Patuloy kaming naglalakad. Sya nga yung lolang nagbigay ng gift ko. Nagiba lang daw sya ng itsura nun. Nagdisguise sya na isang lola, part of her plan para mahanap yung susunod nyang pagbibigyan ng gift.
Weird talaga sobra. Pero I need to expect the unexpected ganun talaga simula nung nakuha ko tong gift na to lahat ng bagay nagiging weird na.
"So yun I heard na kelangan mo ko at may mga tanong ka?" she asked
"Sobrang dami. Care to explain to me itong whole gift na to."
"You have the power of your mind. Lahat kaya mong gawin with your mind."
"I know that already yan din yung sabi sa libro. Pwede bang maging specific ka?"
"Hahaha chill. Pero sorry di ko pwede ireveal yung mga kayang gawin ng gift na yan kasi you need to discover it on your own. Mawawala ang balanse ng mga gifteds kapag sinabi ko yun sayo. Ang masasabi ko lang marami kang kayang gawin sa isip mo. Marami ka pang madidiscover na kakayanan as day passes." she explained na tipong alam na alam ang pasikot sikot ng gift na to.
Tama nga naman sya I need to discover this on my own. Di lahat ng bagay isusubo na lang sayo.
"Gifteds? What do you mean marami kaming nakakabasa ng isip?" This is creepy kung andami palang taong nakakabasa ng isip at di lang ako. Agad akong kinilabutan sa thought.
"Silly. Ikaw lang ang may gift na ganyan ikaw lang ang may makapangyarihang mind." she laughed.
"Pero may iba ding gifted na nageexist carrying a unique gift." my eyes widened. So hindi lang talaga ako ang may gift marami kami. Ano pa kayang gift? Ano ano pa ba?
"Like gaya ng alin? Anong gift pa?"
"Nah uh discover it yourself. Pero siguro isang tip lahat ng pwedeng power na pwede mong maisip?" bawal sguro talaga malaman sobrang nacucurious talaga kooo.
Ano pa bang power? Invisibility? Teleportation? Yan sguro yung mga gift ng mga manloloko yung maglaho na lang ng walang paalam. I laughed at the idea. At parang napangiti din sya. Oo nga pala nababasa nya din yung isip ko. Chnage topic Kyle mmm oo tama!
"Mmm nagloloko ba yung gift ko kasi may time na hindi ko mabasa yung gift ko dalawang beses na isa sa kaibigan ko tas gaya sayo kanina hindi ko mabasa---
My eyes widened. As in napatakip talaga ko ng bibig!!! This is unbelievable! What a coincidence.
"Tama ka kung ano man yung iniisip mo yan ang sagot sa tanong mo. Di mo mababasa ang isip ng kapwa may gift. Di mo magagami yung gift mo sa kapwa mo may gift at ganun din sila sayo." omg sobrang naeexcite ako ano kayang gift ni Jia?! Omggg I'll asked her agad agad paguwi.
"No you can't do that mawawala yung gift mo. Since gaya ko di ako makapag disclose ng information sayo about sa ibang gift ganun din kayong gifted sa kapwa nyong gifted. Yan ang pinaka last mong pwedeng gawin ang magtanong ng gift at magkwento ng gift sa mga walang gift." andami palang dapat tandaan. Sa isang mali ko lang pwede ko palang mawala tong gift na to. I should be careful.
"So basically kahit ano about sa gift bawal pagusapan? Ok so hindi rin pala namin magagamit yung gift namin sa isa't isa." nakita ko namang napaisip sya at ilang beses napa buntong hininga kaya naman tinaasan ko lang sya ng kilay na nagpangiti naman sakanya.
"Hahaha basta eenjoyin mo lang yang gift mo. Marami kang matutunan pa sa pagdaan ng mga araw. Kaya mk yan naniniwala ako sayo." she flashed her genuine smile. Napatango na lang ako sakanya.
"Mmm sigurado ka ba wala ng way para magka alaman ng gift ang parehong gifted? O kaya maapply ng isang gifted ang gift nya sa kapwa gifted?" nakatingin lang sya sa malayo at parang nataranta.
"Hala yung kaibigan mo." napatingin naman ako sa tinuro nya. Ay oo nga si Jia!!!
We both waved our hands to each other
"Oh ate girl ginagawa mo dto?" tanong ni Jia ng makalapit.
"Ay may mineet akong frien syanga pala---
Huh nasan na yun???
Nagpalinga linga ako at di ko na makuta yung nagbigay ng gift sakin.
"Ow-kay." sabi ni Jia
"Nandito lang yun eh." sabi ko at akmang naghahanap pa din.
"Huh wala naman te girl eh. Alam mo baka kulabg ka lang sa atensyon hahaha o gutom lang yan tara na sa caf!" at agad naman akong hinili ni Jia.
"Bye Kyle. Sa susunod uli. Btw my name's Minda your GIVER." isang boses na narinig ko sa isip ko.
Minda? Giver?
Napatingin na lang ako kay Jia na hawak hawak pa din ang braso ko. Napapatianod na lang ako sa pagtakbo nya. Isang tanong ang pumasok sa isip ko.
Ano nga bang gift mo Jia?
-------
Super overwhelming. Thank you so much for reading my work. I'm receiving a lot of comments, votes and messages from you guys, flattered was written all over my face now. Thanks for all constructive criticisms. Im so much motivated to keep you guys posted about this story and create out of the world ideas. Sharing of thoughts via comments, expressing you like it via votes and asking your fruends to read this work are very much appreciated. I wish everyone a good day. Enjoy my updates. Happy Thursday!
진짜 거마워요. 잘가요 ❤🌻🍉
BINABASA MO ANG
BITTERELLA
Fantasy"Dito nakaukit pa rin sa isip ko Kung paano mo tinalikuran ang lahat. Dito nakatatak pa rin sa puso ko ng sabihin mong wag na lang. O kay bilis... Bat umalis? Nakakamiss... Nabigla lang di ko man lamang nalaman na mawawala. Nabigla lang di ko man la...