S P O K E N W O R D P O E T R Y # 09 (Tagalog)

92 2 0
                                    


"Nangungusap na Mata"

Nasa parehas lang tayo na pahina ng binabasa
Ngunit ang pamagat ng libro nating dalawa ay magkaiba
Mag kaiba ang kwento kung nasaan ka at nasaan ako
Kung kaya't kahit kailan ay di magtatagpo

Namumuong mga luha mula sa mata
Ang mga patak nito'y babagsak na
Bawat patak nito'y nag aanyong salita
Salita na naglalaman ng kwento nating dalawa
Kwentong ano mang gawin ay di na maibabalik pa.

Sa muling pagkikita ang langit sana ay maging saksi
Sa kung papaanong ako mismo ang tumanggi
Sa mga matatamis na salitang binibigkas ng iyong labi
Dahil aminin ko man o hindi
Ramdam kong sa puso ko ikaw parin ang nananatili
Isang kahibangan na matang nangungusap na mismo ang nagsasabi
Katotohanang hindi na maitatanggi.

Hiling ko lang sana ay matapos na
Dahil ang mga mata ay namumugto na
Sa bawat alaala na alam nating dalawa na wala na talaga

-phurplemint

SILENT SCREAM OF ANGELA  (English And Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon