crew.

Kinilala niya iyon lahat. Kinaibigan. Now they were his eyes and ears. Mas maraming napapansin sa palagay niya ang mga janitor at janitress kaysa mga teachers na stressed buong araw.

Hindi siya dumeretsong uwi, imbes ay ipinasok ang sasakyan sa school parking. Nasa likod iyon ng gymnasium and the gym led to other areas of the campus.

He got out of the car, walked a few yards. Sa side entrance ng gym siya pumasok. Busy iyon sa foot traffic ng mga estudyanteng papunta sa kani-kanilang classrooms. May isang grupo na nagpapractice ng sayaw malapit sa entablado. Naroroon rin ang pakay niya. Walang pumapansin. Dinadaan-daanan lang ng mga estudyante, maging ng mga guro.

Naupo sa pinaka-ibabang bleacher si Cade.

Hindi nagtagal, lumapit na sa kanya si Nora, tulak - tulak ang floor polisher.

"Aga mo, Coach." Bati nito. Tibo, nasa late thirties. Mullet hair, nakatirintas pa ang buntot. Naka-tuck-in ang asul na polo shirt sa jeans. Pam-BoyScout ang sinturon.

"May meeting ako kay Boss Mel. Hindi pa ina-approve request ko, eh." Dahilan niya pero totoo naman na may pinapa-aprubahan siya sa pamunuan. His Hillcrest Heroes needed complete physical exam. Gusto niyang malaman sinu-sinong player ang may natatagong injury. Most of the time, the kids didn't know either. Binabalewala ang mga sakit ng ulo. Sinuggest niya sa mga magulang na ipa-CT scan ang mga anak. Mas marami ang nag-react violently kaysa doon sa mga naka-appreciate sa concern niya. It was up to him to raise the fund for that, kailangan niyang makipag-conference sa mga magulang.

"Kuu, mainit ang ulo kahapon." KOmento ni Nora. "Nasabon ng mga parents sila Ser Fred. Sila naman nina Ser Mel ang nagkasagutan pagkatapos."

"Dahil kay Miss Igarte." Asahan mo na ang mga parents na lumusob sa school kapag may nangyari na kagaya ng nangyari sa librarian. Nai-imagine niya ang reklamo, ' Ang taas-taas ng tuition, di n'yo maayos ang security n'yo! High-tech, high-tech daw, tatatlo naman ang CCTV, pa'no kung anak namin ang nadisgrasya?' The same parents na ayaw ipa-check ang mga ulo ng mga manlalarong anak.

May isa nga na nag-akusang gusto lang niyang makakomisyon sa ospital na nirekomenda niya. Nalaman niyang laging nasa clinic ang isa niyang player, masakit ang ulo o kaya ay nahihilo. Tinanong niya kung nabagok na ang ulo or something. Oo, daw. Dati. Sa basketall. Cade feared brain concussion, tinanggal na lang niya sa team hanggang hindi naiibigay ang hinihingi niyang medical requirement.

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now