11. Dream or Reality?

298 16 0
                                    

"CEE?"

Worried eyes ang nakita ko. Mas light pa sa light brown. Napakurap ako, pinipilit kong ibalik sa present ang isip—doon sa malinaw at hindi foggy na part ng brain ko. Nalilito na kasi ako. Hindi ko alam kung nasaan na ako—sa panaginip pa rin ba o sa reality na?

Dream nga ba iyon?

Pumikit ako para maghanap ng sagot sa isip.

"Cee?" may kasabay nang tap sa pisngi ko. Hindi pa rin ako tuminag. Magulo pa rin ang isip ko. Naghahanap pa ako ng clue na babasag sa parang fog sa utak ko. Gusto kong maging clear ang mind ko. "Hey, say something. Nagwo-worry na ako, Cee!" warm na kamay na ang lumapat sa pisngi ko. Nagmulat na ako uli ng mga mata. Light brown eyes pa rin ang nakita ko. Worried pa rin ang mga matang iyon.

"M-Mart?" Mga mata lang ni Mommy o ni Mart ang alam kong magwo-worry nang ganoon. Black eyes si Mommy at si Mart—ah, hindi ako sure sa eye color niya. Na-realize ko that moment mismo, hindi ko pa natitigan talaga ng ganoon kalapit ang chubby best friend ko. Lagi kaming magkasama pero hindi ko pa pala sure na ganoon ka-light ang eyes niya. Parang two shades lighter than mine. Yep, brown din ang color ng eyes ko. "Chubs..."

Maingat na tap uli sa pisngi ang naramdaman ko. "Yes! Who else?" kasunod ang pag-exhale. "Ano na? Okay ka na? Ano'ng nararamdaman mo, Cee?"

"N-Nasaan tayo?"

"Clinic," sagot ni Mart. "Nag-collapse ka pagkabangga mo kay Dom sa labas ng café. Dinala ka namin dito—"

Bigla akong bumangon pagkarinig ko sa sinabi ni Mart. Parang may biglang flash ng lightning sa mind ko. Pagbanggit niya sa name ni Dom at sa 'collapse', parang nagising ako. Naalala ko na ang scene sa cafeteria—na nag-uusap kami ni Mart tungkol kay Dom bago ako nakarinig ng voice. Nakaramdam ako ng lamig sa middle ng chest ko, I got scared and ran—bumangga ako kay Dom.

Si Dom na nakita kong nagliwanag ang eyes!

And then I fainted.

Oh, God...

"N-Nasaan si Dom, Chubs?" hinawakan ko bigla ang braso ni Mart. Hindi ako okay. Nanginginig ang mga kamay ko. Gusto kong maramdaman ang warmth ng skin niya—proof na kasama ko talaga siya, na hindi ako mag-isa at nasa clinic nga kami ng school.

Natigilan si Mart, napatingin pa sa braso niya. Ang higpit na kasi ng hawak ko.

"Umalis din agad pagkahatid namin sa 'yo," sabi ni Mart. "Weird din talaga 'yang transferee na 'yan, Cee. Parang wala sa sarili. Nagtaka pa kanina kung ano'ng ginagawa niya sa clinic."

Napatitig ako kay Mart. Pilit kong ina-absorb ang mga sinasabi niya. May idea na namumuo sa utak ko. Hindi ko sure kung tama ako. Kailangan kong malaman. Hindi puwedeng wala akong gawin. Hindi na mawawala sa utak ko ang mga scene na nakita ko—kung reality man iyon o panaginip—kailangan kong malinawan.

Nalilito na ako. Ayoko ng magulong thoughts.

"Ayos ka naman daw sabi ni nurse Kaye. Puyat ka ba or pagod, Cee?"

Pinili kong hindi na sumagot. Tumingin lang ako kay Mart.

"Hindi ka naman siguro magkaka-head trauma sa pagbangga mo kay Dominador. Ano ba kasing nangyari kanina? Tumakbo ka na lang palabas. Para namang ganoon kadaling tumakbo sa weight mo," at napailing. "Maiintindihan ko pa kung si Sir JV ang nakita mo."

For the first time in forever, walang magic effect sa akin ang name ni Sir JV. May ibang kabog kasi sa chest ko. Hindi ko sure pero may ibang pakiramdam na iniwan sa akin ang mga nakita ko.

"O-Okay ako, Chubs," sabi ko na lang. "Nagulat lang talaga ako."

"Saan?"

"'Balik na tayo sa room," Change topic ako bigla. Ayokong pag-usapan sa loob ng school ang ang mga hindi ko pa maintindihang nangyari. "'Di pa ba tayo late?"

"Hindi pa naman."

"Mga ilang minutes akong unconscious?"

Tumingin si Mart sa wristwatch niya bago sa mga mata ko. "Fifteen minutes na," sabi niya. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Cee. Takot ka kanina, nakita ko. Kanino o saan ka takot? Sa akin?"

Napatitig ako kay Mart. Hindi muna ako uuwi agad after class. Gusto kong magkuwento. Pero hindi ako magkukuwento na nasa school kami. Umiling lang ako. Ilang seconds na tumingin lang din siya sa eyes ko, parang binabasa ang iniisip ko.

"Ano'ng nangyari sa café kanina?"

Tumingin lang ako sa mga mata niya nang matagal. Hindi ko rin napigilan ang paghigpit ng hawak ko sa braso niya. Iniiisip ko pa kung ano talaga ang nangyari sa akin minutes ago. Wala pa akong sagot sa tanong ni Mart. Ako mismo kasi, nalilito rin. Iniisip ko kung alin sa mga scene sa utak ko ang totoong nangyari o alin ang panaginip lang.

"After class na lang," sabi ko, bumaba na ako sa patient bed. Hindi ko binitiwan ang braso niya. "Nag-o-organize pa ako ng thoughts, eh."

"Pero okay ka na?"

Tumango ako. "Basta hawak muna ako sa 'yo, Chubs..."

Hindi ko na pinansin ang pagtitig niya sa akin. Nakuha na niya ang message ng actions ko—na may inaalala ako. Hindi pa nga lang niya naiintindihan.

Nakakapit pa rin ako sa braso niya hanggang nakarating kami sa classroom. Blank ang three seats sa third row—seats naming tatlo. Hinanap ko sa paligid si Dom, nasa tabi ni Leorelle, halos magdikit na ang mukha ng dalawa. Ngiting-ngiti si Leorelle. Tuwang-tuwa naman sa attention si Dom.

Nagkatinginan kami ni Mart. Sa dalawa rin pala agad tumutok ang tingin niya. Nahuli niyang nakatingin rin ako. "I-Google mo na," bulong sa akin ni Mart.

"Ha?"

"I-Google mo na kung may tama 'yan."

"Ano'ng tama?"

"Parang may DID."

Napakurap ako. "Multiple personality disorder?"

"Or may sanib minsan," si Mart uli. "Hindi consistent ang actions."

Tiningnan ko lang si Mart. Iniisip ko ang magiging reaksiyon niya kapag na-share ko na ang totoong nangyari sa café at ang panaginip kong connected din sa naririnig kong voice.

Haia.

Name pala iyon.

Name ng prinsesa—na sinasabi ng lalaki na taga-castle yata—na ako.

Maligayang pagbabalik sa Himraya, prinsesa Haia...

Gusto kong tawanan ang lahat pero hindi ko nagawa.

15 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon