Nagsimula sa BiruanNagsimula ako sa pagiging isa sa mga taga hanga mo.
Tagahangang naghahangad na mapansin at kausapin mo.
Pasulyap sulyap dala ng kilig na nararamdaman sa tuwing ikaw ay masisilayan.
Di ko alam pero naging isa ka sa mga dahilan
Kung bakit pumapasok ako ng alas syete na ng umaga dahil sa ng minsang ganung oras akong pumasok mula sa gate ay nakasabay ka.Nagbabakasakaling maulit pa.
Maulit pa na sana di ko na hiniling pa.
Dahil sa paulit ulit na yun ay nasanay ako at araw araw taranta na baka sa tuwing lalabas ng silid ikaw ay makita.
Akala ko ay hanggang doon lang.Di ko pa alam ang pangalan mo nun
Kung kaya't nagpaka imbestigador ako,nagsimula lahat ng malaman ko ang pangalan mo.
Hinanap ko agad ung account mo at ng mahanap ko na sa wakas dun kita mas nakilala..Ang akala ko ulit ay hanggang doon lang inadd kita inaccept mo ko at sa bawat post mo di mawawala ang reaction ko.
Inaabangan bawat ganap sa buhay mo at naka-see first ka pa nga sa friendlist ko.
Akala ko talaga hanggang doon lang ngunit nagbago ang lahat nung chinat mo ko at di ko makakalimutan ang araw na yun dahil sa wakas napansin mo rin ako.Di ko malilimutan ang unang chat mo saakin na kung para sayo ay simpleng bati lang ay saakin ito ay tila isang antigo na dapat ingatan.doon,doon nagsimula ang lahat.
Ang paguusap natin ay humaba hanggang sa nakasanayan ko na,nagbibiruan at nagkukulitan, at kung paminsan minsan ay may tampuhan.Sabi nila itigil ko na dahil nakakasanayan ko na ngunit di ako natinag nagpatuloy ako sa pakikipaglaban ng puso ko sa isip ko na nag sasabing tama na dahil sabi ng puso ko'y may pagasa pa.
At di ako nagkamali dahil isang gabi umamin ka sakin na matagal mo na akong gusto at tulad ko tagahanga rin kita mula sa malayo
kung kayat napaamin narin ako.
Umasa na ko na ung akala kong hanggang doon lang ay iyon nagsimula na! ngunit di rin pala.
Nakalimutan ko kung saan tayo nagsimula,sa biruan..biro lang pala ang lahat.Pero bakit parang totoo at ang isang tulad ko ay naloko dahil lamang sa pagibig na akala ko'y totoo..
biro lang pala ang lahat..
nagbago ka nalang bigla di ko alam kung bakit.
Sa totoo lang nalito rin ako, siguro dahil di mo nalinaw kung ano nga ba talaga ako sayo o baka dahil may iba ka ng gusto.Yung akala kong dati na hanggang doon lang ay naging hanggang doon nga lang pala talaga.
Na sa kagustuhan kong humaba pa ay nagdagdag ka ng panibagong pahina pilit na isiniksik kahit na puno na. Umaasang sa paraang iyon ay humaba pa pero tama na! Natuto na ako at sa paglisan mo sa buhay ko pakiusap dalhin mo na ang librong naglalaman ng storya mo na extra lang naman ako na kung saan dumaan lang sa buhay mo.ps. di ko alam pero pwede narin siguro to matawag na spoken word poetry 😊
- phurplemint ❤
BINABASA MO ANG
SILENT SCREAM OF ANGELA (English And Tagalog Poems)
PoetryCompilation of Poems(spoken word, reverse poetry,magic poetry) Mula sa malawak na kaisipan, nabuo ang mga tulang di matatawaran. English and Tagalog poems photo by Brian Ingram @Pinterest