S P O K E N W O R D P O E T R Y #13 ( Tagalog)

11 1 0
                                    

"Panalangin"

Ipinapanalangin kita
Kasabay ng pagpikit ng mga mata
Ang pagsambit ng mga salitang "mahal kita"
di pa man kita nakikilala

Sa bawat panaginip ko na ikaw ang laman
kung mapagbibigyan
Di ko muna nanaisin magising sa katotohanan
Pagkat ninanais kong ikaw ay masulyapan
Ngunit tanging nakikita ko ay malabo mong pagkakakilanlan

Ngunit ang puso ko ay sigurado
Sa panaginip na ito
Manatili man ang mukha mo na malabo
Darating ang panahon Ito'y masusulyapan ko

Di na lamang sa panaginip, sa pag pikit ng mga mata
Sa pagyakap ng dalawang palad habang nakatingala
Dahil sa oras na darating ka
Ay ang katuparan ng mga pangarap at panalangin na ika'y makasama

- phurplemint🖤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SILENT SCREAM OF ANGELA  (English And Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon