Hindi ako makatulog. Ang daming scene sa utak ko. Parang bumabalik lahat sa akin ang mga nangyari since day one na narinig ko ang voice sa isip ko. Mas naiintindihan ko na nga lang ngayong sinabi na sa akin ni Mommy ang totoo. Naalala ko na naman ang lamig sa chest ko, na naisip ko pang kamay ng pervert ghost. Iniisip ko ngayon na 'yong light na nabanggit ni Mommy noong baby pa ako, 'yon din siguro ang pinagmulan ng coldness na na-feel ko. Ano kaya ang light na iyon na parang nakabalot daw sa puso ko?
Baka gano'n talaga ang Himran princess?
Pero hindi naman ako usok.
Sinilip ko sa ilalim ng pajama top ang dibdib ko. Wala namang kakaiba. Walang cold. Walang light. Kailan kaya nabubuhay ang liwanag o ang lamig?
Pumikit ako, inabot ang unan at mahigpit na niyakap. Ang daming tanong na walang sagot. Saan kaya mahahanap ang mga sagot? Kay Lauon? Pero nabanggit niyang wala na siyang oras. Paano niya masasagot lahat kung limited lang pala ang oras niya?
One day more, Cee. Fifteen ka na...
"Yeah," ungol ko. "Fifteen years old princess na malabo ang past..." mas niyakap ko ang unan, ibinaon ang mukha at ngumiti. "Princess Haia, prinsesa ng Himraya. Magiging usok ba ako at the end?"
Nag-vibrate ang naka-silent na phone ko. Inabot ko iyon sa side table. Text message galing kay Dom.
Fifteen Reasons Why, iyon lang ang laman ng text message niya. Naalala ko ang scene sa stairs pagkagaling namin sa library-mga reasons niya kung bakit nilalapitan ako. May dumating na namang text message.
1. Sincere and expressive eyes
2. Pretty natural eyebrows
3. Long eyelashes
4. Cute nose
5. Lovely lips
Napakagat ako ng lower lip. Nagagandahan sa akin si Dom? Hindi lang basta 'siopao-face' ang nakikita niya sa akin? Nakita rin niya ang maganda sa face ko! Kaya pala lagi siyang tumititig sa akin...
Naalala ko ang sinabi niya. Kita naman kita, ah.
#Kiligmuch
May new text message uli.
6. Smile
7. Voice
8. Noise
9. Silence
10. Innocence and curiousity
Ngiting-ngiti na ako. Ang higpit ng hawak ko sa cell phone. Pinipigilan ko ang sariling mag-reply. Inabot ko uli ang unan at isinubsob ang face ko. Parang dream lang, may isang guy guy talaga na mas nakikita iyon kaysa sa fats ko?
Nag-vibrate uli ang cell phone ko. Excited na in-open ko ang text message...
10.
11.
12.
13.
14.
15.
Bigla akong bumangon, umupo sa kama. Nawala na ang ngiti ko. Pinaasa lang pala ako sa Fifteen Reasons Why! Ten lang naman pala! Pabagsak akong nahiga uli. Ilang seconds na paulit-ulit kong binasa ang 'Ten Reasons' ni Dom.
Nag-reply ako sa text message niya.
Paasa! Ten lang, eh!
Parang pumitlag ang puso ko nang mag-vibrate ang cell phone-hindi na text message lang, tumatawag si Dom.
"Dom?"
"Eleven, I like the way you eat, twelve, the way you talk, thirteen, the way you laugh, fourteen, the way you pretended you're not hurt, fifteen..."
Tahimik na si Dom pero bukas pa ang line. Hindi pa niya pinapatay ang tawag. Naghintay ako. Hindi pa rin siya nagsalita. Naririnig ko lang ang paghinga niya. Naghintay pa rin ako. Gusto kong marinig ang pang-fifteen na reasons niya kung bakit ako nilalapitan.
Pero five minutes na yata, hindi pa rin siya nagsasalita.
"Uy, Dom!" basag ko sa katahimikan. "May last pa, eh-"
"Fifteen, the way you look into my eyes..."
Kagat-lower lip na naman ako. Pigil na pigil kong makagawa ng sounds.
"It reaches my very soul, Cyreen."
BINABASA MO ANG
15 (Published)
Fantasy**NEW RELEASE** March 7, 2018. UNEDITED VERSION. For Reb Fiction imprint. Fantasy. Teen Fiction. Naniniwala ka ba sa red string of fate na nagko-connect sa mga taong destined na mag-meet? Paano kung magising ka isang umaga na may chance kang m...