8. Trash Can And Feelings

248 12 9
                                    

"MOM, na-check mo ba 'yung other room sa bahay ni Tita Acell?"

Tanong ko agad pagkapasok ko sa room ni Mommy. Siya agad ang hinanap ko pagkauwi. Wala siya sa living room. Hindi na muna ako pumasok sa room ko. Gusto kong makausap si Mommy. Gusto kong ma-confirm kung nagli-live in na nga si Sir JV at Larisse. Si Tita Acell ang may ari ng bahay na pinapa-rent kina Tita Patt at Larisse.

"Last week pa," sabi ni Mommy, busy sa laptop at sa mga papers na hawak. Lagi niyang ginagawa iyon bago matulog. "Nag-usap kami ni Larisse bago siya umalis."

Napabaling agad ako kay Mommy pagkaupo ko sa kabilang dulo ng kama. "U-Umalis si Larisse?"

"Nakahanap ng mas convenient na bahay. Mas malapit daw sa office niya."

Kung umalis na si Larisse, si Sir JV ang nasa kabilang room? Hindi sila nagli-live in ni Larisse!

"Ba't nakangiti ka diyan, Cee?"

Nabura bigla ang ngiti ko. "Wala, Mom. Funny thoughts. Ahm, payment pala sa cupcakes," kinuha ko sa bulsa ang pera at inabot kay Mom. Naalala ko na naman ang ngiti ni Sir JV nang iabot ang payment sa cupcakes. May mga next orders pa raw. Kung ngumiti pa, parang gustong-gusto niya akong maging delivery girl na maghahatid lagi ng mga orders. "Hindi pala kay Tita Patt 'yon, Mommy."

"Kanino?"

"Sa kabilang room."

"Sa kaibigan ni Larisse?" balik ni Mommy. "Dumating na pala siya. Akala ko, sa Sunday pa."

"Hindi mo pa nakausap, Mom?"

"Hindi pa. Binanggit lang ni Larisse na kaibigan niya ang magre-rent ng room pagkaalis niya. Hindi ko na kailangang maghanap ng bago. Ni-recommend siguro ni Patt ang cupcakes natin."

"Si Sir JV ang nasa kabilang room, Mommy."

"JV? 'Yung professor na crush mo?"

Napamaang ako kay Mommy. "How did you know?"

"Tsismis lang ng trash can no'ng minsan."

"Mommy naman, eh!"

"Nabasa ko nga sa pinunit na page na nasa trash can—"

"Ba't nagkakalkal kayo ng trash?"

"May nawawala akong receipt. Naisip kong natapon ko na—naghanap ako. Hindi ko naman alam na confession mo sa kisame ang mahahanap ko sa trash can."

"Nakakainis ka, Mom!" Tumayo na ako, nagmartsa papunta sa pintuan. "Baka OA ka na naman. Hindi mo na ako uutusang mag-deliver ng cupcakes kay Tita Patt—"

"Ba't ko naman gagawin 'yon?"

"Ang OA mo kaya minsan!"

"Ipapaalala ko lang, Cee, ha? Watch your actions. Professor si JV at student ka niya. Alam mo dapat ang limitasyon. 'Wag kang gagawa ng bagay na parehong makakasira sa reputation n'yong dalawa."

"Of course, Mom!"

"Good."

Nakita kong inabot niya ang cellphone nang tumunog ang text alert. Nag-scroll si Mommy at tumingin sa akin pagkabasa ng text message. Hindi ko alam kung bakit. Ibinalik uli niya sa screen ng cellphone ang tingin pagkatapos.

"One box ng chocolate cupcake," sabi niya. "Nagustuhan ng professor mo ang cupcakes natin?"

Pinigilan ko ang pagngiti. Ang thought lang na magde-deliver uli ako at makikita ko siya, nakakakilig na.

"Kailan ang delivery, Mom?"

"Tuesday next week."

"Uuwi ako na maaga sa Tuesday—"

"Ako na lang ang maghahatid, Cee. Gusto kong makausap ang new tenant ni Acell."

"Sama ako?"

Tiningnan ako ni Mom, medyo nakaangat ang isang kilay.

"See? OA ka na naman, eh—"

"Sinabi ko bang hindi puwede?"

"Ako na lang din ang magko-collect ng rent, Mom!"

Tumingin sa akin si Mommy na nakaangat na talaga ang kilay.

"Ipe-perfect ko lahat ng quiz at exam sa Filipino, Mom! I promise!" sabay ngisi.

"Perfect score?"

"Yes!"

"Okay."

Nakangiting itinuloy ko ang paglabas ng room ni Mommy. Hindi pa man, nakikita ko na sa isip ko ang ngiti ni Sir JV each time na magbubukas siya ng pinto.

15 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon