5. My Best Friend's Crush

268 14 5
                                    

"I THINK I'm fallin' fallin in love with you-ouch!" Binangga ako ni Mart-at hinila din palapit bago pa ako naumpog sa matigas na wall. Naputol ang pagmo-moment ko. Patay agad ang kilig feels. Pag-angat ko ng tingin, nakangisi ang cute teddy bear friend ko.

"May last subject pa," sabi niya. "Nasa noo mo ang mukha ni Sir JV. Magfi-fifteen lang, baliw na sa crush?" panay ang nguya niya ng dried mangoes. "Di ka pa nga marunong magsaing."

"Sobra ka!" tinawanan ko lang siya. "Happy lang na napansin ni crush, baliw agad? Since when naging masama ang ma-inspired, ha? Ang KJ mo! Wala ka kasing crush kaya 'di ka maka-relate sa feelings!" Hindi man lang bumaba ang 'cloud nine' feels ko. "And FYI, marunong po akong magsaing-sa rice cooker!"

"May crush ako-"

Bigla akong bumaling sa kanya. "Meron? Sino? Sino?"

Sumubo lang siya ng dried mango. "Bakit ko sasabihin?"

"Di mo kayang itago 'yan for life! Mako-constipate ka!" inagaw ko ang supot ng dried mango. Kumuha ako ng ilang pieces at nag-enjoy sa tamis. "Mga next week lang malalaman ko-" may biglang kumuha ng dalawang pieces na dried mango sa kamay ko sabay ng pagkawala rin ng pack na hawak ni Mart. Pag-angat namin ng tingin, dead-ma ang ang mga pasaway na nilampasan lang kami. Hindi na bago iyon. Lagi kaming naagawan ng foods ni Mart. May isang beses pa na tinawanan nila kami. Tumutulong lang daw sila kaya nang-aagaw ng pagkain. Tumutulong sila na hindi na kami mas tumaba pa. Utang na loob pa namin ni Mart na inagawan kami ng food.

Pero gaya rin ng dati, pagkalampas ng mga bully na boys, naglabas uli si Mart ng isa pang pack ng dried mango. Lagi siyang may extra. Alam niyang hindi matatapos ang isang araw na hindi kami aagawan ng food ng mga pasaway. Kumuha uli ako ng two pieces ng dried mango pagkabukas ni Mart sa pack.

"Ano 'yan?" Na-freeze sa ere ang kamay kong may hawak sa isusubo kong dried mango. Napatingin ako sa nagtanong na nasa tabi ko na-si Dom ang sumabay sa mabagal naming paglalakad ni Mart. Nakatingin siya sa hawak ko. Nakatingin na parang first time makakita ng dried mango?

"Hindi ba obvious?" balik ko at isinubo ang dried mango bago pa mawala uli. Umangat ang mga kilay ko nang pinanood pa talaga niya ang pagnguya ko.

Inabot sa kanya ni Mart ang pack ng dried mango. "O, kuha ka bago pa mawala," sabi ng best friend kong mabait talaga kahit sa mga pasaway naming classmates. Parang curious pa rin na kumuha si Dom-one piece lang. Na ilang seconds niya munang pinakatitigan bago isinubo. Palipat-lipat sa amin ni Mart ang tingin niya habang nilalasahan ang dried mango. Inilapit uli ni Mart ang pack nang nag-stay sa tabi namin si Dom. Kumuha uli ng two pieces ang bad transferee-na nahila na ni Leorelle palayo. Rumampa na naman na parang beauty queen ang babae at ang mga minions niya. Sumunod sa group ang tingin namin ni Mart.

"Next boyfriend na niya 'yan," comment ko. Kami na lang ni Mart ang naiwan. Mabibilis silang maglakad. Kami ni Mart ang laging huli. Nag-eenjoy pa kaming kumain habang papunta sa next room-sa chemistry laboratory ang punta namin nang oras na iyon. "Magbe-break na sila no'ng present niya."

"Sino'ng boyfriend niya ngayon?"

"Escort natin last year. Nalipat sa section B, 'di ba?" Nakarating na kami sa Chemistry laboratory. Kami pa rin ang magkatabi ni Mart sa isang table. Pero pagkatapos mag-attendance si Ma'am Miles, nag-assign siya ng bagong group. By two's. One week na magkasama sa mga activities ang mag-partner. Si Mart, si Leorelle ang naging partner. Ang happy ng bruha. Alam ko na kung bakit. Automatic na mataas ang grades kahit walang gawin. Iaasa kasi kay Mart lahat.

Poor Chubs. Tsk...

Napa-wish na lang ako sa isip na sana, hindi ako mapunta sa ka-team na tamad. Pagtawag sa name ko ni Ma'am Miles, kasunod ang name ni Dominador-who-ever. Valiejos pala ang surname niya. Napangiwi na lang ako. This is gonna be my 'malas' week. Stuck ako sa bad transferee ng section A. Kailangan kong mag-add ng patience o madadamay ang grades ko. Sana lang, walang mixing of solutions na nakaka-harm. Baka maibuhos ko kay Dom 'pag napikon ako.

Nag-expect ako na mang-aasar at maninira ng araw ang bad transferee kaya nagulat akong tahimik lang siya sa tabi ko. Kunwari, behave na student na naka-focus sa lesson. Naisip kong baka tinatamad gumawa ng kalokohan. Nagsulat ng sariling notes, nag-solve ng problems sa activity na hindi ako ginulo. Safe na natapos ang subject na wala siyang ginawang kalokohan sa akin. Hindi rin nanghingi ng papel at hindi ako inutusang mag-take down ng notes for him.

Pagtunog ng bell, busy agad ako sa pag-aayos ng mga gamit. Si Dom ay basta na lang tumayo at umalis sa table natin. Napailing na lang ako. Wala talagang dalang kahit ano kundi sign pen lang? Nag-aral pa!

Pag-uwi namin ni Mart that day, si Dom ang topic namin at ang mysterious crush niya na si Ellie Lovilla pala-ang second rate trying hard copycat na friend ni Leorelle. Hindi ko gusto ang news na iyon. Nai-wish ko na sana hindi maisip ni Mart na maging serious sa feelings niya at ligawan si Ellie. Sure akong masasaktan lang siya. Lalong sure ako na lalait-laitin lang siya ng buong minions ni Leorelle. Sobrang mang-api ng kapwa ang mga iyon.

15 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon