ANGELA could be..." napabuntonghninga si Cade, "..vindictive." amin niya kay Geraldine. Dumeretso siya sa dorm nito pagkatapos ng training. Nasa bahay na si Angela. Hindi na siya nag-aalala masyado na baka kung saan-saan pa pumunta ang anak paglabas ng school. Kusa na iyong dumederetso sa bahay, excited magsulat para doon sa storytelling site na popular na popular sa mga kasing edad ni Angela. "How's the other girl? Ano nga ulit pangalan?"
"Missy." Sagot nI Geraldine. "Mas hindi ko naman maipaliwanag ang isang 'yon. Nawi-weirduhan ako, sa totoo lang." Nasa harap ng kapirasong kitchen counter si Geraldine, iniinit nito sa maliit na kalan ang dala niyang pizza at pasta. Binili na niya iyon bago pa siya tumuloy sa training kanina. Kaya malamig at malamya na masyado. "Ayaw makipag-usap. Gusto pa yata ay susuyuin. Daming issue." Sa hinahalong pasta nito ibinunton ang inis. "Totoo naman nga ang sinasabi ni Angela, hindi sa kinakampihan ko ang anak mo. Mali rin ang ginawa n'ya. Sobrang napahiya si Missy, minura n'ya. Pero hindi ko na rin masisi, s'ya ang lumalabas na masama, eh."
"Nagsumbong nga sa 'kin, kagabi pa. Pinagabihan ko na lumapit sa guidance...nakalimutan ko na wala nga pala silang guidance ngayon. 'kako sa 'yo na lang lumapit para ikaw ang kumausap kay Missy. Obviously, hindi s'ya nakinig. Ginawa pa rin ang gusto n'ya, which is 'yun nga, ipahiya si Missy."
"Masyado ka kasing mabait." Tumigil ito sa paghahalo ng pasta, tumingin sa kanya, "Bigyan mo 'ko ng permiso, hahatawin ko 'yang anak mong matigas ang ulo."
"Ng sandok?" Iyon ang ipinanduduro nito sa kanya. "Go ahead. Please, by all means." Mukhang mas kaya ni Geraldine disiplinahin si Angela kaysa kanya.
Natawa ito, "Desperado ka na?"
Tumayo si Cade buhat sa kinauupuan, nilapitan niya si Geraldine sa harap ng kalan, "Yes, I'm desperate." Hnapit niya ang beywang nito, "And I didn't come here to discuss my kid." He pulled her closer.
"Bad daddy." Sabi nito, binitiwan ang sandok at isinampay sa balikat niya ang mga kamay. They grinned at each other.
Kinuha ni Cade sa bulsa ng pantalon ang remote ng 'magic undies'. Ipinakita niya kay Geraldine, "Big, bad daddy gonna get you now."
Lumuwang ang ngisi ni Geraldine, "How'd you know I'm wearing it?"
Hinaltak ni Cade mula sa waistband ng shorts nito ang nakalitaw na hot pink ribbon, "Just a lucky guess." Aniya. Pinindot niya ang buton at pinanood ang reaction ni Geraldine.
Wala.
"Why?"
"Ano'ng why? What are you waiting for? Hit it."
"I did."
"Ha?"
"Baka nabasa."
"Cade, it's supposed to get soaked."
Natawa na naman sila at sabay pang Inusisa at ineksamin ang remote. Pinindot niya ng pinindot. Wala daw nangyayari.
"Made in China kase." Maktol ni Geraldine.
"Guess I'll go manual." Sabi ni Cade, initsa niya sa kama ang remote.
His cell phone buzzed.
Hagalpak si Geraldine, "Buti pa ang cell phone, nagba-vibrate."
"Just a sec." Kinuha ni Cade sa mesa ang cell phone. Ang balak niya ay patayin lang pero na-curious siya nang makita ang caller. Iyong lawyer ni Nora, "Pare." Sagot niya.
Hindi naman ito nagpaligoy-ligoy. Sinabi agad sa kanya ang pakay.
"I see." Aniya. "Thanks for telling me, I appreciate it." Ibinaba niya sa mesa ang cell phone.
"Bad news?" Tanong ni Geraldine.
"Her alibi checked out. She is not the killer."
Alam na ni Geraldine ang tinutukoy si Cade, "Shit." Usal nito. "But how can that be?"
"Hindi naman kasi ma-establish ng mga pulis na si Vera ang nagpadala nung mga message na Bible verse, prepaid SIM ang pinanggalingan. Wala s'yang fingerprint doon kina Janus at nung oras na nangyayari ang krimen dun, nasa gasolinahan si Vera dun sa highway. Nawala na daw n'ya ang resibo pero hiningi ng mga pulis ang kuha ng CCTV doon at nandun nga si Vera, kuhang-kuha ang kotse n'ya tsaka yung transaction n'ya, nasa computer pa ng gas station."
"Pero kinidnap pa rin n'ya si Prudence."
"Mapapayagan na yata s'yang magpiyansa, sila nI Master Lee. Nakakausap na daw si Prudence and guess what, she wanted to go back to Vera. Si Vera daw ang hinahanap ni Prudence. The kid...adores her."
Nanlulumong naupo sa kama si Geraldine, "Nawala ako sa mood."
"Kain na lang muna tayo."
"Kung hindi Vera, sino ang killer, Cade?"
P]4
YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...