12. Who Is Dom?

262 16 2
                                    

"NAGLILIWANAG na mga mata?" ulit ni Mart, nasa room na niya kami nang oras na iyon. Nakaupo kami pareho sa tiled floor—tig-isang juice, sandwich at junk foods na hindi pa naka-open. Binili ko talaga kanina para sa mahaba-habang kuwentuhan. Nakakapit pa rin ako sa braso niya. Hindi ko gustong lumayo. Nag-iisip na kasi ako nang masama—na baka may mangyaring weird, like lunukin ako ng lupa o ng sahig, at least, hindi ako mag-iisa. Mahihila ko si Mart kung nakakapit ako sa kanya.

Tumango ako. "Nakita ko, Chubs! Malakas na liwanag. Parang nagka-hole 'yung eyes niya at do'n dumaan ang liwanag. Sobrang nagulat ako—then 'yon, I fainted."

"Ulitin mo 'yung tungkol sa voice, Cee. Hindi ko masyadong naintindihan."

"Nagkukuwentuhan tayo sa café, di ba? 'Tapos pinapanood natin si Dom. May voice akong narinig. Voice ng guy. As in ang clear kaya nga naghanap ako ng tao sa tabi ko. Pero wala! Tayong dalawa lang ang ando'n, eh."

"And the ghost hand?"

"May cold akong na-feel sa chest ko. Parang lumapat or humaplos, 'di ko sure. Basta ang cold! Naisip ko, ghost! Same ghost na bumubulong-bulong sa akin. No'ng na-feel ko 'yung cold, natakot na talaga ako. What if pervert nga 'yung ghost? 'Ayun, tumakbo na ako—bumangga ako kay Dom. Pag-angat ko ng tingin, there—kitang-kita ko 'yung dark eyes niya, nakatitig pa sa akin ng ilang seconds bago nagliwanag..."

"And then you fainted?"

"Yes..." inabot ko ang baso ng juice at uminom. "Hindi lang 'yun ang iniisip ko, Chubs..."

Tumingin lang siya sa akin, ngumunguya ng sandwich.

"Bago ako nagising sa clinic, may nangyari—'di ko sure kung dream or vision. Ang tagal ko na kasing walang visions, eh."

"Ano'ng nakita mo?"

"Nagising ako sa tama ng liwanag—sunlight. Mga dahon ang nakita ko, nasa ilalim pala ako ng puno. Strange place. 'Tapos no'ng tumingin na ako sa paligid, foggy—clouds or usok ata 'yon, 'di ko sure. Then slowly, naalis 'yong fog. White castle ang nakita ko, Chubs! Real castle..."

"And real prince?" Nagpipigil siya ng tawa. Iniisip niya sigurong produkto lang ng utak kong nagpapaniwala sa fairy tale ang mga nakita ko sa panaginip. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gustong pag-aksayahan pa ng mas mahabang panahon ang panaginip kong iyon. Iisipin ko na lang na ordinary dream lang iyon, na walang anuman. Isa sa mga panaginip na agad agad ko rin namang makakalimutan. Madali sanang gawin iyon kung hindi dahil sa mga mata ng character sa panaginip ko. Ang nagliliwanag na mga matang kitang-kita ko kay Dom—sa reality.

Paanong hindi magugulo ang utak ko kung mas nauna ang realidad kaysa sa panaginip ko?

"May prince ba? Knight in shining armor na assigned sa prinsesa—"

"Ipu-ipo na naging tall man na parang warrior ang nakita ko, Chubs."

Napamaang sa akin si Mart. Parang gustong tumawa pero nang naramdaman ang paghigpit ng hawak ko braso niya, nanahimik siya. Lumipat sa kamay ko ang tingin bago tumingin uli sa mga mata ko.

"May hawak siyang whip na naging...naging ahas..."

"Kinagat ka ng ahas?"

Umiling ako. "May ipu-ipo na naman then 'yung guy na kausap kong parang warrior, naging green-eyed teen na parang ka-age lang natin. Innocent-looking teen."

Tumingin lang sa akin si Mart. Nakinig na lang.

"'Tapos?"

"Hindi naman nakakatakot 'di ba?"

Tumango si Mart. "Cute nga. Fairy tale."

"May weird kasi, Chubs, eh. 'Yung 'Haia' at 'Prinsesa' na naisip kong ghost ang bumubulong sa akin, sinabi ng parang warrior na nakaharap ko."

Nagsalubong ang kilay ni Mart.

"Explain mo pa, Cee."

"Maligayang pagbabalik sa Himraya, prinsesa Haia—'yan ang exact word no'ng parang warrior. Ako 'yung tinawag niyang prinsesa. 'Yung whip niyang nagiging snake, naging flower. 'Yung tall guy, naging green-eyed teen!"

Nakanganga na lang si Mart, obvious na hindi alam ang sasabihin.

"Name ng princess ang Haia, Chubs."

"At ikaw ang tinawag niyang prinsesa?"

Hindi ako sumagot, lumunok lang. Kung naging iba kasi ang sitwasyon, matatawa lang ako pero may hindi maalis sa isip ko. Na nagpapabago rin sa heartbeat ko. Humigpit na naman ang hawak ko sa braso ni Mart.

Matagal na tinititigan lang niya ako. Parang may gustong makita sa mukha ko. Mayamaya, binawi niya ang braso na hawak ko. Inakbayan niya ako at kinabig palapit. "You're scared," mababang sabi ni Mart. "Bakit ka natatakot, Cee?" kaya bestfriends kami kahit two years pa lang nag-start ang friendship. Naiintindihan na kasi agad ni Mart ang emosyon ko kahit 'di pa buo ang ang kuwento.

Nag-angat ako ng tingin kay Mart. Hindi ko talaga mapigilan ang kakaibang beat ng puso ko. "Si Dom, Chubs..."

Mas nagsalubong ang mga kilay niya.

"'Yung nagliliwanag na eyes niya, same ng eyes no'ng green-eyed teen na nakita ko sa dream ko. Nag-faint din ako—sa dream—at nagising akong nasa clinic na."

Ang tagal na nagtama lang ang mga mata namin. Hindi na rin nagsalita si Mart, parang nag-iisip na rin.

"I think, you're right," sabi ko pagkatapos ng mahabang katamikan. "May something kay Dom. Nakita mo ba no'ng pumasok tayo sa room? Super busy siyang kausap si Leorelle. Ni hindi siya tumitingin sa akin."

"Napansin mo na ngayon ang sinasabi ko dati?"

"Pero 'pag kami naman ang magkausap, si Leorelle ang 'di niya pinapansin, Chubs—"

"Napansin na rin 'yan ni Leorelle. Kung may pictures siya ng potential victims sa room niya, may ex na ang mukha mo, Cee."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya tungkol kay Leorelle. May sarili akong issue. Wala akong extra time para sa mean girl ng section A. Nagtama ang mga mata namin ni Mart.

"Tapos sabi mo, sa clinic, parang hindi maalala ni Dom kung bakit 'ando'n siya?" Hindi ko mapigilan ang likot ng imagination ko. "Chubs, 'yon yung moment na nagliwanag ang eyes niya..."

Nakatingin lang sa mga mata ko si Mart, naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Hindi kaya wala talaga siyang maalala?"

"Posible. Pero bakit wala?"

"Nagiging ibang tao siya?"

"MPD nga?"

"Hindi ko sure. Ang naiisip ko, baka tama ka nga, pino-possess siya?" Hinila ko ang braso niya. "Chubs, let's find out, okay? Help me. Mag-'research' tayo?"

Medyo umangat ang isang kilay niya. "Si Dom na ang subject ngayon? Hindi na sir Sir JV?"

Na-realize ko, hindi ko naisip si Sir JV nang araw na iyon. Kailangan ko lang palang mayanig ng slight para malipat ang focus. Tama na muna ang heart issues. Mas gusto kong malaman kung ano'ng mayroon si Dominador Valiejos. At kung anong ibig sabihin ng panaginip ko. Bakit sa reality at sa dream mo, may iisang character na pareho?

Kung naging ordinary teen ako, madali lang palampasin ang ganoong panaginip.

Hindi nga lang ako ordinary teen. At hindi ko matandaang nagkamali ang pag-iiba ng heartbeat ko. May nararamdamang iba ang puso ko. Ang ganoong #feels, parang warning ng something na parating...

15 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon