SIX AM call ang gumising sa akin kinabukasan. Mga mukha namin ni Mommy ang nakita ko. Ang happy namin. Pareho kaming ang laki ng tawa at may glow ng saya ang mga mata. Naka-back hug sa akin si Mommy. Ang cute cute ko sa white toga...
Napakurap-kurap ako. Picture! Framed picture ng graduation ko noong super cute kid pa ako!
Nag-ring uli ang cell phone ko. Saka pa lang nagising na talaga ang diwa ko. Inikot ko agad sa room ang tingin ko. Nasa earth pa ako. Sa City namin. Sa bahay namin sa village. Sa room ko—hindi ako napunta sa Himraya.
Ang lakas ng prayer ni Mart!
Inabot ko ang gadget para masayang kausapin si chubby bestfriend pero unregistered number ang nakita ko sa screen.
Client ni Mommy? Six AM talaga? Ang aga naman! Eight AM pa ang start ng office hours.
"Yanny's Homemade, good morning!" kasunod ang memorized-scripted-promo ng mga available products per day. "Would you like to order?"
Tahimik ang kabilang linya.
"Hello?"
"Cyreen?" sabi ng buo at mababang boses ng lalaki. Familiar na ako sa voice ni Sir JV kaya sure akong hindi siya ang caller.
"Yes. Who's this, please?"
"Dom."
Umawang ang bibig ko. Dom or Lauon? Ginamit na ba ng Himran ang last chance niyang sumanib kay Dom?
"Uy, ikaw pala!" magaang sabi ko.
"I thought, I've dialed a wrong mobile number."
"Number ko talaga 'to," ako uli, magaan pa rin ang tono. "Both for personal and business use—para nagagamit sa worthy text and calls. 'Kala ko, early client ka. Ba't ka pala tumawag? Ang aga pa, ah."
"Ano'ng oras ka papasok?"
"Nakiki-ride ako sa hatid ni Chubs. Before seven pa rin ang dating namin. Why?"
"Nasa school na ako ng six thirty, Cyreen. Puwede ka ba pumasok nang mas maaga?"
"Ha? Ba't papasok ako nang mas maaga?" Napatingin ako sa alarm clock sa desk. The cute thing informed me it's six ten already. Six thirty five dadaan sa bahay ang driver nila Mart! "Oh, no! Six ten na?" At napatalon na ako paalis sa kama. May ilang minutes na lang ako para mag-prepare.
Itatapon ko na lang sana ang phone sa kung saan para makapaghanda na ako sa another 'rush morning' na iyon pero nagsalita si Dom.
"Sa akin ka na lang sumabay, Cyreen. Kakapasok lang namin sa village n'yo."
Nakanganga ako nang ilang seconds. Binitiwan ko na lang sa kama ang gadget at nagmamadali akong pumasok sa banyo. Napatili pa ako sa lamig ng tubig. Wala ang dating routine ko sa banyo na pakanta-kanta pa. Tapat agad sa shower na parang last minutes ko na sa earth. Wala na pati shampoo, hair conditioner na lang. Hindi ko alam na posible sa akin ang less than fifteen minutes na pagligo. Pagkalabas ng banyo, naka-towel pa akong sumigaw ng utos kay Beb na mag-pack ng breakfast. Sa kotse na lang ako kakain. Lagi kong gawain iyon—namin ni Mart. Pareho kasi kaming hindi morning person. Nagma-mouthwash na lang kami sa restroom sa school bago papasok sa klase.
Six thirty five, lumabas na ako ng gate namin. Sa ganoong time, naghihintay na ang ang kotse ni Mami Rosie. Hindi talaga nagbubusina ang driver, naghihintay lang sa paglabas ko. Pero after minutes wala pa ako, may dalawang ulit na busina na—utos ni Mart.
May kotse nga tapat ng gate namin pero hindi ang dark green car ni Mami Rosie—black ang kotse sa tapat ng gate. Napatigil ako sa paghakbang.
"Sino 'yan, Ma'am?" si Beb na naghatid sa akin sa labas ng gate. Hindi pa niya isinara ang gate nang mapansing hindi na ako humakbang pagkakita ko sa kotse. Sabay ng pagbaba ng tinted na salamin sa backseat, nagri-ring ang cellphone na hawak ko—si Mart ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
15 (Published)
Fantasy**NEW RELEASE** March 7, 2018. UNEDITED VERSION. For Reb Fiction imprint. Fantasy. Teen Fiction. Naniniwala ka ba sa red string of fate na nagko-connect sa mga taong destined na mag-meet? Paano kung magising ka isang umaga na may chance kang m...