Part 7

1.6K 59 2
                                    


ANG PAGKAMATAY NI MISS IGARTE, SA ANGELES CITY AT SA MGA KARATIG NA siyudad lang nabalitaan. Pero ang Alvez massacre, na-TV Patrol at siempre, nabanggit na estudyante ng Hillcrest ang survivor. Nabanggit rin na noon lamang isang linggo napaslang ang librarian ng Hillcrest.

Dalawang krimen na dawit ang pangalan ng eskwelahan.

Kaya Lunes ng umaga, may emergency meeting ang pamunuan at mga guro. Binigyan na lang nila ng seatworks ang mga estudyante. After lunch, naglabas na ng memo para sa mga magulang.

May PTA meeting.

Martes, bagamat ni-require nilang pumasok ang mga bata, hindi pa rin muna nagklase, which the kids loved. Kitang-kita ni Geraldine ang kasiyahan ng klase niya nang sabihin niya iyon. Kahit inutusan niyang manatili sa classrooms, sundin ang usual schedule at gawin na lamang ang mga projects.

Bumaba na siya at tumuloy sa gym. Nagulat siya sa dami ng magulang na naroroon na. Puno na ang mga monoblock chairs na nasa harapan ng stage, may mga nakapwesto na rin sa bleachers. At may mga dumarating pa raw.

Substitute teacher pa lang naman siya kaya iniiwasan niyang pumapel masyado--kahit mahirap para sa kanyang likas na assertive. Naupo siya sa isa sa mga upuang nasa tabi ng court, iyong nakalaan para sa mga reserba at pang-sub na players.

May mga sarili namang upuan at medyo nakatago sa audience ang mga important personalities ng eskwelahan--VP, busy daw ang President; Guidance counselor twice pa lang nakita ni Geraldine. Payat na babae. Naroroon rin ang principal at assistant principal, ang head ng security at student's affair officer. May kanya-kanya ring representative rin ang school clinic at canteen. Balita pa ni Geraldine ay may inimbita ring tagapagsalita buhat sa PNP-Angeles.

Sinimulan ang programa..errr..meeting sa Lupang Hinirang, may MTV pa iyon sa white screen na sinet-up sa entablado. Pati ang opening prayer, may kaakibat na video habang nire-recite ni Jam sa isang tabi.

Sa bahagi ng dasal na alay kay Miss Igarte, montage ng mga larawan niyon ang nasa video. Ganoon rin para sa pamilya ni Janus Alves--kinuha siguro sa Facebook ang mga pictures.

Impressed naman si Geraldine. Whoever organized the meeting was highly efficient. May production kahit nang nakaraang araw lang napagkasunduan na ipatawag ang mga magulang.

Then they were asked to sit down. Nagsalita na ang emcee, si Alice, Math teacher na may talent sa hosting. In-acknowledge nito ang presence ng mga magulang at school officers, pati na rin ang dahilan kung bakit sila may pulong. Then Alice introduced the VIPs, pagkatapos ay tinawag ang VP para sa paunag salita.

Kinukuha ng VP ang mic nang marinig at maramdaman ni Geraldine sa tabi niya si Cade.

"Hi." Bati nito.

"Oh, hi." Hindi nakaligtas sa ilong niya ang amoy nito. Fresh na fresh, bagong apply ang cologne. And for some reason, that cheered her up, "Are you here as a parent or as Coach." Although hindi niya alam kung ano ang maiko-contribute ng department ni Cade sa pulong na iyon.

"I guess both. I got the two memos."

Iyong para sa parents at iyong para sa mga teachers--pinadalhan rin pala ang mga coaches. That amused her.

"So, how are you? I've been meaning to call, but--" he let that slide, assuming perhaps that she understood.

Tumango siya, "A lot happened." Terrible things and he could be the culprit. She decided that was the best time to fish for truth. "Kumusta pala si Angela?" Tanong niya. Napag-alaman na niya, mula sa mga sipsip niyang estudyante, na may namamagitan kina Angela at Janus.

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now