M A G I C P O E T R Y # 01 (Tagalog)

187 4 0
                                    

( MAGIC POETRY & REVERSE POETRY IN ONE PIECE )
-Limang(5) tula sa loob ng isang pyesa-

Ang Nakaraan

note:try lang medyo walang sense ung iba trying hard😂

( INSTRUCTION )
-Una: Basahin mo pababa ang buong tula
-Pangalawa: Basahin mo pababa ang MALALAKING LETRA
-Pangatlo: Basahin mo pataas ang MALALAKING LETRA
-Pang-apat: Basahin mo pababa ang maliliit na letra
-Panglima: Basahin mo pataas ang maliliit na letra

( Basahin pababa 👇)

TANDA KO PA kahit alam kong hindi na maibabalik pa

SA AKING PAGTANDA, pagsasakripisyo mo ay binalewala

HINDI TOTOONG tumalikod sayo at nagpabaya

AYAW KO NG MAALALA, ayaw ko ng maulit pa

KAHIT PANAHON AY LUMIPAS NA kahapon ay may bakas pa

NAKARAAN SA PUSO AY NANANATILI PA hindi ako nagkakamali

AYAW KO SABIHING sugat ay naghilom na

AYAW KO NA ITONG BALIKAN PA ako sana ay gabayan mo ama

KUNG MAY PAGKAKATAON putulin ang mga pagdududa

MANIWALA KA sarili ko ay pinipilit ipaglaban

MARAMING MAGAGANDANG KARANASAN sariwa pa sa aking isipan

HINDI TOTOONG ako'y naging tampulan ng tukso at panghuhusga noong kabataan

SAKIT AT KALBARYO ANG PINAGDAANAN AT patuloy na nasasaktan

KAMAY KO AY KAY BILIS MONG BINITAWAN dahil kumakapit pa, di pinagsisisihan

DAHIL SA KATUNAYAN sugatan man at halos bumagsak na ang katawan

IKAW ANG LAGING NARIYAN dakilang ama

PATULOY MO PARING IPINAGLALABAN AT
ang ako ay ikahiya

ANG AKO AY TALIKURAN kailanman di nagawa

ITO AY DI PINANINDIGAN ilang beses man ako sayo di naniwala

WAG NA IPAGPILITAN sugat ay naghilom na

ANG NAKARAAN wala na

DI NA PWEDENG BALIKAN tatalikod na sa nakaraan.

(basahin paitaas ☝)

ps. kung binasa mo ng buo salamat kung hindi salamat parin at napadaan ka HAHAHHAHAHA

- phurplemint

SILENT SCREAM OF ANGELA  (English And Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon