Chapter 1

90 21 1
                                    

*playing all of the stars by: ed sheeran*

Malamig na hangin ang humahampas aa aking mga bisig. Napapangiti na lang ako sa ideyang wala ng mas peperpekto pa sa tanawin at sandaling meron ako ngayon.


Kasulukuyan akong nasa soccer field ngayon. Di ko mapigilang magbalik tanaw sa lahat ng masasayang alalang meron kami dito. Parang kelan lang? Sobrang bilis ng panahon at saktong magdadalawang taon na kami ngayon.


Napakagat na lang ako ng labi sa kilig galing sa ideyang sya na talaga yung gusto kong makasama hanggang huli. Hanggang ngayon iba pa rin talaga ang epekto nya sakin.


Lihim akong napangiti sa isip ko.


*brrrrrt


7pm na pala tama lang sa oras na napagusapan namin. Ngayon palang kasi matatapos yung klase nya while yung akin naman kanina pa tapos mga 2 hours ago.


Wala naman akong masyadong ginawa para samin ngayon kasi after namin magkita ngayon kakain na lang sguro kami. Pero bukod dyan may bibigay ako sa kanyang box tas puro pictures lang namin na kuha sa polaroid ko tas isang maliit na bote laman nun yung tulang gawa ko sakanya.


Well pareho yung hilig ko una gumawa ng mga diys kung ano ano lang hahaha tas yung isa naman tula, oo hilig ko yung tula. Medyo old school pero para sakin ang dabest nun para iexpress yung naiisip mo hahaha.


Kalawakan

Napakalawak, walang katapusan.
Ganyang ganyan kung pano ilarawan ang ating pagmamahalan.
Di natatakot maligaw dahil iisa lang ang daan.
Walang iba patungo sa pagibig mong pangako'y walang hanggan.

Di alintana ang lamig dahil ikaw ang init sa walang katapusang karimlan.
Walang hanggang pangako mo ang laging panghahawakan.
Pagibig mong mistulang isang malawak na karagatan.
H

andang magpatianod magpakailanman.

Ayoko ng matapos itong walang hanggang kalawakan.
Kahit madilim, malamig at walang katapusan.
Magiging sapat ang pagmamahal na nararamdaman.
P

ara maging gabay sa binuo mong walang hanggang kalawakan.

Hahaha iba din talaga epekto kapag inlove ka. Wala ka namang ginagawa pero parang maiiyak ka na lang bgla sa sobrang pagmamahal na nararamdaman mo.


Naramdaman ko naman ang mga brasong bglang yumakap sakin galing likuran.


"Kanina ka pa ba? Sabi ko naman sayo wag mo na ko intayin eh at ako na lang susundo sa iyo." bakas mo ang pag aalala sakanya. boses pa lang sgurado na ko hahaha uwian na pala nila.


"Ok lang no. Maliit na bagay lang naman to." nasabi ko na lang at humarap na sakanya para bigyan sya ng halik sa pisngi.

BITTERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon