3. Sir Crush

538 14 0
                                    

Fifteen days ago...

MY HEART just won't keep quiet. First step pa lang ni Sir sa classroom ng grade nine section A, mala drums na ang heartbeat ko. Sa floor na agad ako tumingin. Napa-check agad kung nahulog na ba ang puso ko.

Eeeehhh!

Kasi naman, eh! Bakit ba super handsome ni Sir? Total package pa. From head to toe talaga. Walang girls sa class namin ang hindi siya crush. Artistahin talaga kasi si Sir JV-'yon ang tawag ng lahat sa kanya. Juan Victor Malaya ang name niya. I guess, new hired professor siya sa Green Peace Academy. Wala kasi siya last year. Kung nasa GP Academy na siya, sure na sure akong hindi siya makakalampas sa mga mata ni Leorelle Gallona, ang mala snow white sa section A-the fairest of us all, at ang babaeng kilala ang bawat guwapo sa Academy at crush naman niya lahat ng guwapong iyon. Parang kasing-bilis lang ng pagpapalit niya ng hair color ang pagpapalit ng boyfriend. Iba-ibang dates yata every two months or every month. Siya ang pinagpalang muse ng section A.

At ako?

Cyreen Valdes, Cee for friends and not so good friends, CeeCee-or Chubby Cee for Marty Valera, my favorite guy friend or bestfriend of two years, Valdes for teachers and Cyreen for my angered Mom. Kapag hindi galit si Mommy Yanny or Arianne Valdes, baby Cee ang tawag sa akin. Hindi ko nakilala ang Daddy ko. Hindi raw ako pinanagutan sabi ni Mommy. Oh well, he's one of those jerks on earth I think, who's only good at donating sperm. Pagdating sa responsibility na, wala-dakilang duwag. But I don't hate him. I don't wanna hate.

Si Mommy ang naging ina at ama ko. Single Mom siya at wala na ang parents. Hindi ko na nakilala ang mga grandparents ko. Sobrang tatag ni Mommy. At my age, napalaki niya ako na walang hiningan ng tulong. Raketera si Mom-as in ang daming raket. Pero ang mas madalas niyang ginagawa, homemade cakes and selling clothes and fashion accessories online. Ang galing niyang cake decorator. Ang mga friends niyang kinakasal at nagbi-birthday, sa kanya lahat kumukuha ng cakes.

Only child niya ako. Lumaki at sinanay sa simple life kaya hindi ako spoiled brat. Delivery girl niya ako during holidays and weekends kapag within the city lang ang client. Last year lang kami lumipat sa Bright Place Subdivision kaya pang two years ko pa lang din sa GP Academy-twenty minutes travel lang ang GP from our place. Wala pa akong mga close friends. Ah, meron nga pala-ang seatmate ko last year na naging favorite friend ko na, si Mart. Half Filipino siya. Foreigner ang ama na hindi rin niya nakilala. Kaya siguro okay agad sa akin maging friends kami kasi may common sa life namin-mga amang hindi namin nakilala man lang. Kung may common, may difference rin. Gay ang itinuturing na Mama ni Mart. Pinsan ng mother niyang OFW. Close si Mart at Mami Rossie-Rossie kasi ipinipilit na kamukha siya ni Rosanna Roces noong super sexy pa si Osang.

Si Mart ang naging friend ko since last year. He's chubby too, way taller than me, mestizo, naka-eye glasses at genius sa Math. Kung payat siya, kamukha siguro ni James Reid. Naging parang twin kami kasi nasa Bright Place din ang bahay nila. Magkaiba lang kami ng street.

Ngayon, one week after ng class opening, seatmates pa rin kami ni Mart. Sa left side ko siya. Sa right side ko-wala pa, blank. One week nang absent ang seatmate ko na ang name ay Dominador. Naiisip kong mas nerd pa siya kay Mart. Sa mind ko, iniisip kong sobrang payat na parang magnifying glass ang kapal ng suot na salamin. Hindi nakapasok kasi na-over fatigue sa kakaaral. Transferee si Dominador-hindi-ko-matandaan-ang-surname sa GP Academy. Last day lang, narinig kong siya ang topic ng group ni Leorelle. Hindi ko narinig lahat. Ang natandaan ko lang binanggit ni Leorelle na influential ang back up kaya nakapasok sa GP kahit start na ng klase nag-enroll.

Perfect team up na siguro kami pagdating ni Dominador-si Mart na chubby nerd at genius sa Math; ako na hate ang Math pero super love ang Filipino at papasang makata, at si Dominador na malamang bully at pasaway. Ganoon naman kasi ang karamihan sa rich kids. Hindi na ako magugulat kung laging may war. Ah, may nakalimutan pala akong sabihin-may gift ako, or should I say, curse. Si Mommy at si Mart lang ang may alam. May kakayahan akong makakita ng past or future ng isang taong nahawakan ko ang kamay at natitigan sa eyes. Hindi naman lahat ng nahawakan kong kamay may nakikita na ako. May mga pagkakataon lang. Hindi clear sa akin kung ano ang nagti-trigger sa gift ko. Ayokong isipin. Gusto kong maging normal teen lang.

Nagkakaroon rin ako ng visions. Parang ordinary dreams lang na nagkakatotoo. Ang gift ko ang reason kaya hindi ako nakikipag-shakehands. May familiar dream din ako noong bata pa-ang ganda gandang place na may secret way papasok at doon ako dumadaan-hole sa katawan ng puno. Funny, 'di ba? Ang gandang place pero ang entrance, sa puno? Tinatawanan namin ni Mommy ang weird kong dream na 'yon noon. Lalo na siyang tumawa nang sabihin kong parang same ng puno sa likod ng dating bahay namin sa province ang puno sa dream ko.

I'm weird, right? But there's more! May parang addiction ako sa pag-i-sketch back when I was a child. Nagta-tantrums daw ako lagi noon 'pag hindi pinapayagang mag-drawing. Pero ang mga drawings ko naman, magulo at usually ay dark places na walang labasan. Kailan nag-stop ang parang addiction kong mag-sketch? No'ng na-sketch ko ang door na nakasabit sa wall sa room ko. Pina-frame pa ni Mommy iyon. Ang sketch daw kasi na iyon ang nag-heal sa akin. Siguro daw sa mind ko, nakahanap na ako ng pintong lalabasan. Hindi na ako nag-sketch pagkatapos noon.

Hindi ko gustong humawak sa kamay ng ibang tao.

Pero nang pumasok si Sir JV no'ng first day ng school, natulala talaga ako. Gusto kong hawakan agad ang kamay niya para ma-check kung ako ba ang ka-forever niya! Landi much 'no? Well, siya lang naman ang first ever crush ko na parang hindi ko mai-ignore at 'di ako makaka-move on sa feelings. Pagdating sa kanya, normal teen ako. Ang bait din kasi ni Sir. Feeling ko pa, favorite niya ako. Lagi kasing ngumingiti 'pag tinawag ako sa recitation. Hindi naman siya ganoon kay Leorelle na pinakamaganda sa section. 'Di ko sure ba't siya ngumingiti sa akin. Contrast kami ni Leorelle-mestisa siya, long haired at sexy. Pang campus beauty contest talaga. While me, just an ordinary morena girl. Chubby at cropped ang hair. Ang maganda sa akin sabi ni Mom, eyes and smile. Picture of innocence raw ako. Dati, naisip kong exaggerated lang si Mom pero nang sabihin ni Mart na Filipina 'angel' daw ako-na chubby nga lang, I believed him. Hindi kasi marunong magsinungaling si Mart. Sincere siya sa lahat ng bagay. Sobrang honest na minsan brutal na.

"Morning," si Mart na bagong dating. Bago siya naupo sa tabi ko, hinampas muna ako ng notebook. "Laway mo, Ceecee!"

Na-realize ko, nakanganga ako. Tanga lang ang peg sa kakatitig kay Sir JV. Tikom-bibig agad ako. Nakakahiyang mahuli. Pinigil ko talagang mapabungisngis.

"Good morning, class!" masiglang bati ni Sir JV. Ang bright na naman ng mukha niya. Sobrang ganda ng ngiti, fresh na fresh at guwapong-guwapo. Hindi ko kinakaya ang magnet from him. Parang gusto kong mag-slowmo palapit sa kanya at magpayakap. 'Yong parang sa Korean dramas? Ang inviting kasi ng looks niya. Parang ang bango-bango. Parang ang sarap i-hug! Grabe. I feel like I'm not the good girl Cee anymore. Ang landi ko lang this year! Makukurot ako ni Mommy 'pag nalaman niya ang ginagawa ko sa school. Kasi naman ang hirap i-resist ni Sir. I think I'd fall this year, OMG!

"Ini-imagine mo nang hubad si Sir 'no?"

Nahampas ko si Mart. Pinandilatan ko siya. Ibubuking pa ako sa buong class? Okay lang malaman ng lahat. Wala naman akong pakialam sa opinyon ng iba. Hindi ko lang gustong malaman ni Sir. Baka mawala ang 'angel' na dating ko sa kanya. Ayokong maging isa sa mga teens na alam niyang pinapantasya siyang exposed ang abs!

Busy na mag-announce ng scores sa surprise quiz si Sir. Last day lang ang quiz na iyon. Parang general knowledge tungkol sa alam namin sa Filipino. Na-stress ang buong class, ako chill lang. Ang saya lang na sa favorite subject ko pa teacher si Sir JV. Nakaka-inspired! 'Pag tumitingin siya akin, gusto ko talagang lumapit at hawakan ang kamay niya. Gusto ko nang silipin ang future niya! Baka lang kasi ako pala ang girl na nasa future niya, 'di ba? #Superkilig. Ang saya lang umasa na kami pala ang meant to be-aw!

Napatingin ako kay Mart. Hinampas na naman niya ako ng notebook.

"Tawag ka ni Sir."

Bigla akong napatayo-disoriented. Hindi ko alam kung bakit ako tinawag.

Tawanan ang lahat. Nag-check lang pala ng attendance! Nag-blush yata ako. At mas nag-init ang cheeks ko nang nag-half smile si Sir JV. Parang naaliw sa akin. OMG talaga! Sir crush thinks I'm cute, I guess!

Ehhhhh!

"Very present, Sir!"

Napaubo nang mahina si Mart. 


Note:
MAY kuwentong "Sir Crush" din ba kayo? 😁

15 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon