5. Earthworm And White Flower

277 10 5
                                    

SA DAY three ng transferee sa tabi ko, may ginawa na naman siyang kalokohan. Sa subject pa rin ni Sir JV. Pagkatapos kong komopya ng notes, medyo dumikit sa akin si Dom—para utusan akong magsulat ng notes niya!

"Hindi ko alam...gawin," ang sinabi niya. Tumaas ang kilay ko. Mag-a-alibi na lang, fail pa! Hindi raw alam magsulat? Handa na sana akong mag-long rant pero inilapit niya ang sarili at bumulong. "May alaga ako. Gusto mong samahan ka nila sa pagtulog?" Nanlalaki ang mga matang bumaba ang mata ko sa kamay niyang inilahad sa harap ko at unti-unting ibinuka—kamuntik na akong tumili sa pandidiri sa nakita kong hawak niya!

Eeehh! Yuck!

Mahaba at ang taba-tabang earthworm!

Hindi ako takot sa bully classmate pero sa earthworm o kahit anong gumagapang ay takot ako! Baka madala ko pa sa panaginip ang matabang uod na hawak-hawak ni Dom-Kadiri! Gusto ko ng tahimik na buhay sa school. Napa-exhale na lang ako, kinuha ang papel niya at nagsulat ako para sa kanya. Ikinuyom naman ni Dom ang kamay at itinago sa likuran. Nang ipakita uli sa akin, wala na ang earthworm.

Ayoko nang isipin kung saan na lang niya inihulog ang kadiring uod. Nakangiwi pa rin ako habang nagsusulat ng notes niya.

"Complete na 'yan," sabi ko nang tapos ko na kopyahin ang notes ni Sir JV sa blackboard. Hindi ako tonong galit or something. Inabot ko lang na parang tinulungan ko siya sa task na hindi niya matapos-tapos. Kinuha niya ang papel at itiniklop, naging busy siya na gumuhit ng kung ano sa sariling kamay. Hindi ko na lang siya pinansin. Pero mayamaya, nasa harap ko naman ang kuyom niyang kamay. Mabilis akong dumistansiya, nakangiwi. Nakita ko uli sa isip ang earthworm na hindi ko alam kung paano niya naitago.

Dom opened his hand—hindi earthworm ang nasa palad niya. Small white flower na parang sampaguita pero hindi naman. Napatitig muna ako sa bulaklak bago umangat ang tingin ko kay Dom. Medyo nakanganga na ako. Hindi ko siya masyadong naintindihan. Earthworm 'tapos flower na?

Mas inilapit niya ang kamay. "Thank you?" Hindi ko sure kung iyon ang way niya para mag-thank you. Wala siyang sagot. Blank din ang face. Kinuha ko na lang ang small flower. Nanahimik na si Dom. Nag-focus na rin kay Sir JV.

Thirty minutes pang nag-discuss si Sir JV. Ten minutes bago ang uwian, nag-announce siya—may chocolate bar daw ang highest score sa quiz!

Okay. Aaminin ko na. Muntik na akong mahulog sa seat ko. Ako kasi ang highest sa quiz. Two points lang ang difference sa score ni Mart. Sa Filipino ko lang talaga siya nalalamangan. Para akong naglalakad sa clouds nang tinawag ni Sir JV ang name ko.

"Very good, Valdes. Keep it up!" nakangiti na naman si Sir. Ang heart ko, ayaw na naman paawat.

"Wala bang free hug, Sir?" ang nasabi ko nang hindi namamalayan. Good thing, ang hina lang ng voice ko. Si Sir lang ang nakarinig. Sa isip ko lang naman sinasabi iyon. Hindi ko namalayang nasabi ko nang may tunog.

Sure ako na lagi kong maaalala ang magaang tawa ni Sir JV. "Go back to your seat, Cee."

Kung nasa ulap ako kanina, nag-level up sa heaven na nang narinig kong binanggit niya ang nickname ko!

Wala na talaga. Sure akong hindi matatapos ang school year, fall na ako kay Sir JV. And it's gonna be hard. Nakita ko sa isip si chubby self na nag-walling.

Lutang pa rin ako nang umupo sa gitna nina Mart at Dom.

Si Mart, endless ang pag-iling. Si Dom, walang reaksiyon. Parang taong-bato sa seat niya. Almost tulala. Hindi ko gets ang mood niya.

15 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon