ESTRANGHERONG PINAGTAGPOMerong isang ngiti na di ka mapapagod tignan, isang kamay na di ka mapapagod hawakan, at mga alaala na di ka mapapagod balikbalikan.
Presensya niyang hindi mo matiis,
Ang minsan niyang di pagkibo ay nagdulot sayo ng hinagpis. Parehas pa ba ang mararamdaman kung bigla ka nalang nitong iniwan sa di maipaliwanag na dahilan?Dalawang estrangherong pinagtagpo
Estrangherong pinukaw ang iyong mga mata at pinaniwalang maaaring may ikaw at siya.
Nahulog ka sakanya..
Ngunit kasabay ng pagkahulog mong yon ay siyang pagkadurog mo.Masyado kang humanga sakanya, kung kaya't bawat detalye ng tungkol sa kanya ay alam mo na. Nagsimula ang lahat ng malaman mo ang pangalan niya. Ngunit natapos ng malaman mo ang pangalan ng babaeng nililigawan na niya pala. Masyado ka kasing naniniwala nung mga panahong ikaw lagi kausap niya.
Ang mapasayo siya ay iyong pinipilit
Mas pinili mo pa ngang gamitin ang kuwit
Kesa sa tuldok dahil sa mga panahon na ayaw mong mawaglit.Kung pwede lang sana i-shut off ang tenga ginawa mo na
Dahil pagod ka ng makarinig ng mga kwentong siya at ang bago niya ang bida.
Hindi naman kasi ito tulad ng mata na kapag sinara di na makakakita.
Ang tenga kahit pilitin mong wag makarinig maririnig mo parin.
Kahit takpan mopa ng dalawang palad mo meron parin.
Niloloko mo lang sarili mo kung sasabihin mong wala ka ng naririnig---sabagay sanay ka naman ng magbingi-bingian para pagtakpan ang puso mong nasasaktan.Ang babae kapag nasasaktan hihiga lang yan kunwari matutulog pero ang totoo umiiyak na yan.
Pano mo nga naman makikita yung taong magpapangiti sayo kung lagi ka nalang naka yuko, naka upo, nakapikit, kakaiyak sa maling tao. Wag kang magkunwaring malakas kung ang totoo ay hinang-hina ka na.
Hanggang ngiti nalang ba ang maisusukli mo sa tuwing kinakamusta ka nila? Ngiting patunay na kahit nasasaktan ka na ay kinakaya mo pa.Wag ka na maghintay sa pagkakataong mamahalin ka niya
Dahil ang pagkakataon na yun ay naibigay na niya sa iba. Pero dahil umaasa ka, na kung sakali, nagbabakasakali lang naman na may magbago.
Nanindigan at kumapit ka kahit di ka ganoon kasigurado.
Sa paghabol mong iyon ay naabutan mo siya, sa wakas naabutan mo siya! Sa iba nga lang ang punta.
Wala kang magawa kundi panoorin siyang masaya sa iba.
Kungbaga nga sa pelikula, hindi ikaw ang direktor at mas lalong di ikaw ang bida.
Hindi na
extra ka lang sa kwento ng buhay nilang dalawa.Pero ito ang tatandaan nila babae man ang matagal makalimot
Kapag kami'y napagod, sisiraduhin nmin na
di na tayo
muling magpapang abot.-yun na nga, pinagtagpo pero hindi itinadhana sabi nga nila.
iiyak na! ang importante cute tayo!😍
- phurplemint ❤
BINABASA MO ANG
SILENT SCREAM OF ANGELA (English And Tagalog Poems)
PoetryCompilation of Poems(spoken word, reverse poetry,magic poetry) Mula sa malawak na kaisipan, nabuo ang mga tulang di matatawaran. English and Tagalog poems photo by Brian Ingram @Pinterest