S H O R T P O E M # 04

128 2 0
                                    


December 24,2016
Binabalikan ko parin

Binabalikan ko parin
Mga alaala na kahit alam ko na kailanman ay di na magiging akin
Binabalik balikan ko parin
Nagbabakasakali na sa muli kong pagtanaw sa mga alaala ay makita muli ang kislap ng mga mata
Ngunit nagkakamali ako dahil ang kislap nito ay di dahil sa tuwa
Kundi dahil sa mga alaalang nagpaluha saaking mga mata

Masakit saakin na minsan mo kong pinasaya
Ngunit ngayon ay nasaan ka na?
Naligaw ka ba, o natisod sa kalsada?
kung kaya't kay bilis mong nawala at di na nakaalala?
Maraming tanong saaking isipan,
gusto man kita kalimutan ngunit di ko magawa
Di ko magawa dahil masyadong maraming alaala ang nagawa.
Kung kaya't kahit masakit na, pinipilit parin ipinta ng mag isa ang mga ngiti na minsan ay ikaw ang may gawa

Babalik balikan pa din
Kahit pa alam ko na kahit kailan ay di mo ko matututunan mahalin
Salamat sa lahat at ang huling bilin,
pakiusap pagmamahal ko sayo sana ay tangayin na ng hangin.


( yan lang trip ko gawing title, walang connect diba😂 memorable date para sakin. )

-phurplemint

SILENT SCREAM OF ANGELA  (English And Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon