R E V E R S E P O E T R Y # 01 (Tagalog)

209 2 0
                                    


Nararamdaman sayo

(basahin pababa 👇)

Di ako magkakagusto sayo
Hindi tama ang hinala nilang
Nahuhulog na ako.
Sabi nga nila..
ang isang tulad mo
Hindi ka gusto-gusto
para saakin ang puso mo..
Nararamdaman ko
Magaling lang mambola
Hindi totoo na
Ako'y nahuhulog na
Kayo ay puro nalamang hinala
Hindi yan totoo dahil
"Walang nararamdaman itong puso ko. "

Kailanman walang mararamdaman sayo
Hindi rin totoo na
Gustong gusto ko na
ang isang tulad mo
Nakakapagod paulit-ulit isipin
Hindi ka
para sa akin
Sabi nila,
May gusto kang iba
Hindi totoo na
Umaasa akong magiging akin ka
Hindi yan totoo dahil
May nagkakagusto lang sayo sa tropa.

(Basahin paitaas ☝)

- phurplemint ❤

SILENT SCREAM OF ANGELA  (English And Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon