S P O K E N W O R D P O E T R Y #11 (Tagalog)

109 1 0
                                    

BAGO MONG MUNDO

Ginamit mo lang ako
Oo! Ginamit mo lang ako
Ibinigay ko na ang lahat sayo
Pero pinagpalit mo ako sa bago mong mundo

Wala ka nang pakielam sa kung kamusta na ba ako
Wala ka nang pakielam sa kung anong nararamdaman ko
Wala ka nang pakielam sa kung gaano ba ako kahalaga sayo
Dahil sa bago mong mundo nakalimutan mo na ako

Ako, ako iyong puno na itinanim mo sa puso mo at pinalago ng pagmamahal mo
Ako, ako iyong asul na dagat na umiikot sa katawan mo, ang bumubuhay sayo
Ako, ako yung langit na tinitingala mo, ang nagpapakalma sayo
Ako, ako ung bundok na matayog nakatayo, ang nagsisilbing sandalan mo
At ako, ako iyong hangin na dapat palaging nasa paligid mo, kundi ikamamatay mo

Pero biglang pumasok yung bago mong mundo
Inagaw na niya lahat ng atensyon mo
At ako? Unti-unti, napabayaan mo
Hinahanap, ang pagaalaga mo
Hinahanap, ang pagmamahal mo
Hinahanap, ang dating halaga ko

Kasi dati...
Ako? Ako yung puno na minsan mong itinanim diyan sa puso mo at pinalago ng pagmamahal mo
Pero ng dahil sakanya, sa bago mong mundo
Ang relasyon natin ay pinutol mo

Ako? Ako yung dating asul na dagat na umiikot sa katawan mo ang bumubuhay sayo
Pero dahil sa bago mong mundo, nabingi ka!
Masyado kang nagpadala sa mga sinasabi niya
Hanggang sa unti-unti ang utak mo'y nalason na pala
Hanggang sa iyon na ang umiikot sa katawan mo, at ang unti-unting pinapatay ka!

Ako? Ako ung langit na minsan mong tiningala, ang dati sayong nagpapakalma
Pero dahil sa bago mong mundo, nabulag ka!
Masyado kang nagpadala sa kagandahan niyang dala
Dahil sakanya di mo na ako makita
Unti-unti, siya na ang iyong sinasamba

Ako? Ako ung bundok na dating matayog nakatayo ang dating nagsilbi na sandalan mo
Pero dahil sa bago mong mundo, naging manhid ka!
Ako yung palaging andiyan
Pero ako, ako yung bigla mong kinalimutan
Di na inisip ang aking mararamdaman

Ako? Ako yung hangin na sabi mo dapat palaging nasa paligid mo kundi ikamamatay mo!
Pero dahil sa bago mong mundo, tuluyan kang nagbago!
Mas pinili mo siya sa tabi mo at isinantabi mo ako
Kinailangan, kinalimutan, at ngayon ikaw ay mahihirapan

Dahil ang mga patak ng luha na pinipigilan mula pa nung dumating siya ay pumatak na
Unti-unti hanggang sa di na mapigil pa
Bumaha ng luha ang mundo ko
At ang bago mong mundo ay walang magawa sa pinsalang dulot ko

Wag mo akong sisihin sa pagpatak ng luha na ikaw mismo ang may gawa
Wag mo akong sisihin sa pagyanig ng lupa dahil ikaw mismo ang pumutol ng relasyon nating dalawa
Wag mo akong sisihin sa unti-unti mong panghihina dahil ikaw mismo ang nagpasok sa katawan mo ng masamang impluwensya

AKO! AKO ANG KALIKASAN, ANG TOTOONG MUNDO!
HINDI SIYA! ANG BAGO MONG MUNDO!
ANG MAKABAGONG MUNDO! ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA!
ANG INAAKALA MONG MUNDO!

Mas pinili mo siya kaysa ako!
Ang makabagong mundo
Kung saan mga gusali na ang siyang nakatayo!
Ako iyong binigay ng diyos na biyaya
Pero siya! Ang bago mong mundo ang siyang sinasamba!


-phurplemint

SILENT SCREAM OF ANGELA  (English And Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon