S H O R T P O E M # 01

155 2 0
                                    

Akala ko Ako

Nakita kita
Mula sa malayo tanaw ko ang iyong mga mata
Mistulang mga bituwin at kimikislap pa sa tuwa
papalapit ka saakin
Pero teka! Habang papalapit ka mas lumilinaw sa aking paningin
Na ang iyong mga mata ay di pala talaga sakin nakatingin
Dun ko na napagtanto, wala lang ako sayo
Wala saakin ang atension mo
kundi sa taong nasa likuran ko,
Kikiligin na sana ako pero para saan pa
Kung para sayo wala rin pala akong halaga.

Akala ko sa pagkakataong ito ay saakin ka na
Kaso may iba ka pa palang gusto at pilit akong binabalewala

Natawa ako,
Dahil sa bawat pagpintig ng puso kong ito ay siyang pagpintig ng puso mo para sa taong nasa likuran ko
Na akala ko ay ako

-mema lang ito😛

- phurplemint ❤

SILENT SCREAM OF ANGELA  (English And Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon