7. Me, My Poor Heart And Liza Soberano

271 13 8
                                    

"BAKIT tulala ka?"

"Chubs..."

Napatitig siya sa akin. Sa mukha muna tapos pababa. Pagdating sa mga paa ko, tumaas uli. Sa mga mga mata ko na nagtagal. Parang every second, lumalaki ang pagkakaawang ng bibig niya. Five seconds later, nakanganga na talaga si Mart.

Nasalubong ko kanina si Mami Rossie na papunta daw ng supermarket. Nasa room daw si Mart kaya doon na ako agad dumiretso. Nag-nap yata siya at nagising sa katok ko. Magulo pa ang buhok nang magbukas ng pinto. Parang nagising na talaga nang makita akong parang tinatamad na zombie.

"Chubs..."

"Ano nga?" Inabot na niya ang braso ko at hinila ako papasok sa room niya. "Umalis si Mami, ni-lock mo ba ang front door bago ka umakyat?"

"Yeah..." Bilin ni Mami kaya ni-lock ko ang pinto bago ako umakyat. Hindi talaga ako umuwi muna. Gusto kong mag-share ng nararamdaman ko. Gusto kong magkuwento. Gusto kong mag-drama-si Mart lang ang patient enough para pakinggan ako. May sense o wala ang sasabihin ko, makikinig lang siya. Para lang akong statue sa gitna ng room. Napatitig na naman sa akin si Mart bago napailing at hinila ako paupo sa kama.

"Si Sir JV na naman?" kasunod ang mas pag-iling. "Mag-ice cream or chocolates ka na lang, Cee-"

"Ang happy ko, Chubs..." agaw ko. "And sad too..." kasunod ang malalim na pag-exhale. Nag-form ako ng heart gamit ang fingers ko. "My heart..." Inilayo ko ng dahan-dahan ang parehong kamay ko-naghiwalay ang 'puso'. "Basag, Chubs. Basag-aww!" Hinila niya bigla ang hair ko.

"'Daming arte. Ano nga 'yon? Ba't nagda-drama ka?"

"Si Sir JV..."

"Ini-stalk mo na naman?"

Umiling ako. "Fate is playing on us, eh-aw, stop it! Masakit na kaya!" Pinalo ko ang kamay niyang ginagamit panghila ng hair ko.

"Isa pang arte, nasa labas ka na-"

"Nag-deliver ako ng cupcakes kay Tita Patt!" kasunod ang biglang pag-ayos ng upo. Hindi joke ang sinabi ni Mart. Pilit talaga niya akong ilalabas kapag napikon na sa pag-iinarte at pagiging OA ko. "Two boxes ang pina-reserve niya kay Mommy. Na hindi naman pala para sa kanya. Para sa neighbor niya next door."

"Kay Larisse."

"Hindi, eh..."

"May bagong housemate na si Tita Patt?"

"Wala..."

"Ang gulo mo, Cee!"

"Nasa room ni Larisse si Sir JV, Chubs..."

"Naabutan mong nagsi-sex?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Grabe ka kay Sir!"

Nginisihan lang ako ni Mart. "Kung umarte ka kasi para kang nasasaktang girlfriend."

Sinimangutan ko lang siya. "I think...they're living together na."

"O, 'yun din 'yun! Hindi mo lang naabutang nagsi-sex-"

"'Wag ka na nga! Masakit kaya!"

Tumawa nang matunog si Mart. "Wow! Ang arte! Nasaktan agad? Para namang may karapatan-"

"Chubs!"

"Basag-puso ni Ate," dead-ma lang na sabi niya, walang emosyon ang cute bear na nasa tabi ko.

"Para kay Larisse ang cupcakes..." mas exaggerated na dugtong ko, parang buong earth ang bumagsak sa likod ko.

"Tulo-dugo si Ate girl," dagdag ni Mart.

"Tapos ang happy niya..." mahabang paghinga uli. "My poor heart just died ten minutes ago."

Bumaling siya. Nang humikbi-hikbi ako ng fake, napailing na lang. "OA mo, Cee!" May kasunod na tawa. Inabot ni Mart ang nagulo kong buhok at maingat na inayos. Tiningnan ko lang siya maging nang tinuyo niya ang pawis sa noo ko gamit ang mismong likod ng kamay niya. Nasanay na akong ginagawa niya iyon 'pag nakikita niyang pinapawisan ako. "Ice cream ka na lang. 'Gawa akong sandwich, Cee. 'Kain ka muna bago dessert."

"Ayoko..."

"Ang arte mo!" Nakangiti pa rin na ginulo niya ang buhok ko bago lumabas na ng room. Mart knew me well. Alam niyang kakainin ko ang inihanda niyang food. Hindi naman kasi talaga kasama sa mga drama at kaartehan ko ang tumanggi sa pagkain.

Bigla akong nahiga sa kama. "Sir, why her?" tanong ko sa ceiling. Nakita ko sa isip ang pagtitig sa akin ni Sir JV kanina at ang parang pag-glow ng mga mata nang ngumiti. Hay naman. Forever na parusa sa heart ko ang memories! "Why can't we be the two of us kasi?" Pumikit ako-si Sir JV pa rin ang nakita ko sa dilim. May something pa akong nafi-feel kapag nakatitig siya sa akin. Ang intense talaga ng pagbaon ng arrow ni Cupid sa heart ko-tagos na tagos!

Parang fall na ako in seven days lang. Oh-my-gosh!

"Gutom lang 'yan," boses ni Mart. Inilagay sa tabi ko ang food tray. "Kumain ka bago umuwi, Cee."

"Tapos ka na sa assignment sa Math?"

Umiling siya. "Nag-nap muna ako."

"Paturo? Hindi ko na naman gets, eh."

"'Kain ka muna," sabi niya. "Gagawin ko na para explain ko na lang pagkatapos mong kumain."

"Chubs-"

"Stop mentioning Sir JV's name, Cee. Dudugo na ang eardrums ko-"

"Ilang years na kaya sila ni Larisse?"

"Kumain ka na lang."

"Happy kaya sila?"

"Gutom lang 'yan kaya hibang ka na naman."

"Ba't kaya ang intense ng feelings ko kay Sir-"

"OA ka lang."

"Nakikita ko siya kahit saan-"

"Cee!"

"Ginugulo niya ang mundo ko-"

"Text ko nga si Tita Yanny. Sasabihin ko, landi-landi ka lang sa school-"

"Kakain na nga, sobra ka!" biglang agaw ko kasabay ang pagbangon. Inagaw niya ang sandwich na hawak ko at kumagat nang malaki. Napasimangot na lang ako. Kinuha ko ang isang sandwich na natira at iyon na lang ang inubos ko. Love ko talaga ang special bacon sandwich ni Mart.

Two minutes later, inuuntog na ni Mart ang ulo sa unan. Inuulit ko na naman kasi ang kuwento tungkol kay Sir JV at Larisse.

Na-divert lang ang atensiyon ko nang mag-explain na si Mart ng assignment sa Math. I need to focus or I'd get another low score. Hindi papayag si Mart na maulit ang mababang score ko sa short quiz. One week na naman siyang magi-guilty.

"Chubs?"

Tumingin siya sa akin, ngumunguya pa.

"Pangit ba ako?"

Naudlot ang pagnguya niya. Napamaang sa akin. Parang iniisip kung tama ang narinig na tanong.

"Kapalit-palit ba ako?"

Napaubo si Mart. Dali-daling inabot ang baso ng tubig sa tray at napainom. Hindi ako tumawa, dead-ma lang na itinuloy ang pagkain.

"No," si Mart pagkainom ng tubig.

Bigla akong bumaling sa kanya. "Then why?"

Ako naman ang naubo sa kakatawa nang si Mart naman ang nag-recite ng linya ni Enrique Gil sa pelikula nila ni Liza Soberano.

Na-realize ko, isa sa mga dahilan kung bakit nag-click kami ni Mart ay ang pagiging baliw namin both.

May assignment na ako sa Math nang umuwi. Nope, hindi copied kay Mart. Tinuruan niya akong gawin iyon. Kaya love ko siya. Hindi niya ako tinuturuang maging tamad. Hindi niya basta ipapakopya na lang ang answers sa assignments. Ituturo niya sa akin kung paano iyon nakuha at hahayaan niya akong mag-solve ayon sa naiintindihan ko. Paulit-ulit man ang mali, hindi siya titigil mag-explain hangga't hindi ko nakukuha ang tama.

Kaya super love ko si chubby bestfriend.


15 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon