Karaniwan akong nag jojog ngayon sa buong school routine ko naman na to since then kapag wala kong morning class normally mga 0430am lumalabas ako ng dorm para magjog wearing a tank top and just a leggings.
Nakasanayan ko na lang, someone used to say sakin na kapag may plan ka tas gusto mong gawin give it a try ng 21 days nagugulat ka na lang nagiging habit mo na pala hanggang sa nagiging part na ng sistema mo.
It just takes 21 days pala para ang isang bagay ay maging part ng sistema mo and pero bakit it takes just a minute para sirain nya lahat at kalimutan lahat ng pinagsamahan nyo?
"Saklap." nasabi ko na lang sa sarili ko at napailing.
I continued jogging around medyo nahahaluan na ng onting liwanag ang kaninang madilim na langit. Need to finish this bago magliwanag namg nakaligo bago magbreakfast.
"Iha." may narinig akong parang may tumatawag and since naka airpods ako di ko masyado marinig. Agad ko namang tinanggal at hinanap ang pinanggagalingan ng boses.
Hanggang sa naramdaman kong may kumakalabit sakin sa gilid.
"Sabi na ehhh. Ikaw yaaan di ako maaari magkamali. Kamusta ka na tagal mong di napadaan dto?" im suprised when i turned my back.
"Nanay Mela?" nasabi ko upon seeing her
"Buti naman naalala mo pa kooo. Tagal mo ng di napadaan dto ahhh. Kala ko nakalimutan mo na ko." tama sya its been 3 years simula kasi nung naghiwalay kami ni guy who can't be named hindi na ko nagagawi dto since sya lang naman nagdadala sakin dto dati kapag nag jajog kami every morning. Since then iniwasan ko na yung mga place na lagi naming pinupuntahan sa iilang part ng school.
Mukhang trinaydor ako ng mga paa ko today.
"Ahhh ngayon na lang po kasi ko nagjog uli nabusy sa work at school." sabay bigay ng matamis na ngiti.
"Sino ba namang makakalimot sa masasarap nyong breakfast." dagdag ko pa sabay hug sakanya
"Naku di ka pa din nagbagooo. Napakalambing mo pa ding bata." sabay ganti nya ng yakap sakin
"Osya" sabay hawak nya sa braso ko. " Tara dto pa din naman kami nakapwesto." sabay turo nya sa gawing kanan ng bicycle lane.
Agad naman akong napatingin sa pwesto ng lugawan ni Nanay Mela. At napatulala naman ako sa nagiisang pwesto na kinakainan namin lagi.
I can see you standing, honey
With his arms around your body*snaps
"Oy tulala ka na naman sakin kainin mo na yung lugaw mo at lalamig yan." pabirong sabi ni Dylan
"O baka gusto mo suboan pa kita?" pabirong sabi nya sabay pisil ng pisngi ko. Agad naman akong napangiti
Laughin', but the joke's not funny at all
And it took you five whole minutes
To pack us up and leave me with it
Holdin' all this love out here in the hallAgad naman nyang kinuha yung kutsara ko at akmang susuboan nga ko.
"Baliw to! Ok lang ako mamaya sabihin ni Nanay Mela nagpapabebe ako sayo." bawi ng kutsara sakanya
"Naku etong si Dylan talaga wag mo na nga asarin yang si Mika." malokong sabi ni Nanay Mela.
Sabay taas ng mga kamay ni Dylan na akmang pinagtutulomgan namin ni Nanay Mela.
BINABASA MO ANG
BITTERELLA
Fantasy"Dito nakaukit pa rin sa isip ko Kung paano mo tinalikuran ang lahat. Dito nakatatak pa rin sa puso ko ng sabihin mong wag na lang. O kay bilis... Bat umalis? Nakakamiss... Nabigla lang di ko man lamang nalaman na mawawala. Nabigla lang di ko man la...