Kasalanan
Nang dahil sa pilit na kagustuhan
Nangyari ang di mo inaasahan
Nasilaw sa mapang-matang dikta ng lipunan
Ok lang makagawa ng masama, kapwa tao ay tapakan
Basta't ang luho mo ay iyong mapunanLantarang pandaraya para sa kaunting barya,
Kamangmangan ang ipinakikita
Sa likod ng mataas na kita
kaya pa ba kayong buhayin ng iyong mga konsensya?Magbabad may sa ilalim ng malakas na ulan
Mga kasalanan ng nakaraan di nito mahuhugasan
Magbalik loob sa Diyos humingi ng kapatawaran
Gaano man kabigat iyan ikaw ay kanyang yayakapin sa kanyang bisig
at di na muling pang papakawalan-phurplemint ❤
BINABASA MO ANG
SILENT SCREAM OF ANGELA (English And Tagalog Poems)
PoetryCompilation of Poems(spoken word, reverse poetry,magic poetry) Mula sa malawak na kaisipan, nabuo ang mga tulang di matatawaran. English and Tagalog poems photo by Brian Ingram @Pinterest