Give it to me, I'm worth it
Baby I'm worth itUh huh I'm worth it
Gimme gimme I'm worth it..."Arghhh nakakainis ang liit liit lang ng school bat di man lang nagtatagpo yung landas namin." frustrate na sabi ni Ashley habang tumatakbo sa threadmill. Magkakatabi kami ng threadmill na ginagamit si Ashley ang nasa gitna, ako yung nasa may kanan nya at si Jia naman yung nasa left nya.
Napagkasundoan naming magbalik look na sa gym at nalalapit na rin kasi yung pinakahihintay naming Tour at sabi sa naging Announcement gaganapin eto sa Palawan. Kaya naman pagkasabing pagkasabi inapura na nila ko mag gym.
"Haynaku te halos buong linggo mo ng sinasabi yan bat kasi hindi mo hiningi yung number ni Yohan." pangaasar ni Jia
"Di ko naman kasi alam na magbablack out ako kung alam ko lang inuwi ko na sya sa dorm!" agad namang nanlaki yung mga mata namin ni Jia "Chour langgg!!!" sabay peace sign nya samin habang tumatawa.
"Yaan mo kung para kayo talaga sa isat isa magkikita kayo." hingal na sabi ni Jia habang tumatakbo sa huling laps namin sa threadmill.
"Bro tara na at makapagshower para maaga tayong makapunta mamaya sa game at may football match daw na mangyayari mamaya." paguusap ng dalawang lalake na nagliligpit ng mga dumbells na ginamit nila. Psh guys and their love for football.
"Right nga pala exciting match pa naman yun between Faculty of Architecture and Engineering again College of Tourism." sagot pa ng lalake
Sabay sabay kaming tatlo na nagkatinginan na parang may kung anong nag buzz sa mga isip namin.
"Kung tama yung iniisip ko football player ng dept nya si Yohan dba?" paninigurado ni Jia.
"At kung tama ang narinig ko department nila ang may game mamaya???" malawak na ngiti ni Ashley
Pare pareho kaming nahinto sa pagtakbo habang unti unting tumigil ang thread mill.
Agad kaming hinawakan ni Ashley sa wrist at nagpuppy eyes samin ni Jia na nagpalitaw ng mga bilugan nyang mata.
Umirap na lang ako sakanya "Di mo naman kelangan mag pout at puppy eyes. Papayag naman kami." pagbibirong sabi ko sakanya
"Trueee mukha kang nachoke kuwago." Natatawang sabi ni Jia na nagpatawa saming tatlo.
"Osya magayos na kayo. Dapat mukha tayong nga muse mamaya sa football field!" malakas na sabi ni Ashley
Napailing na lang kami sa sinabi nya at mabilis na pumunta sa kanya kanya naming dorm.
———
"Omggg ganun ba kabigdeal yung game ng Department nila at ng Tourism?" di makapaniwalang sabi ni Jia habang nakatingin sa dami ng tao ngayong pumupuno ng soccer field.
Nahahati ang kulay sa maroon at navy blue na syang kulay ng kanya kanyang department. Maroon sa Faculty of Engineering and Architecture at Navy Blue naman sa College of Tourism.
"Te parang ang bida bida ata ng suot natin?" di mapakaling sabi ko
"Gaga tama lang yan para mabilis tayong mapansin." Pano ba nama'y ang kulay ng mga damit na suot namin ay pastel na wala ni isa sa kulay na suot ng nga taong naroon.
BINABASA MO ANG
BITTERELLA
Fantasy"Dito nakaukit pa rin sa isip ko Kung paano mo tinalikuran ang lahat. Dito nakatatak pa rin sa puso ko ng sabihin mong wag na lang. O kay bilis... Bat umalis? Nakakamiss... Nabigla lang di ko man lamang nalaman na mawawala. Nabigla lang di ko man la...