"BIBILI KA BA?"
BOTH: Hali kayo sa banda rito
Lahat ng makita, mapili
Sampu sampung piso
Lima limang piso
Sampu lima
Sampu lima
Samantalahin niyo habang maaga paGirl: Pogi! Dito ka na sakin bumili!
Boy: Ganda! Tara bili ka!
G: Nako suki! Hiyang mo yung sabon, mas lalo kang pumuti!
B: Aba! Pare! chicks na hahabol sayo pag ito iyong binili
BOTH: Simpleng mga salita, maraming nabobola
Mga taong nagpapadala sa mabubulaklak na salita.B: Ito ang karaniwang senario sa palengke sa iyong pagpasok
G: May nag aalok
B: May nagsisigawan
G: Naku! may nagulangan
B: May naglolokohan
G: At may pumapatol naman! Opps!
B: Halika! Tara bili ka!
Sa lugar kung saan ang binebenta ay mga kolorete
Pampapula ng labe
Pampa kulay rosas ng pisnge
Mga pabango na sa tamis ay parang kendi
May pampakulay din ng buhok, naku sari-sari!
May BIBILI BA?G: Syempre meron sino ba naman ayaw gumanda
Sa lipunan kung saan maraming mapanghusga. Nilalait ka na para bang may ikinaganda sila.
Mga taong mas inuuna humanap ng mapupuna
Unang pinapansin ang pagkukulang ng iba.BOTH: SUNOD NA TINDA
G: Tara gwapo bili ka
B: Ganda halika at mamili na
G: Sa banda rito halika na, mga nag gwagwapohang lalaki walang ibang alam gawin kundi pumorma
B: Ibibigay daw ang buwan bituin at buong kalangitan
Pero magdamag nakahiga at di magawang maghugas nang pinggan
pissttt miss bili ka naG: Mga lalaking magagaling bumanat nang kung anu ano
Pero pagdating sa klase mahina ang ulo
Kayang makipagpuyatan
Pero sariling asignatura di masagutan
ano bibili ka ba?B: Syempre oo, sino bang may ayaw sa lalaking gwapo...
Dibale nang walang alam, dibale nang batugan,
ang importante may kalandian at sa social media may maipangalandakanBOTH: SUNOD NA TINDA
B: Miss bili ka na
G: Tara pogi dito ka
pumasok at mamili na, nagseseksihang mga babae na may suot naman
Pero mas madaming parte ang kita yung katawanB: Tara bili ka
mga babaeng maamo ang mukha
Pero sa bahay siyay nag iiba at sinasagot sagot ang mga magulang niyaG: Tara pogi bili ka na
mamili sa naggagandahang dalaga
Makinis maputi di naman alam maglaba,
ano bibili ka ba?B: Syempre oo, sino bang may ayaw nang babaeng maganda, na tipong pati sariling puri ibibigay para ikaw ay sumaya,
G: Sa lipunan kung saan di mabubuhay ang kabataan kapag walang kasintahan, dibale nang walang makain basta may kahalikan, walang pakelam sa kinabukasan
Ang gusto lang sumaya kahit panandalianBOTH: SUNOD NA TINDA
G: Sir bili ka na!
B: Tara ma'am dito ka
pumasok at mamili na,
buy 1 take 1 pa
At paniguradong mapapabili ka
Mga naggagandahang kamisita
Gamit pamalit Sa luma,
dahil bakit ka pa magtitiis sa bagay na marupok na
Kung pwede Naman humanap ng bago na...may reserba pa
Ano? May bibili ba?G: Syempre meron!
Sino ba Naman ang ayaw sa extra
Yung kapag napagod sa Isa
Hahanap ng iba
Sino ba Naman ang ayaw sa bagong magagamit
MANGGAGAMIT!
Mga taong di makuntento
Naghahanap lagi ng bagoB: Sa Lugar Kung saan lahat na lang pinipilit
Di pa nga kayo pero meron nang gusto kumabit
hindi ba't ang sakit
Enough ka naman pero lagi kang pinagpapalitBOTH: SUNOD NA TINDA
B: Miss, miss, oo ikaw bili ka na
G: Pogi halika rito sa tabi at mamili ka
B: Mga naggagandahang gamit, pagkain at kung anu ano pa,
gandang isuot at nakakabighani nang mata
Pero sa sobrang mahal mapapamura ka talaga
Pero teka
Miss ano bibili ka ba?G: Syempre oo, sino ba naman ayaw sa magara
dibale nang magkabutas ang bulsa basta may mai-post sa social media
Di naman nakakabusog pero basta may maipagyayabang sa madla, okay na!B: Miss halika dito kain ka
G:Sa nagmamahalang resto kung saan
aabot sa libo ang isang kainanB: Todo kayod ang magulang para sa mga pangangailangan
Pero sa school kung umasta kala mo kung sinong mayamanG: Nay bayaran mo yun, tay bayaran mo to
Dami daw gastusin pero ang totoo
pambili naman pala ng luhoB:Mamahalin ang damit alahas at sapatos
Pero pag bayarin sa paaralan halos ayaw gumastos
kung titignan sa social media mukha talagang mayamanG:Pero ang totoo? puro utang lang naman yan!
BOTH: SUNOD NA TINDA
G: Naku ma'am, sir dito kayo sakin bumili
may Lacoste, channel, at nike
class A pero di halatang peke
maganda na, swak pa sa bulsa
ano ma'am, sir? may bibili ba?B: Syempre meron yan,
sino ba naman ang ayaw ng mukhang orig kahit peke lang naman
Galing manloko nang iba,
Kaya pati sarili niloloko niya na!G: Parang same thing lang rin naman
kasi kaya mo nga makipagplastikan
kala mo kung sinong orig na kaibigan eh peke rin namanB: Sa lipunan kung saan maraming doble kara
akala mo kaibigang malalapitan sa problema
pero andyan lang pala para i-chissmiss ka sa ibaB: naku miss halika at sumama ka
wag ka na magbalak lumipat sa iba
dahil ito na.....
ang huli naming panindaG: Mga appliances na matibay, maganda
Kung sakaling magka deperensya
wag magalala, may 1 year warranty ka
Ang palenke malapit na magsara
ano may bibili ba?B: Syempre meron, sino ba naman ang ayaw sa alok na kapag nasira pwede pa ibalik
G: Yung mga bagay na di masyadong pinapahalagahan
kasi madali lang naman palitan
mga bagay na isinasantabi lang, kinakalimutan, pinapabayaanB: Kasi alam naman nilang pwede pa isauli
ano? meron bang bibili?G: Syempre meron, sa panahong puno ng maraming opsyon
gagamitin ka lang ng saglit na panahon
at pag wala nang kwenta
kapalit na ang hinahanap nila
sa mundong maraming naggagamitan
pipiliin talaga nila yung madaling palitanB: Di ko na tatanungin kung bibili ka ba?
BOTH: Natural bibili ka dahil katulad ka lang nila
B:Di naman sa pinapatamaan kita
ang punto ng tulang ito ay mag sales talk kumbagaG:Bumi-benta ba?
BOTH: Syempre OO
B: Yung mga humihiyaw diyan baka naging costumer na namin yan.
G: O suki, bakit umaalis ka na diba bibili ka pa
Tinatangkilik mo na to dati pa bakit parang ayaw mo na. May bago ka na ba?B: O naghahanap ka ulit ng mabenta? yung uso sa madla
dahil palagay ko yun ang bebenta sayo
yung patok at gusto ng tao
sabay ka lang naman kasi uso
Sunod sunoran na parang asoG: Ganito sa totoong mundo
maraming tindera at tindero
hihikayatin ka
aakitin ka nila
hanggang sa unti-unti
napasok na nito ang iyong sistema
B: bibili ka, hanggang ang bagay na iyon ay makasanayan no na
pag sinabi kong bumili ka na?
BOTH: Bibili ka kaya?
Written by:
Angela Amion (phurplemint)
Vonmark Quinto (@riovenknight)
BINABASA MO ANG
SILENT SCREAM OF ANGELA (English And Tagalog Poems)
PoesieCompilation of Poems(spoken word, reverse poetry,magic poetry) Mula sa malawak na kaisipan, nabuo ang mga tulang di matatawaran. English and Tagalog poems photo by Brian Ingram @Pinterest