WALANG maibigay na protection detail ang mga pulis kay Cade. Kulang daw sa tao ang kapulisan at hindi lang naman iisa ang kasong iniimbestigahan. Nagdesisyon na si Geraldine.
"Babantayan kita habang wala ka pang nakukuhang bodyguard." Sabi niya kay Cade nang ihatid siya sa dorm.
"Kaya ka nag-eempake? Sasama ka sa bahay?" Parang tuwang-tuwa pa ito.
"No choice. Hindi natin alam kung sino ang killer. Paano kung kakilala mo, papasukin mo sa bahay n'yo?"
"Will you also sleep in my bed?"
Pinisil ni Geraldine ang ilong nito, "Cute mo. Delikado ka na nga, anu-ano pa ang iniisip."
"And cook my meals?" Hirit pa nito.
Isinara ni Geraldine ang suitcase at isinalpak kay Cade ang handle, "Nope. Not gonna do your laundry also." She grinned, "But I'll sleep beside you." Mga gamit naman para sa school at laptop ang isinilid niya sa tote.
"Guess, I can't have everything." Sabi nito, binuksan ang pinto, "But what's everything when you got the best?"
"Hoy! Hoy! Teka lang!" Hinaltak niya ang braso nito. "Wag ka basta lumabas, baka may nakaabang d'yan."
"Mga kapitbahay mo lang ang nandito, nakatambay."
"Malay mo kung isa sa kanila ang killer?"
"Seriously?"
"Seriously. Hindi nga natin alam kung sino ang killer, eh. Kaya lahat, suspect." Pinalis niya ito sa pinto. Sumilip siya sa hallway. Mga kapitbahay nga niya ang nakatambay sa hallway at sa totoo lang, parang malabo namang isa sa mga iyon ang killer.
Pero...mabuti na ang sure.
Pinalabas na niya si Cade, ikinandado niya ang pinto niya, nginitian at kinawayan ang mga kalalakihang kapitbahay. Mga nagyoyosi sa tabi ng pasimano, may nakaupo pa doon mismo. Sinaway niya, "Huy, baka mahulog ka d'yan. Baba."
"Yes, Miss G."
"Una ka konte, susunod ako." At paurong siyang naglakad sa likod ni Cade. Baka kasi may biglang bumunot ng baril. Kaso, hindi naman niya nakikita ang nasa unahan ni Cade. "Shit, hirap maging Secret Service." Nang nasa hagdan na sila saka lang siya naglakad ng normal.
Pero natigilan na naman siya sa tabi ng kotse ni Cade.
"What?" Alanganing natatawa ang lalaki.
"'yang kotse...baka may bomba. Pag in-start mo, sasabog."
"Geraldine? I'm just a parent, who would bomb my car?"
"You're a bad parent. Someone's killing bad parent. Malay mo kung maalam s'ya gumawa ng car bomb?"
"So how do we know kung may bomba sa kotse?"
"Uh, we check?"
"Where?"
"All over."
"Tinatakot mo lang ang sarili mo, eh." Hinawakan ni Cade ang door handle para buksan na ang pinto.
Inawat ito ni Geraldine, "Teka nga, eh! May mga bomba na nati-trigger sa pagbukas lang ng pinto."
"Paano mo nalaman?"
"Naring ko. Kay Papa." Natigilan siya. Mula nang magbago ang kanyang papa, hindi na sila close. Hanggang ngayon. Civil lang ang pakikitungo nila sa isa't isa. Hindi ang kanyang papa ang una niyang tatawagan sa mga oras ng pangangailangan.
Kinuha niya sa bag ang cell phone. Idinayal ang numerong three months ago pa nang huli niyang idayal.
"Sino tinatawagan mo? Bomb squad?" Tanong nI Cade.
"Shhh." Nagri-ring na. Then she heard her father's guttural voice.
"Heraldine." Ganoon nito bigkasin ang pangalan niya. H hindi G.
"P-Pa--ahhmm, may itatanong lang sana. Paano malalaman kung may bomba sa kotse?" Kahit naman matagal na itong retirado, minsan-minsan ay naririnig pa rin niyang nagmamarunong kapag may mga sensational na kaso at imbestigasyon.
"Bakit mo tinatanong?"
"Curious lang."
"Tingnan mo ang paligid. Nasa matao ba? Pag nasa mataong lugar, hindi naman basta-basta nalalagyan ng bomba mapwera terorista iyan at 'yang kotse na mismo ang bomba. Pero kung driver lang ang pasasabugin, nasa driver's seat kadalasan. Tingnan mo kung may mga bakas sa paligid, kung ginalaw ang sasakyan sa pinagparadahan, mga ganun. Minsan, may nakakalat na kawad --kable. Silipin mo ang loob ng sasakyan kung may nagulo."
"Okay. Thanks." Isinilid na uli niya sa bag ang cell phone. "Sige na, pwede na sumakay." Sabi niya kay Cade.
"Sure ka na walang bomba?" Medyo sarcastic ito.
Tumango siya, "Madaming tao dito, eh." Mga naglalakad, may nakatambay, madami ring dumadaang sasakyan. At saglit lang naman sila nI Cade sa itaas, hindi sapat ang oras para makabitan ng bomba ang kotse. Narealize niya iyon nang banggitin ng kanyang papa ang tungkol sa kableng nakakalat sa ibang insidente ng pambobomba. Kung may kawad pang ipupulupot kung saan man, that would take time. Higit sa lahat, malapit ang kotse sa poste. Naiilawan.
Lumigid sa kabila si Geraldine at naupo na sa passenger seat.
Umistart ng maluwalhati ang Chevrolet Malibu.
"Are we gonna be like this everytime?" Tanong ni Cade.
"Tiisin mo hanggang hindi nahuhuli ang killer."
"But we can't be paranoid all the time."
"Only the paranoid survives."
"Thi is crazy."
"Crazy world we live in. Saan kaya nakakabili ng bulletproof vest?"
Nganga si Cade.
"Ayoko lang naman mamatay ka. Masama ba 'yon?" Ani Geraldine.
"Because...you're good...in..soccer. Overrated lang 'yung ibang Azkals."
Natawa naman ang lalaki, "kala ko kung saan ako magaling."
"Kasama na din 'yon."
"Ha!Ha!"
"Seryoso ako." Kinuha ulit niya ang cell phone, "Let's ask Google. Bulletproof vest--" tinype niya iyon, "for sale in the Philippines." Lumitaw naman ang 'hits'. "Mahal naman."
"Yes?" Sagot ni Cade.
"Huh?"
"Tinawag mo 'ko?"
"Ha? mahal ang vest. Thirty K....merong sixteen K lang, baka naman naakalusot pa rin ang bala..." natigilan siya, "Ba't kita tatawaging mahal?"
"Ambitious lang." Sagot nito.
"Weh? 'wag kang paasa."
"WHAAT?!"
sa ni G�X��x�
YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...