Nagkakamali Ka
Nagkakamali ka kung akala mo na pinagsisisihan kong nawala ka
Nagkakamali ka kung akala mo na hanggang ngayon umaasa akong babalik ka
Nagkakamali ka kung akala mo na ikaw at ikaw parin at di maghahanap pa ng iba
Dahil napapagod rin ako at nagsasawaSa mga panahon na ikaw ang laging bukambibig ko
Sa mga araw na iniisip ko kung ano na nga bang ginagawa mo
Hindi na tama ang ginagawa ko
Na pati ang sarili ko ay hahayaan nalang magluksa
Dahil sa sakit ng iyong biglaang pangiiwan at sa piling ko'y kumawalaKung dati-rati ay ikaw palagi ang laman ng isipan
Masasabi kong ngayon ay handa ka nang kalimutan
Gayunpaman ay di ko pinagsisisihan
Na ang isang tulad mo sa buhay ko'y napadaanNaging mas bukas ako sa mga posibilidad
Na hindi lahat mananatili sa iyong tabi
Iyon ang masaklap na reyalidad
Na kailanman ay di maikukubli.- phurplemint ❤
BINABASA MO ANG
SILENT SCREAM OF ANGELA (English And Tagalog Poems)
PoetryCompilation of Poems(spoken word, reverse poetry,magic poetry) Mula sa malawak na kaisipan, nabuo ang mga tulang di matatawaran. English and Tagalog poems photo by Brian Ingram @Pinterest