"OBRA sa likod ng MASKARA"
Ako ay isang OBRA
Isang OBRA na di niyo pa labis na nakikilala
Kung kaya't heto ako at ipapakilala ko naIba't iba ang pananaw ng bawat tao sa mundo
Pero sana maintindihan niyo ako
Sana mabago ko ang mga pananaw mo tungkol sa inaakala mong AKOAko iyong takot, takot mahusgahan ng iba
Kung kaya't mas gugustuhin kong di magpakita
Magtago sa likod ng maskara
Magtago sa loob ng makulay at nakangiting mukha
Itinatago, ang hinanakit at dusa, nanghihina
Kumakapit sa maskarang kasangga"Napakaganda sa mata,
Ang bawat kulay ay nagtutugma!""Ang pinaghalo-halong matingkad na kulay ay di nagsisimbolo ng saya
Patunay lang ito na marami ka pang dapat makita kung kaya't buksan ang iyong mga mata."Bawat isa saatin ay nakasuot ng maskara
At naghihintay lamang na sila ay makilala
Marahil para sayo ang maskara ay simbolo ng pagpapanggap
Pero para saamin ito ay simbolo ng di pagtanggapBawat araw na dumaraan ay tila isang paligsahan
Paligsahan kung saan lahat tayo ay manlalaro, sa isang napakalaking entablado na ito
At lahat tayo ay nagsisilbing huradoHinuhusgahan ang bawat isa,
Hinuhusgahan ang bawat pagkataoMagkakaibang pananaw
Iba't ibang hatol ang isinisigaw
Tinuturuan kang makibagay
Ngunit maskara sa mata ay sila mismo ang naglalagay
Pinipigilan ilabas ang kagandahang tinataglay"Ito! Ito ang tunay na maganda, ang batayan
Ang pinagbabasehan ng karamihan."Iyan! Iyan ang sabi nila!
Ano nalang ang halaga nung AKO?!
Iyong AKO na hindi ibinase sa idinidikta niyoMagkakaibang kulay ng maskara
Magkakaibang paniniwalaPara tayong nasa isang laro
Magkakampi lahat kayo
Pero mag-isa ko!
Iyong tipong nakatadhana na akong matalo...
Pero heto ako lumalaban dahil matapang ako
Di magpapadala sa pangbabalewala niyoTama na ang pagpapanggap at di pagtanggap
Ang totoong ikaw ay ilabas mo na
Ang totoong mukha at itsura na nakatago sa likod ng maskaraGulong gulo na ako,
Gusto ko mang mapabilang sainyo
Di ko magawa dahil ako mismo ay nalilito,
Nalilito kung bakit ko nga ba kailangan magtago?
Bakit ko nga ba kailangan magtago?Gusto kong makita niyo na iyong AKO na tinutukoy ko,
Iyong AKO na may bakas ng paghihirap sa likod ng maskara
Iyong AKO na nararamdaman niyo,
At hindi lang basta yung AKO na nakikita niyoBabasagin ang mga pagdududa
Hindi ko na kailangan matakot pa
Sa wakas, nakilala ko na
Hindi ko na kakailanganin pa ng opinyon ng ibaAng pagdurusang nakakubli sa likod ng maskara ay tatalikuran na
Mas mabuting ipakita kung sino ka ba talaga,
Dahil kakaiba ka!Ako ay isang OBRA
Ang maintindihan ako ay aking ikatutuwa
Dahil AKO ay isang OBRA,
At ako ay may sariling ganda
Di na mahalaga kung ano man ang tingin at sasabihin ng iba.-Phurplemint ❤
BINABASA MO ANG
SILENT SCREAM OF ANGELA (English And Tagalog Poems)
PoetryCompilation of Poems(spoken word, reverse poetry,magic poetry) Mula sa malawak na kaisipan, nabuo ang mga tulang di matatawaran. English and Tagalog poems photo by Brian Ingram @Pinterest