14. Dinner and Vision

234 18 1
                                    

BAGO mag-six thirty, nasa tapat na ako ng room ni Sir JV. Maid lang ni Tita Patt ang nadaanan ko sa living room. Nang maglahad siya ng kamay, saka ko naalalang nanghihingi siya lagi ng pasalubong na one piece ng cupcake, muffin or kahit ano'ng baked product sample. Iniisip niyang laging may pa-free taste ang Yanny's Homemade.

Ngumiti ako kay Merline. "Next time," sabi ko. Si Beb ang naalala ko sa kanya. Pareho silang masayahin. "Rush, eh. Nawala sa isip ko, Mers!"

"Dalawa na next time, Ma'am!"

Nginisihan ko siya. "No problem!" Mabibilis ang hakbang ko papunta sa direksiyon ng room ni Sir JV. Seconds lang pagkatapos kong kumatok, bumukas ang pinto at tumambad sa mga mata ko si Sir crush—naka-all white t-shirt and shorts. Suot ang reading glasses na ang nipis ng frame. Ang seryoso ng face niya nang nagtama ang mga mata namin. Ang reaction ng puso ko na nakalimutan ko ng araw na iyon dahil sa mga nangyaring weird, na-feel ko na naman.

"Cupcake delivery, Sir..." ang nasabi ko na mahinang-mahina lang. Wala siyang reaksiyon. Nakatitig pa rin sa akin. Ang heartbeat ko, hindi na naman normal. Kay sir JV ko lang talaga nararamdaman iyon. Hindi ko nga lang sure hanggang nang moment na iyon mismo kung ano ang mayroon siya. Ang pinakamadaling paliwanag lang talaga—super crush ko siya!

Hindi ako nagbaba ng tingin kaya kitang-kita ko kung paanong nagka-emosyon ang mata niya nang ngumiti. "Pasok ka muna, Cee."

Sasagot ako dapat pero hindi ko sure kung anong sasabihin ko—tumanggi at magpaalam na o ngumiti at pumasok. Gusto ko ang last option pero naalala ko ang bilin ni Mommy. Hindi ako dapat gumagawa ng lampas sa kung ano lang dapat ang ginagawa ng good student na gaya ko. Professor si Sir, student ako. Bawal lumampas sa kung ano ang tama—kahit ano pa ang nafi-feel ko.

"Sir JV—" hinila niya ang pinto pabukas nang hindi kinukuha ang cupcake box. Tumalikod na siya agad. Ilang seconds na hindi ako tuminag pero mayamaya lang, humakbang na ako papasok. Maghihintay lang naman ako ng payment, 'di ba? Bakit magiging awkward? Kung yayakapin ko siya at iki-kiss—iyon ang hindi na tama.

Unexpected nga lang ang sumunod na scene. Tumalikod si Sir JV hindi pala para kunin ang payment para sa isang box ng cupcake. Lumapit siya sa maliit na rounded table sa room na napansin kong may take-out foods na...for two?

"Cee?" si Sir JV bago ako nilingon. "Hahanapin ka ba ng Mommy mo?"

"Ah..." at napalunok. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Nakangiti na naman siya at affected ako. Ang hirap i-resist ng ngiti ni Sir! "H-Hindi naman po, Sir. Why po?"

Kinuha niya sa table ang disposable food box—tig-isa ang dalawa niyang kamay— bago lumapit sa akin. Nang nasa harap ko na, kaswal na isinara ang pinto gamit ang siko. Inabot sa akin ang isang food box.

"S-Sir..." napamaang na nasabi ko, hindi ko pa rin sure kung tama ang ginagawa ko. Baka lampas na pala sa tama.

"Samahan mo muna akong mag-dinner, Cee."

Nakatitig pa rin sa kanya na kinuha ko nang wala sa loob ang food box. Tumalikod na si Sir at bumalik sa table. Kinuha ang mga disposable fork and spoons saka balewalang umupo sa sahig malapit sa kama. "Malungkot mag-dinner mag-isa," sabi niya at nakita kong nawala ang ngiti. May something sa dibdib ko na parang naapektuhan sa pagkawala ng glow sa mga mata niya.

Hindi na ako nag-isip, lumapit ako at tahimik na naupo sa tabi niya. Wala namang masama sa free dinner. Hindi ako dapat mag-worry. Sasamahan ko lang naman si Sir JV, magte-thank you pagkatapos at uuwi na. Uuwi na may baon sa 'memory box' na happy moment.

Sabay kaming nagbukas ng food box. Beef dish at plain rice ang nasa box. Nag-pray si Sir JV. Tahimik lang akong pinanood siya nang malapitan. Hindi ko naisip dati na posible ang scene na iyon. May ikukuwento akong kilig scene kay Mart.

"Bakit may free dinner, Sir? Birthday n'yo po?" Nagsimula na kaming kumain. Pagdating sa pagkain, hindi talaga ako nag-iinarte. Si Mart ang nakakaalam na hindi ako nagsasayang ng pagkain. 'Pag may offer na free food, kumakain talaga ako—as in totoong kain. Magana at walang kiyeme kiyeme. Si Sir JV, wala namang pakialam sa lakas kong kumain. Parang naaliw pa nga na kumain talaga ako—kain sa tunay na kahulugan ng salita.

"Hindi. Dinner lang talaga."

"Lagi ka bang mag-isa, Sir?"

Tumango siya. Napansin kong parang nalungkot siya. "Years ago pa no'ng kumain akong may kasamang kapamilya—cousin lang."

"Nasa abroad or nasa province ang family mo, Sir?"

"Wala na sila."

Napahinto ako sa pagnguya. Napatitig kay Sir JV.

"Wala...wala na?"

"Car accident," sabi niya. "Namatay ang parents ko nang sabay. Naiwan akong bulag."

Nalunok ko nang wala sa oras ang kinakain ko. Hindi ko na naman expect ang mga naririnig ko—lalong hindi na magkukuwento si Sir JV sa akin ng tungkol sa pamilya niya.

"B-Bulag...bulag po kayo dati, Sir?"

Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata. Hindi ko alam kung ano ang emosyong nasa mga mata niya pero may naramdaman akong kakaiba. Hindi malinaw sa akin kung ano iyon at kung bakit may ganoon akong feelings. Hindi ko rin sure kung tama ang nakikita ko—na affection ang nasa mga mata ni Sir JV.

"Kasamang kinuha ng aksidenteng iyon ang paningin ko," ang sinabi ni Sir JV. "Hanggang may anghel na dumating—isang ama. Nakakakita ako ngayon dahil sa kanya."

"Ang bait niya. God bless him!" Kung tama ako, cornea ni Sir JV ang na-damage sa aksidenteng binanggit niya. Kinailangan niya ng cornea donor para makakita muli. At ang sinasabi niyang anghel na ama ang nagbigay ng bagong pagkakataon na iyon para makita niya uli ang ganda ng mundo.

"God bless his soul."

Hindi ko mapigilang titigan ang mga mata niya. Hindi ko naisip na may ibang taong nagmay-ari ng mga matang iyon.

"I hope, he's happy...now," ang sumunod na sinabi ni Sir JV. Napahinto ako sa pagnguya nang inabot niya ang ulo ko at maingat na hinaplos ang buhok ko.

Nakatitig lang ako kay Sir JV, hindi alam ang gagawin.

Ba't may gano'n?

Lutang pa rin ako maging nang palabas na ako ng room niya. Natauhan lang ako nang hinawakan niya ang kamay ko para ibigay ang payment sa cupcake—hindi niya dapat ginawa iyon. May na-feel akong familiar energy.

At nakita ko ang scene na bumaba siya ng kotse. May dalawang lalaking naka-bonnet na lumapit bigla at pinalo siya! Kitang-kita kong bumagsak siyang walang malay sa tabi ng kotse!

"No! Oh, God!" Natatakot na nasabi ko. Nanghina bigla ang pakiramdam ko. Wala halos sa loob na napasandal ako sa pintong lalabasan ko dapat. "Sir..."

Namumutla siguro ako kaya nag-aalala siya. Nabasa ko ang worry sa mga mata niya. "Cee—"

"Sir JV..." Ang nasabi ko lang. Ang lakas at ang bilis ng heartbeat ko. Hindi ko rin mapigilan ang pagkalat ng panghihina sa buong katawan ko. "'Wag ka munang lalabas ng bahay, Sir—ngayon, bukas or next day...hindi ko alam! 'Wag ka rin magpapaabot ng dilim sa labas. Mag-iingat ka, please! Mag-iingat ka, Sir. Sasaktan ka nila. Sasaktan ka nila...Mga lalaking naka-black...sa...sa tabi ng kotse mo..." Hindi na normal ang paghinga ko. Ramdam na ramdam ko nang bibigay ang mga tuhod ko sa mga susunod na segundo.

Napamaang na sa akin si Sir JV. Bigla kong inabot ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. Hindi ko inalis ang titig sa mga mata niya. Kailangan kong makita lahat—pero wala na. Nag-blurred na ang paligid hanggang sa nagdilim.

15 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon