(Wala akong title😂)Kalokohan ang iniisip nila na ikaw ay may pambihirang ganda
Wag magpapaniwalang
May magmamahal parin sayo.
Dahil ang totoo,
Wala kang silbi sa mundo
Hindi ka magugustuhan ng kahit na sino
Wala ng sasagip sayo mula sa mapanghusgang lipunan na ginagalawan mo.
Dahil isang kahibangan ang isipin na,
MAGANDA KA !
Tanggapin mo nalang ang mga katagang,
"Kailanman ay walang magseseryoso sayo pagdating sa pag-ibig"
Pilit sinasambit ng mga mapanglait na bibig
Dahil ang totoo,
Kailanman walang nagbigay ng pagpapahalaga sayo
Ito ang mga katagang
Nagiging dahilan ng paghikbi
Mga panlalait na
Dapat isinasantabi.-phurplemint ❤
BINABASA MO ANG
SILENT SCREAM OF ANGELA (English And Tagalog Poems)
PuisiCompilation of Poems(spoken word, reverse poetry,magic poetry) Mula sa malawak na kaisipan, nabuo ang mga tulang di matatawaran. English and Tagalog poems photo by Brian Ingram @Pinterest