LIWANAG ang tumama sa eyes ko. Pagdilat ko, mga dahon ang nakita ko, parang nagsasayaw—no, hangin pala. Tinatamaan ng hangin ang mga maliliit na dahon. Sa pagitan ng mga dahon na iyon, dumadaan ang liwanag na nakita ko.
It was sunlight.
Ang ganda. Hindi naman pala blinding light. May parang maliliit pang diamonds ang mga dahon, kumikislap sa tama ng liwanag. Natigilan ako. Wala akong matandaang puno sa tabi ng room ko. View ng gate namin ang nakikita ko kapag nakabukas ang blinds sa room ko.
Walang puno.
Nagtaka na ako talaga. Wala ako sa room ko sa bahay...
Where am I?
"Mom?" nasabi ko at umayos ng upo. Matigas ang naramdamdam ko sa likod—hindi ang bed ko na malambot. Mas gumalaw ang mga dahon, kumislap na parang diamond bits na tinatamaan ng liwanag. Hindi ko alam na ganoon pala kaganda ang mga dahon sa tama ng liwanag. Na-realize ko, dew ang mga nasa dahon na nago-glow like diamonds. "Mom?" I checked myself. Wala nga ako sa bed. Hindi ako nakahiga—nakasandal lang sa katawan ng...puno?
"Mart?" Naalala ko agad ang best friend ko. Kung wala ako sa room ko at sa room niya sa bahay nila, sure ako na kasama ko siya saan man iyon. "Chubs?"
Pero walang sagot. Wala si Mommy sa place na iyon at wala rin si Mart. Mag-isa lang ako. Saan iyon at bakit hinayaan nila akong mag-isa?
Haia.
Napatingin ako bigla sa tabi ko. May lalaking nagsalita. Familiar 'yong voice niya. Narinig ko na 'yon, sure ako. Nag-iba na ang heartbeat ko. Naging aware na ako sa paligid—nakaupo lang ako sa greenish ground na pantay-pantay ang manipis na damo, naka-lean ako sa mayabong na puno, na ang mga dahon parang nakayuko sa akin at pino-protect ako from anything—sa sunlight that moment.
Aming prinsesa...
Nakaramdam na naman ako ng lamig sa dibdib. Para akong hinaplos bigla ng snow—na wala sa loob kong niyuko—para mapaatras lang at naghanap ng makakapitan nang makita kong may parang liwanag galing sa loob ng chest ko!
"What the—oh, my God!"
Pag-angat ko ng tingin, mas nagulo ang isip at puso ko nang malinaw kong makita ang puting-puting ulap, usok, fog—hindi ko sure pero parang mas fit na description ang ulap kung sa pagiging puti lang, at usok kung sa paggalaw ko ibabase. O baka nagsamang ulap at usok na puting-puti. Nasa harapan ko ngayon na parang may sariling isip na gumagalaw, tinatakpan sa paningin ko ang kung anumang nasa likod.
May ilang seconds akong nakanganga literally, naa-amaze sa puting-puting view sa harap ko. Pero mayamaya, mabagal na gumalaw ang mga 'ulap' o 'usok' o kung anuman ang tama—parang maingat na itinaboy ng hangin na galing sa gitna. Hindi ko man nakikita ang mukha ko, na-feel kong ang laki na ng eyes ko at kasya na siguro ang isang buong apple sa bibig ko sa pagkakanganga ko.
Bakit hindi kung pagkawala ng 'ulap' ay tumambad sa akin ang puting-puting castle na sa fairy tale book ko lang nakikita! Sa paligid ng white castle ay iba't-ibang kulay ng mga bulaklak, habang sa ere ay mga nagliliparang butterflies na karamihan ay blue!
Literal na napatulala ako, mga few seconds iyon bago lumipat sa pinakamataas na parte ng castle ang tingin ko—sa peak, kung saan ay may parang ball of light—na nagliliwanag at nag-iiba-iba ang kulay—bright light, fire yellow, ocean blue and earth brown!
Hindi pa man napa-process ng naguguluhan kong isip ang mga nakikita ko, bigla ay umahon ang parang maliit na ipu-ipo galing sa ilalim ng lupa—ilang meters lang away from me—umahon at tinangay ang lahat ng dinaanang lupa galing sa ilalim. Parang combination ng lupa, hangin at energy ang nasa harap ko. Ang lakas ng ikot ay parang may nagtutulak galing sa ilalim. At na-shock pati ang dulo ng hair ko nang maging tao ang ipu-ipo!
"Oh my G..." nasabi ko, gusto kong umatras pero parang napako na ang mga paa ko, effect ng sobrang gulat.
Ang nasa harap ko ay parang warrior, wavy ang hanggang batok na hair at brown feathers ang suot—no, balat ng hayop yata 'di ko sure. Basta all brown—naka-armor, may malapad na brown belt din na parang especially designed rope na may bilog sa gitna. Parang crystal na may something sa loob ang bilog. From waist down, balot siya ng brown feathery cloth na iyon na parang horse hair. Sa kamay ng stranger, may hawak siyang latigong-lubid, katulad na katulad ng nakataling belt sa waist niya.
Gusto kong manghina sa kaba nang magtama ang mga mata namin. Ang intense ng titig niya sa akin. Kung cannibal siya, sure akong lulunukin niya ako sa mga susunod na oras. At ang kulay ng mga mata niya, same color ng parang something na laman ng crystal sa gitna ng belt niya—kulay ng lupa!
Gumalaw ang right hand niya. Hindi ko sure pero parang kumpas—at shock na napatakip sa bibig ang kamay ko nang ang hawak niyang lubid ay naging ahas na pumulupot braso niya. Nanghina ang tuhod ko nang makita kong hawak niya malapit sa ulo ang ahas na parang handang ipatuklaw ang sinumang gusto niyang saktan.
"Maligayang pagbabalik sa Himraya, prinsesa Haia," ang malinaw na sinabi ng ala warrior sa harap ko. Kumumpas uli ang kamay niya—parang nag-drawing lang sa ere. Ang ahas ay naging lubid uli bago nawala. Binalot uli siya ng ipu-ipo na nang mawala, ang nasa harap ko ay guwapong-guwapong teen na ka-age ko yata—dark brown ang hair, green ang eyes, all brown ang suot—walang manggas na manipis na telang pang-itaas na light brown. Ang suot niyang 'pants' ay ang parehong feathery cloth na suot ng 'warrior' na kaharap ko kanina. Wala na rin ang hawak niyang latigong-lubid na naging ahas. Maliiit na bulaklak na ang hawak ng teen. Inilapat niya sa chest ang dalawang kamay, lumuhod sa isang tuhod at nag-bow. Inihagis niya papunta sa akin ang mga bulaklak sabay ng pagtatama uli ng mga mata namin—at kitang-kita ko na naging kulay liwanag ang mga mata niya!
Hindi na kinaya ng puso ko.
I fainted.
BINABASA MO ANG
15 (Published)
Fantasy**NEW RELEASE** March 7, 2018. UNEDITED VERSION. For Reb Fiction imprint. Fantasy. Teen Fiction. Naniniwala ka ba sa red string of fate na nagko-connect sa mga taong destined na mag-meet? Paano kung magising ka isang umaga na may chance kang m...