"TAMANG TAO"
Isinulat ni: Angela AmionSabi nila may tamang tao rin tayong makakatagpo
Naniniwala ba kayo? Ganito!
Pwede bang sa pagkakataong ito saakin muna ang atensyon niyo?
Ako naman ang ituring niyong mundo
Magmukha man akong desperada sa paningin niyo
Sige tatanggapin ko
Baka kasi isa na sainyo yung hinahanap kong tamang taoIsang gabi nanaginip ako at ang una kong nakita ay ang pinagtagpi-tagping yero
Tagaktak ang aking pawis sa noo
Napahawak ako sa aking sentido at tila gulong gulo
Ano ang lugar na ito...
Hindi naman ito ang lugar na kinalakihan ko
Sanay ako sa magarbo
Yung ang dingding ay sementadoSa kagustuhan kong bumalik sa ulirat ko
Ipinikit kong muli ang mga mata ko
At sa muling pagdilat nito
Bigo akong gumising sa bangungot na ito,
Dahil,
Ang agad kong napagtanto
Ang mga tao ay nagkakagulo
Parang isang perya
Maraming nagkalat na lamesa
Mga tao ay nagsisigawan, Dito! Dito ako tataya!
Teka! Teka!
Mukhang mali ata ang aking inakala
Mukhang di yata to perya,
mas lamang dito ang sugalero't sugaleraSa lugar kung saan matututo kang magkunwari
Dahil kung hindi
Kamatayan ang magiging sukli
Dito kung saan pinipilit maging tama ang mali
Tama ang paggamit ng ipinagbabawal na droga ng gobyerno
Paghithit ng isang kahon ng sigarillo
Dito matututo kang magkunwari
Pagkukunwari, magbulagbulagan sa nakikita
Pinipigilan ka magsalita at sa lalamunan ay may barikada ng pangambaSa sobrang takot ko nagdahan-dahan ako
Lumakad papalayo
Ipinikit kong muli ang mga mata ko
At sa muling pagdilat nito
Tumambad saakin ang agos ng milyon-milyong luha ng mga tao at nagmamakaawa
Nagpoprotesta sa harap ng gobyernong walang magawa
Ang paligid ay umaalingaw-ngaw
Napuno ng pakiusap at sigaw
Ng mga katanungan
Sanib pwersa ang taong bayan
Sa paghahanap ng katarungan
Nasaan na nga ba ang gobyernong kanilang pinagkatiwalaan
Politika bakit kaguluhan ang dalaNakipagsiksikan ako, pinilit kumawala sa kaguluhang ito
Ipinikit kong muli ang mga mata ko
At sa muling pagdilat nito
Nasaksihan ko...
Isang gabing payapa ang kalawakan
Gabi, na ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang buwan
Gabi na payapa ang kapaligiran at ang tanging maririnig mo lang ay ang paghikbi ng isang preso
Preso na nahusgahan at nabilanggo
Saksi ang mga basang unan at ang kumot na kanyang binubulungan
Ng pagdurusang kanyang nararanasan
Para sa kasalanang wala naman siyang kinalaman
Dito nasubok ang kanyang katatagan
Kung saan mismong bansa niya ay wala siyang laban
Ilang taon na rin siyang nakakulong
Ngunit ang hustisya ay tila isang pagongAt bago pa pumatak ang mga luha ko sinubukan kong lumisan sa lugar na ito
Ipinikit kong muli ang mga mata ko
At sa muling pagdilat nito
Ang luhang nagbabadya lamang kaninang bumagsak
Ay tuluyan ng pumatak
Dahil ang una kong nakita ay ang mga magsasaka
Sa lugar kung saan ang
Mataas na sikat ng araw ay hindi iniinda
at ang pagsasaka ng mahigit na tatlong buwan
Ay normal nalang sakanila
Upang pagsapit ng anihan sila may mapala
Mga magsasaka na napipilitan ibenta ang mga ani sa murang halaga
Mapakain lamang ang kanilang pamilya
Sistema ng agrikultura
Patuloy na bumababa
Kelan nga ba ito mareresolba?Pinilit kong magising sa bangungot na ito
Wakasan ang pagdurusa niyong nasasaksihan ko
Mula sa mga simpleng pagbabago hanggang sa pag sasawalang kibo
Ng mga maling tao na inasahan niyong maupo sa makapangarihang pwesto
Ipinagkatiwala ang bansa sa tinatawag niyong pinunoKaya sa aking pagtayo
Sa inyong harapan
Nais kong kayo naman
Ang magising sa katotohanan
Mga mata ay buksan
Mahirap maghanap ng tamang tao
Kaya sana bago ka rin maghanap nito
Maging tamang tao ka muna sa bansang nagluwal sayo.
Wag puro pag ibig ang isipin mga tsong!
Habang pagunlad ng bansa na dapat ay pausbong ngayon ay nagiging paurongKung hangad mo ng pagbabago
Kailangan mo muna maging tamang taoNirarayuma na ang kamay ng orasan
Sana bago pa ito matuluyan
Magawan na ng paraan
BINABASA MO ANG
SILENT SCREAM OF ANGELA (English And Tagalog Poems)
PoetryCompilation of Poems(spoken word, reverse poetry,magic poetry) Mula sa malawak na kaisipan, nabuo ang mga tulang di matatawaran. English and Tagalog poems photo by Brian Ingram @Pinterest