S P O K E N W O R D P O E T R Y # 01 (Tagalog)

312 5 0
                                    


Chat Box

Sa bawat pagdaan ng mga araw
may isa ako pananaw
ang ikaw at ako?
minsan parang cancellation of classes,
hindi malinaw.
parang isang bagyo
iyong tipong bigla nalang lilitaw

gayunpaman, rest in peace nalang ang masasabi ko
dahil ang dating pagkagusto ko sayo ,
matagal ng nasa hukay at naibaon ko na
oo, tanggap ko na pero aaminin ko masakit pa
active chatbox natin dati ngayon hanggang dalaw nalang ako
nagiingat na baka may mapindot ako at biglang magparamdam ang isang tulad mo.

pasensya ka na kung nung mga panahon na kailangan mo ng kausap nandyan ako
pasensya ka na kung sobrang bilis kong magreply sa mga chat mo
ung tipong atat pindutin ang bawat letra sa keyboard ng cellphone ko
dahil ayaw kong isipin mo na may mas better ako kausap kaysa sayo

pero napapagod din ako
dumating na ko sa puntong ilang minuto,oras, minsan ay araw pa ang pinapalampas ko
bago mag reply sa mga kamusta mo.

kahit minsan di ako nakatanggap ng mga suyo mo
doon ko napagtanto na wala lang pala ako sayo
masyado lang siguro akong nag ilusyon dahil sa mga pinapakita mo
ung chat box natin di ko parin kaya burahin
dahil di ko maitatanggi, na minsan itong nagpasaya saakin.

-to the one who broke my heart kahit hindi naging kami I'm happy for you and hopefully we can still be friends

masyado paring umaasa hayys😂💔

     - phurplemint

SILENT SCREAM OF ANGELA  (English And Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon