Kyle's POV
"G-gino bat naman g-ganun? O-ok naman tayo nung nakaraan---
And her voice cracked. Naglalakad kami habang sya naman nakayuko lang iyak pa din ng iyak.
Kahit sino naman iiyak talaga kapag nalaman mo yung boyfriend mo, yung nagsabing other half mo yung lalakeng kasama mong gumawa ng mga pangarap together ay nakipagbalikan sa ex nya at ang matinde binuntis pa.
"Sobrang s-sakit b-bakit naman ganto at bakit ako pa?!" mahina pero may diin nyang sabi. Sapat na para marinig ko
Tinignan ko syang mabuti at gaya ko Tourism student din sya. Mahaba ang maalon nyang buhok na kulay light havana na medyo gulo gulo na sa tali nyang braid.
"Alam mo ang love parang lindol talaga yan."
Nakuha ko naman ang atensyon nya at napahinto sya. Mariin nya kong tinignan at nag aantay sa susunod kong sasabihin.
Napangiti ako ng mapait.
"Darating yan sa pinaka di mo inaasahang pagkakataon yayanigin ka at yayanigin yung buo mong pagkatao."
Hinawakan ko sya sa may braso at tinignan sya ng mataman.
"Tas ang masaklap ay yung iiwan ka na tipong wasak na wasak, sirang sira tipong walang matitira sayo."
"B-baka naman pwede ko pa syang agawin gaya ng ginawa nung ex nya para bumalik uli sa dati yung lahat baka naman pwede pa uli." wala sa sariling sabi nya habang may mga luhang lumalandas sa pisngi nya.
"Agawin? Para san pa? Di mo ba sya narinig? Kahit kelan di naging sayo si Gino sabi nya HINDI KA NYA MINAHAL AT YUNG EX NYA LANG YUNG TALAGANG MINAHAL NYA." may diin kong sabi sa huling statement na sinabi ko.
Tinignan ko sya straight from her eyes.
"May pamilya na silang bubuohin. Mahirap kalaban ang pamilya nagkamali na ang nagkamali nangyari na ang nangyari kahit mali. Kaya wala ka ng magagawa dun." padami ng padami ang mga luha sa pisngi nya waring naiintindihan nya ang mga sinasabi ko pero ayaw nyang ganap na intindihin to kasi nasasaktan sya sa katotohanang huli na yun para sakanila.
"Tandaan mo hindi ka pinalaki ng magulang mo para mamalimos ng pagibig sa kung sino at humalintulad sa mga batang makikita mo sa labas ng 711. Pinagtataboyan na nga nagpupumilipit pa tas ano Manghahablot? MANG AAGAW? Ang pagkakamali ay hinding hindi dapat sinusundan ng isa pang pagkakamali" banas kong sabi sakanya.
"Kung wala na wala na, kung tapos na tapos na. It's a sad truth, kung walang pagmamahal you can't do much, kasi
Jia Love isn't something na nililimos kusa yang dumadating at nararamdaman."
Basang basa na yung panyong pinamumunas nya ng luha onting onti na lang malapit ng mapiga. Napailing na lang ako
"Ok lang masaktan magpakalunod sa alak makinig ng heartbroken songs tas umiyak ng isang timba magwala pero one thing I've learned sa buhay, never mong babalikan yung taong nanakit sayo. Fix yourself at wag ka na pumasok. Umuwi ka na lang sa dorm mo. Osya sya papasok na ko." tapik ko sa balikat nya sabay talikod.
BINABASA MO ANG
BITTERELLA
Fantasy"Dito nakaukit pa rin sa isip ko Kung paano mo tinalikuran ang lahat. Dito nakatatak pa rin sa puso ko ng sabihin mong wag na lang. O kay bilis... Bat umalis? Nakakamiss... Nabigla lang di ko man lamang nalaman na mawawala. Nabigla lang di ko man la...