NAKAPASOK na si Dom nang sa wakas ay nahanap ko ang ID na nasiksik lang naman pala sa isa sa mga notebooks ko.
"Wala ang kambal mo?" si Kuya Guard na nakangiti sa akin. Si Mart ang 'kambal' na sinasabi niya. Inseperable kasi kami—magkasama sa pagpasok, sabay rin sa pag-uwi. At same kaming chubby.
Perfect match.
"May fever po," sagot ko. "Good morning, Kuya Mil."
"Good morning," sabi naman niya. "Guwapo ang substitute twin, ah. Para kayong sampu! One siya, bilog ka!"
Hindi ko na siya pinansin, hinabol ko na si Dom na ang bilis nakalayo bitbit ang gamit ko.
"Dom!" tawag ko sa bad transferee na parang hindi man talaga yata bad. "Yung things ko!"
Pero hindi siya huminto. Napangiwi na ako. Baka hilahin ni Leorelle ang hair ko kapag nakitang ginagawa ko lang tagabuhat ng gamit ko si Dom.
Hindi ko maaabutan si Dom kung hindi siya titigil sa mabilis na paglalakad—tumigil siya, napabuga ako ng hangin sa ere. Hinintay niya ako. Mas mali yata. Na-feel kong may mga matang nakatutok na sa amin—sa akin, lalo na.
Inabot ko ang paper bag ng inubos kong breakfast. "'Una ka na sa room," sabi ko sa mababang boses. "Nakatingin na sila, Dom," dagdag ko. "Akin na 'yan. Sa rest room muna ako—"
"Lilipad ba ako?" balik niya. "Do'n din naman ang daan ko, Cyreen."
Napatingin ako sa mukha ni Dom nang hindi binitiwan ang mga gamit kong hawak niya. Tumitig ako sa mga mata niya. Hinintay ko ang liwanag na dumaan sa mata niya para ma-confirm kong siya si Lauon nang oras na iyon.
"Ba't walang liwanag..." nasabi ko nang wala sa loob. Tinitigan din ako ni Dom. May something sa titig niya. Hindi ko lang sure kung ano.
"Alam mo," ang sinabi niya na hindi ko naintindihan. Binawi niya ang kamay na may bitbit ng gamit ko. Nabitawan ko ang kukunin ko sanang paper bag. Naglakad na uli kami. Naging statue muna ako nang ilang segundo bago sumunod na lang na ginugulo ang sariling buhok.
At ang universe, parang nasa panig ni Dom. Dalawang subject namin ang absent ang professors. May pumasok na substitute teacher, pinapunta kami sa library. May research work na assignment ang absent na professors.
Wala si Mart kaya mag-isa na naman ako sa table sa sulok, ang favorite spot namin ni Mart sa library. Natigilan ako nang may naupo sa blank chair sa tapat ko. Scent pa lang, alam ko nang si Dom. Mula sa page ng book, lumipat sa kanya ang tingin ko.
"One whole sheet?" Itinuro ko na agad ang papel na nakaipit sa book kong nasa table. Ini-expect ko nang manghihingi lang siya ng papel kaya lumapit. Kumuha nga siya. Ibinalik ko naman sa binabasang short story ang focus ko.
Naging busy na rin siya. Nagbasa rin ng book at nagsulat—nang mga thirty minutes lang. Inipit na niya sa book ang one whole sheet of paper mayamaya. Ang last question rin sa book ang binabasa ko para sagutan nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone na nasa bulsa ko. Hindi ko pinansin ang gadget. Tinapos ko munang sagutan ang last question sa binasa kong short story.
Naramdaman ko uli ang vibration ng cell phone. Inayos ko muna ang gamit ko sa table bago ko kinuha ang phone para i-check—text message ang dumating. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung kanino galing ang message.
May sundo ka?
Napatitig ako sa text message ni Dom. Pinili kong mag-text back nang hindi nag-aangat ng tingin sa kanya. Alam kong nakatingin siya sa akin, ramdam ko.
Why?
May sundo ka?
Hindi ko maintindihan bakit siya nagtatanong kaya nag-angat ako ng tingin. "Ano, sagot!" ang parang message ng eyes niya. Natawa ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi ang weird ni Dom. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon. Sure naman akong si Dom siya at hindi na-possessed na naman ni Lauon.
Wala. Why nga?
Hatid kita.
No, thanks.
I insist.
N.O. as in no.
'Got some questions.
Ask away. Now na.
Bawal ang maingay sa library.
Text.
Usap tayo later, Cyreen.
Hindi na ako sumagot. Nag-angat na lang ako ng tingin sa kanya. Tumingin din lang siya sa mga mata ko. Ang tagal naming tumingin lang sa mga mata ng isa't isa. Siya ang unang nagbaba ng tingin. Nag-vibrate uli ang phone ko. Text message pa rin galing kay Dom...
To read more of VA stories, follow, vite, comment and share! :)
BINABASA MO ANG
15 (Published)
Fantasy**NEW RELEASE** March 7, 2018. UNEDITED VERSION. For Reb Fiction imprint. Fantasy. Teen Fiction. Naniniwala ka ba sa red string of fate na nagko-connect sa mga taong destined na mag-meet? Paano kung magising ka isang umaga na may chance kang m...