Chapter 6

32 18 0
                                    

Third Person's POV

"Niloko mooooooo.

Ginago mooooooooooo.

Pati na ang mga pangarap kooo!!!"

Buong birit na kanta ni Jia na hindi na alam kung ano yung mga lyrics na nakakanta nya at sinasabayan pa ng pagbirit ni Kyle, di na alintana ng dalawa kung kelan nga lang ba sila nagkakilala. May pag akbay pa silang dalawa habang sumesway ang mga katawan sa saliw ng kanta

"Natatawa ako ng marinig ko

ang balitang meron ka ng iba.

Parang kahapon lang ang sabi mo

tayo ay tapos na.

O kay bilis naman sino ba yang

babaeng yan bakit di ka kilala?"

Nang mahingal sabay silang napataas ng kamay at buong lakas na pag apir kay Kyle.


"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabay halakhak ng dalawa.


Puno ng tawanan ang bawat kwarto di bakas sa dalawa ang kapaguran. Nagkatinginan ang dalawa at naghati sa mikropono.

"Ilang bilyong babae pa ang paluluhain mo pa." pagtapos ni jia ng kanta sabay taas pa ng baso nya sa ere.

"One shooot!!!" agad naman nilagok ng dalawa ang basong puno ng beer.


---


Kyle's POV

Naglalakad na ang dalawa at pasuray suray na tinatahak ang daan pauwi ng dorm nila.

"Waaaaaaaaaaaaaa ayoko naaa!" sigaw ni jia at pagkatapos ay tumawa sabay hatak naman sa braso nya ni kyle.

"Gaga!!! W-wag ka nga maingay may natutulog na babyyy."

"Nasaaan??? Nasaaan??? Nasan ang baby sobrang miss na kita baby!!!" napahinto naman si kyle at tinuro si jia

"Hahahahahaha tanga! Srsly miss mo pa??? Yung tinutukoy mong baby may baby ng literal!!!" sigaw ni kyle kay jia sabay tawa ng nang aasar

"Pashneya ka!!!" sabay sabunot ng kaunti sa buhok ni kyle. Tawa lang ng tawa si kyle.

"Hays t*nginaaa ang lamiggg brrr." reklamo uli ni jia. Tinignan lang sya ng di makapaniwala ni kyle.

"Wow di ka pa namamanhid. Diba dapat sanay ka na? Sanay ka ng nilalamiggg."

"Ayun nga eh di nya nga ko sinanay. Never akong nasanay, never syang nanlamig." mahinang sabi ni jia.

"Ok kami masaya kami masayang masaya bawat araw lahaaaaaat lahaaat masaya. Walang away o panlalamig na nangyari." tuloy na tuloy na kwento ni jia.

BITTERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon