S H O R T P O E M # 05

90 2 0
                                    

Bahaghari Ako

mula pagkabata, pansin na nila
mga kilos ko'y tila kakaiba
sa mundong ito ako ay namulat
ginawa mo ng lahat ngunit di parin sapat
kailan ba ako magiging tanggap at sa mundong ito ay karapat dapat

isang bahaghari ang isinasagisag ko
simbolo ng aking pagpapakatotoo
ngunit takot sa mapang-husgang lipunan na ginagalawan ko
kaya't tunay na pagkatao pilit na itinatago

karapatan ko bilang isang tao
nasaan na? nakanino?
nasasakamay na ng iba, at iba na ang may
kontrolado

buhay kong sobrang kumplekado
ipaglalaban parin kahit di sigurado
isang bahaghari, bahaghari ako

ipagsisigawan ang napakagandang pangalan
bahaghari ako na may ibang kahulugan
Kung sa iba ito'y kasalanan
mas nanaisin kong maging isang makasalanan kesa mabuhay sa isang mundong iyong kinagisnan
ngunit kahit kailan ay hindi mo nakita ang tunay na kasiyahan.

-phurplemint

SILENT SCREAM OF ANGELA  (English And Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon