25. A Moment With You

267 18 1
                                    

NAPAKURAP ako. Mas tinitigan ko si Dom. Hinihintay kong dumaan sa mga mata niya ang liwanag. Mas madaling maniwalang si Lauon ang kasama ko kaysa sa totoong Dom ng section A. Iba nga lang ang nakita ko, hindi liwanag...

Sincerity?

May na-feel akong warmth sa puso ko kaya ngumiti ako. Hindi naman pala laging blank ang mga mata ni Dom. May emosyon naman pala ang mga mata niya.

"Thanks," mahinang sabi ko. "Sa compliment at sa water," hindi ako nagbaba ng tingin. May mga classmates kaming padaan-daan, dead-ma lang si Dom kaya hindi ko na rin pinansin. "Beautiful naman talaga ako," mas ngumiti ako. "Hindi lang nila kita. Ang excess fats ang mas nakikita."

"Kita naman kita, ah."

Mas napangiti ako. "You, ha?"

Hindi siya ngumiti pero parang may dumaang kinang sa eyes. "Pero pang-second ka pa lang na nagsabi."

"Hindi sinabi ni Lauon na maganda ka?" magaang balik ni Dom, nakataas ang sulok ng bibig.

"Hindi, eh," mas lumapad ang ngiti ko. "Though na-feel ko naman na gandang-ganda siya sa akin," bumungisngis na ako. "Parang wala namang issue sa excess fats ang mga Himran. Usok kasi sila!" Kasunod ang magaang tawa. "Si Dom ka ba talaga?"

"Lumabas din ang totoo," sabi ni Dom, biglang pinisil ang ilong ko. "Naghihintay ka na naman ng liwanag na dadaan sa mata ko, chubby girl."

Napamaang ako sa kanya. Hindi dahil sa huling dalawang salita. For some reason, okay sa akin ang tunog. Hindi ko alam kung anong naging iba sa 'chubby girl' na galing kay Dom at ng galing sa ibang tao na nasasaktan ako. Yung pinch niya sa ilong ko talaga ang mas nagulat ako. Maski si Mart na ka-close ko, hindi ginagawa iyon.

"Dom?" boses ni Leorelle galing sa likuran namin. "What are you doing here? Kanina pa ako nasa classroom! Nag-stay ka lang pala sa tabi ni taba?" Ang tono ni mean girl, parang girlfriend na pinaghintay. Inayos ko na agad ang books na yakap ko. Naghanda na akong tumayo bago pa niya ako mas laitin.

15 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon